Nero's POV
Gabi na at inihatid ko na siya sa kanila. Papasok na sana siya ng bahay nang magsalita ako. "Pahiram ng phone mo."
"Huh?" mataray na naman na tanong niya. Parang beast mode palagi ang babaeng to ha. Pero binigay rin naman niya ang phone. At excited ko namang tinype ang number ko. Pagkatapos ay binalik ko agad ito sa kanya. "Ano ito?" Sheesh. Nakataas na naman ang kilay niya. In fairness, ang hot niya tingnan kapag ganyan. The way nakataas ang kilay niya ay ang seductive. At ang mga labi niya...Gosh! Hormones! Nero, be pure of your intentions. No dirty thoughts...not yet, at least. Heh Pasensya, in love lang po. ^-^
"Number ko. Para if ever na kailangan mo ako, I'll just be one click away," masaya kong saad sa kanya. "Bye, my lo-" pasigaw kong sabi pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. Oo nga pala, hindi pa alam ng mama niya na nanliligaw ako sa kanya.hehe But, in fairness, ang lambot ng kamay niya ang sarap kagatin. Gosh! Hormones! Umiling-iling ako ng pagkawagas kaya halos mabali ang leeg ko. Ouch naman. >.<
Huminga ako ng malalim at bumulong sa kanya. "Bye-bye, my big love." Napansin ko namang ngumiti siya kahit saglit. Yon lang at umalis na ako. Nang mapansin ko na pumasok na siya ay saka ako nagtatatalon. XD Naalala ko ang mga sinabi ni Stella kanina.
"Okay, ganito ang gagawin mo. First, dumikit ka sa kanya as long as possible. It will create a bond between you two. And also, para masanay siya'ng andyan ka palagi para sa kanya. 2nd, ibigay mo lahat ng gusto niya. Nasayo na ang lahat maliban sa isa. What you have is womanhood not the, uh, alam mo na. Fortunately, girls tend to look for romance not for sex. Kaya gustong-gusto nila ng pinapakilig. Hindi man nila sabihin, girls want to depend to someone dependable. And lucky for you, babae ka din kaya alam mo ang gusto ng mga babae kahit magpakipot sila. The problem now is hindi mo alam kung ano magpapakilig sa kanya kasi hindi mo siya mabasa. That leads us to your 3rd action which is ibigay ang number mo sa kanya. Kapag ikaw ang humingi ng number niya mamomroblema ka kung ano o kailan ka dapat magtext o tumawag. Mapapraning ka lang. Kaya hayaan mong siya ang mamroblema niyan. 4th, wag kang magparamdam ng isang araw sa kanya. Magtataka siya kung hindi kayo magkita sa isang klase. Tiyak yon ang gagamitin niyang excuse pag kokontakin ka niya. At kapag kinontak ka talaga niya, ibig sabihin ay nag-aalala siya sayo. 100% sure ako na may chance ka sa kanya."
And after one day...
Sniff sniff~
"Bakit ka ba nagmumokmok diyan?" takang tanong ni Stella.
Sniff sniff~
Sino ba namang hindi magmumokmok eh hindi man lang ako naalala nong malditang babae na yon. Dapit-hapon na at hindi pa rin ako tinetext. Wala nga guro akong pag-asa don. Pera lang naman gusto niya sakin. Haist. Bakit ba kasi sa weirdo pa ako nagkagusto. Baka naglalaro lang yon ng favorite games niya o di kaya masayang nanonood ng movies habang kumakain ng favorite foods niya. "Uwaaaah!" Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha na kanina ay fake lamang. Hindi nga ako nagparamdam buong araw, the whole time siya naman nasa isip ko.
"Tumigil ka nga sa pag-iyak mo na yan. Ang pangit ng boses mo. Para kang bat-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad kong kinuha ang gunting na nasa giliran ko. Iniharap ko ito sa kanya.
"Sige ituloy mo yan at malalaman mo talaga ang lasa nitong gunting pag ininudnod ko ito sa bibig mo," pagbabanta ko. Agad na tumango naman si Stella. Takot lang niya. Hindi naman ako brutal but that word really erks me.
Halos isang oras din akong nagmokmok nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkakuha ko nito ay may isang kamay ang nakisaw-saw. Halos mag-tug of war kami. "Ano ba, Stella?! Phone mo ba to?" iritang tanong ko.
"Nagmumokmok ka pa kasi. At isa pa, ikukuwento mo rin naman sakin ang text niya," pagpapaliwanag niya ngunit hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak.
"Ako muna, okay? I need a little privacy PO." At nang nakita niyang halos mamula na ako sa inis ay inalis na niya ang pagkakahawak sa phone ko. Yon lang at binasa ko na ang text ni Shannen sakin. Yey! Nag-hi siya sakin! Isang word lang at ang saya-saya ko na! Wootwoot! "So, nagtext siya. What do I say?" baling ko kay Stella. Agad naman niyang hinablot at tumawa nang basahin ang kakarampot na text.
"Mag-hi ka rin, you freak."
"Lalagyan ko ba ng pangalan niya or hindi na?"
"Lagyan mo. Feeling kasi ng receiver na special siya kapag may pangalan."
"Okay!" masayang tugon ko.
"You know what. It's just a text. Don't overthink it." Tumango ako sa kanya.
"Um...with or without a smiley?"
"Sheesh. Without one would make her think that you aren't into it. But, don't ever use the wink. You aren't a slut. A regular smile will do." Tumango lang ako na parang aso sa lahat ng sinabi niya. Ang galling talaga ng pinsan ko! Love expert! :D
After non ay tuloy-tuloy na ang pagtetext namin ni Shannen.
S: Bakit hindi ka pumasok?
A: Trip ko lang. XD
S: Sayang. Hindi mo nasilayan ang kagandahan ko ngayong araw.
A: Oo nga. :( Di bale, babawi ako bukas.
S: Dapat lang. Pero okay rin na di mo ako kinulit ngayon.
A: Huh? Bakit naman. :/
S: Busy kasi ako buong araw. May pinagawa ang butihin kong ina.
Sige na. Tinatawag na ulit ako ng mama. Bye
A: Bye-bye, my big love! :D
"O, ano nangyari at pulang-pula ka dyan?" teasing na tanong ni Stella. Oo, pulang-pula ako sa kilig. Eiyt! :3
"Is it just me or nag-explain siya sakin kung bakit ngayon lang siya nagtext?" Halos tumalon ako sa sobrang saya. Ganito pala talaga ang ma-in love noh? Maliliit na bagay ay binibig deal natin. Feel natin lahat ng ginagawa nila ay espesyal.
May chance nga ako kay Shannen. Feel ko nga may gusto na rin siya sakin. Haha Heto na naman po ang pagiging assuming ko. Pero lahat ng ito ay dahil sa mahal kong pinsan. Kaya naman inakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. "Bakit ka naman bigla-biglang nangyayapos diyan?" nagtataka ngunit nakangiting tanong niya. Ayei, gustong-gusto naman niya'ng ginagawa ko ito.
"Spread the love," masaya kong sabi sa kanya.
~~~Comment, vote and/or share. :] Thank you!
BINABASA MO ANG
My Teen Romantic Comedy is Wrong as Expected
RomanceDalawang tao na lumaki sa magkaibang mundo at hindi inaasahang magsasama sa iisang lugar. Sa kabila ba ng ala yin at yang nilang ugali ay mabubuo ba ang isang harmony na tinatawag na pag-ibig? Ngunit may hindi tama sa istoryang ito...pareho silang b...