Shannen's POV
Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang halos di maubos-ubos na flyers. Kanina pa ako nakatayo dito sa mall, magdadalawang oras na rin. Halos lalaki lamang ang tumatanggap pag inaabotan ko sa kadahilanang nais nilang mas masilayan ang aking kagandahan. Ano? Sa maganda ako, eh. Pero pagkatapos ko sila abotan ay itatapon lang sa may unahan. Sinasayang lang nila effort ko. At yong iba naman sinasadya talagang di mapadaan sa harap ko. Di ko nga maintindihan ang mga kompanya. Alam naman nilang iilan lang ang interesado sa flyers ngunit nagpoproduce pa rin sila ng pagkarami-rami. Dumarami tuloy ang basura. Oh, well, basta may trabaho ako. Pag may trabaho, may pera. 4th year college na ako at isang taon nalang ay gagraduate na. Isipin niyo anong courses ang may 5yrs, isa doon ang course ko. Tinatamad akong sabihin, eh. XD At dahil mahirap lang kami rumaracket ako pangtustos sa pag-aaral.
Nagliwanag ang mga mata ko ng mahagip nito ang isang batang babae na napahinto sa harap ko pero nakatalikod siya.
"Excuse me, miss," tawag ko sa kanya. Akala ko narinig nya pagtawag ko kasi lumingon sya. Wagas akong ngumiti sa kanya. Natigilan siya saglit saka binaling ulit ang atensyon sa phone nya. Aba't bastos na babae. Di man lang umeffect ang kumukutitap kong ngiti.
"Psst. Bata. Psst," tawag ko ulit. Aba't ayaw talagang lumingon. "Hoy, maliit na batang babae na nasa harapan ko!" Nagulat siya sa bulalas ko. Palingun-lingon siya, inaalam ata kung sino kinakausap ko. At nang makita nyang siya lang nasa harap ko. Nagsalita na siya.
"Ha? Ako ba kausap mo?" tanong nya habang nakakunot ang noo. Tanga pala to, eh.
"May iba ka pa bang nakikita?" tanong ko rin na nakasmile sa kanya. Palinga-linga ulit siya.
"Wala."
"Wala naman pala, eh."
"Eh, kasi naman tinawag mo kong bata," padabog na sabi niya.
"Bakit, hindi ba?" nakataas na kilay na tanong ko. Paano'ng hindi naging bata to eh ang liit. Hanggang baywang ko lang...joke. Hanggang tuhod pala...joke ulit. Hanggang balikat lang.
"Hindi po ako bata," sagot niya na nakasmile na. Pero alam kong fake yon.
"Eh, bakit mo ako pinopo ngayon?"
"Kasi PO. Gumagalang PO ako sa mas nakakatanda sakin," tugon niya na ma'y diin sa salitang po. Aba't tinawag pa talaga akong matanda.
"Ah, ganon ba, hija. Ang bait mo namang BATA," sabi ko na ma'y diin din sa huling salita. "Tamang-tama. Tulungan mo nga akong iabot to sa mga tao. Sumasakit na paa ko, eh. TUMATANDA na kasi." Ngumiti ako sa kanya ng bongga. Napanganga naman siya sa sinabi ko. Buti nga. Eh, di bumalik din sa kanya ang pagka pilosopo.
Hala. Nagulat naman ako ng tinotohanan niya'ng mag-abot ng flyers. Gumagalang ba talaga siya sa mas nakakatanda o sadyang uto-uto lang? Ah. May tinatago rin naman palang kabaitan. Buti nalang talaga at malapit ng matapos ang shift ko. Malapit na ring maubos ang flyers kasi halos inudnod na nya ang mga ito sa kung sino mang dumadaan.
Habang ginagawa ang trabaho ko, napansin kong may lumapit sa kanya.
"Nero, anong kahibangan ang ginagawa mo?" tanong nong may katangkaran na babae. Gaya nya, may hitsura din. Maputi at makinis ang balat. Mukhang mamahalin ang damit. Teka...mayaman guro ang mga ito. Pero bakit naman nya ako tutulungan kung ganon? Humble masyado? Parang di naman.
"Ah, Stella andyan ka na pala." Ngumiti sya agad dito sabay akap. "May tinulungan lang ako. Napasubo kasi ako," sagot nya na nakanguso sakin. Ikinuwento nya sa babae ang nangyari kaya tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas na tila wala ng bukas. Sinamaan naman ako ng tingin nong bata.
"Pasensya na dito sa kaibigan ko ha? Makulit lang kasi." Nginitian ko naman siya at hinabol ng irap yong batang katabi nya. Yon lang at hinila na niya ito patungo sa kung saang lugar niya balak patayin. XD
"Wait...wait lang," mahinang tawag ko. Hindi nila ako narinig. Paano na flyers ko? Di pa nya ako tapos tulungan. Tutulong-tulong siya tapos hindi tatapusin? Ano ba naman yan. At di man lang ako nakapagpasalamat.
Binilang ko yong pera na aking naipon. 'Yes, mababayaran ko na ng buo ang tuition ko!' At kung iniisip niyong isa akong ulirang anak. Nagkakamali kayo. Pera. Pera. Oo, pera lang lagi nasa isip ko. Pero di ko maiwasang maalala yong cute na babae kanina. At yong mga mata niya, nakakaakit. Hindi guro natural yon. Mas nagmukha kasi siyang porcelain doll sa laki at pagkadetalyado ng mga mata. Meron pa palang ganon na tao samundo noh? They own up their mistakes. Oo, kasalanan niyang tinarayan ko siya. Pwede silang tama o mali. Basta ako, tama palagi. XD
A/N: The image above is Shannen. ^^
~~~
BINABASA MO ANG
My Teen Romantic Comedy is Wrong as Expected
RomanceDalawang tao na lumaki sa magkaibang mundo at hindi inaasahang magsasama sa iisang lugar. Sa kabila ba ng ala yin at yang nilang ugali ay mabubuo ba ang isang harmony na tinatawag na pag-ibig? Ngunit may hindi tama sa istoryang ito...pareho silang b...