Chapter 6: Money is love

128 6 0
                                    

Nero's POV

Hindi siya nakapagsalita at tila tulala na nakatingin sa sahig. "Ate Shan? Ate Shan, wala ka man lang sasabihin?" pagpupukaw ko sa kanya. Ngunit tulala pa rin kaya bahagya kong inilapit ang aking mukha sa kanya. With this, agad siyang natauhan at dahan-dahang hinaplos ang aking mukha. 'May gusto na rin ba siya sakin? Ambilis naman?' Oh, well. Ako pa ba ang magmamatigas? Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa kanya habang tinitilt niya ang aking ulo at malumanay na inilapit ng husto ang aming mga mukha. Pumikit ako, naghihintay sa matamis niyang halik nang...UCK! Binali niya ulo ko! Sadista talaga! Ang gaga ko naman kasing nag-assume. Oo na, ako na yong mali. Sanay na ako sa babaeng to pero ansakit pa rin, eh. Grr! "Ouch. Ansakit non ha? Ano ba problema mo?" malungkot na tugon ko.

"I just made sure that this isn't some sort of dream or nightmare," walang emosyong sagot niya. Hindi ko talaga malaman ang iniisip nito.

"Diba dapat yong sarili mo ang pinisil mo?" takang tanong ko habang hinihimas ang durog kong boto.

"Sasaktan ko pa sarili ko? Mas mabuti na kung ikaw lang. Total, ikaw naman ang bigla-biglang nagconfess dyan," sabi niya habang tinitingnan ang nails niya. Napailing nalang ako sa kanya. Weirdo talaga ang babaeng to.

Nanlaki naman bigla ang mga mata niya nang may marinig kaming ingay sa baba. "Andyan na si mama," tila nagpapanic na sabi niya. Naexcite naman ako bigla. Gustong-gusto kong makilala ang taong nagpalaki sa malditang babaeng ito at magpasalamat sa pag-anak sa kanya.

Susundan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Namula ako dahil dito. Shocks! Ito na ba? Ipapakilala na ba niya ako sa nanay niya? Ngunit hindi pa naman kami ha? "Tumalon ka," seryosong sabi niya. ANO DAW?! Gulat at napanganga ako sa sinabi niya.

"Tama ba ang narinig ko?" wala sa isip na nabungat ko. Nagsmile siya ng pagkanamis-namis.

"Oo, kaya tumalon ka na." Hinila niya ako papunta sa bintana at aktong ihuhulog na ako.

"No! No! No! Wag po, ate Shan! Ano na naman po ba ang maling nagawa ko?!" mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ko sa kanya. Napabuntong hininga siya. Aba't ihuhulog nga talaga ako! Balak pa akong patayin!

"Ayaw kitang makita ni mama." Hindi siya makatingin ng diretso. Bakit kaya? "Sige na, tumalon ka na." Pinagpipilitan pa rin niya? T.T Bakit pa ako nahulog dito? Ayan tuloy, balak akong ihulog sa bahay nila.

"Ano ako si wonder woman?! Hindi porket gusto kita ay gagawin ko lahat ng iuutos mo sakin." Pagkasabi ko nito ay natigilan siya saglit.

"Magtago ka nalang nga," inis na tugon niya. Yon lang at iniwan niya ako sa kwarto. At dahil sa curious akong tao, lumabas ako sa kwarto. Nakaupo si Shannen at ang mama niya habang nag-uusap. Nakatalikod si Shannen sakin. Agad naman akong napansin ni tita. Hm, tita daw? Close na kami, eh. XD

"Hello po, tita," masayang bati ko sa mama niya. Napalingon siya sakin at hindi maganda ang mga tingin niya. Yong tipong babalatan niya ako pag kami nalang dalawa.

"O, sino ka?" nakakunot noong tanong ni tita.

"Kaibigan po ni ate Shan." Pagkasabi ko nito ay mas naging intense ang mga tingin ni Shannen sakin. Ang lagkit. Imbis na kilabutan ako ay mas kinikilig pa ata ako. :3

"May kaibigan ka pala, anak? At ang gandang bata," natatawang sabi ng mama niya. Nagsmile pa rin ako. 'Wag mo ng isipin na tinawag ka niyang bata. Ang importante ay nagagandahan siya sayo. Plus points ka don.' "Halika, hija. At ng makapag-usap naman tayo." Tumango ako at agad na umupo sa tabi niya. Pagkaupo ko ay siya namang pagtayo ni Shannen.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto."

"Bakit?"

"Kayo mag-usap. Gusto mong magpakita sa mama ko at siya naman gusto kang kausapin. At ako? Gusto kong pumunta sa kwarto. O, lahat masaya diba?" sabi niya na nakafake smile. Nakakatakot talaga ang babaeng to. Kahit sa harap ng mama niya maldita pa rin.

"Umupo ka, anak," mariing tugon ni tita.

"Pero ma-"

"Sino ba ang ina dito?"

"Ikaw."

"Ang anak?"

"Ako."

"Ganon naman pala, eh. Kaya sino ang dapat sundin?" Hindi ko mapigilang tumawa sa nakikita ko ngayon. Si tita lang pala ang katapat niya.

"Ang nanay dahil MATANDA na," sagot niya sabay irap. Hala. Wala talagang galang kahit sa matanda. Tss.

"Anong sabi mo?" nakataas kilay na tanong ng mama niya. Dito pala ito nagmana. Maldita rin. XD

"Ang nanay dahil mas nakakatanda PO." Napabuntong hininga nalang siya at wala ng nagawa kaya bumalik sa pagkakaupo.

"Paano naman kayo nagkakilala nitong anak ko? Akala ko kasi wala siyang kaibigan. Hindi kasi siya nagdadala ng kaibigan sa bahay." Ah. Kaya pala ayaw niya akong ipakilala sa mama niya.

"Talaga po? Ako po ang unang dinala niya dito?" masayang tanong ko. Ako yong first! Ako! Hindi sila! Ako lang! Haha! Ngunit nawala bigla ang ngiti ko sa sinabi ng mama niya.

"Hindi. Yong boyfriend niya."

"M-may boyfriend po siya?"

"Ex," paglilinaw ni Shannen na tila inis pa rin. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na ex lang niya yon o ano. Haist

"Sayang nga, ang yaman pa naman non," malungkot na tugon ng ina iya. Hala. Manang-mana nga siya dito, mukhang pera.

"Mayaman rin yan, ma. Pwede nyong kotongan." Pagkasabi ni Shannen nito ay binatukan agad siya ni tita. Umismid lang siya sabay hawak sa ulo.

"Gaga ka ba? Tinatakot mo naman yang maganda mong kaibigan, eh. Saan ka ba nagmana?" tanong ng mama niya na alangang ngumiti.

"Sayo," maikli niyang sagot.

"Haha Wag ka nga. Sabagay, nagmana ka naman sa kagandahan ko," sabi ni tita na alangang tumatawa. Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Shannen at bumolong dito. "Discreet lang dapat, anak. Baka di na bumalik yan." Pabulong nga ngunit rinig na rinig ko naman. Nakakatakot ang mag-inang to. Yong tipong kapag wala akong maibigay na datong ay hindi na ako makakalabas ng buhay. Napatayo ang mga balahibo ko sa kababalaghan nilang gagawin.

"Ma, wag na kayong mahiya. Patay na patay naman sakin yan..." Nanlaki ang mga mata ni tita pagkasabi niya nito. "...ang ibig kong sabihin, gustong-gusto niya po akong kaibigan kaya gagawin niya lahat para sakin," patuloy ni Shannen na naka evil smile pa. Sheesh. Ita-take advantage pa ang nararamdaman ko. Pero totoo naman, eh. Kahit ano talaga gagawin ko para sa kanya. XD

Pagkatapos nang kulitan naming tatlo ay itinaboy ako ni Shannen. "Umuwi ka na," mariin niyang sabi. Gusto ko pang makasama siya pero gabi na rin naman. Napabuntong hininga nalang ako. "Ihahatid na kita." Nagliwanag naman ang mga mata ko ng sabihin niya ito. Mahinhin akong tumango sa kanya. Habang naglalakad kami palabas ng bahay nila hindi ko maisipang maimagine na naglalakad kami sa simbahan...ikakasal na ka- Naputol agad ang heavenly imagination ko ng bigla siyang magsalita. "Hanggang dito nalang ako." Tumango ako sa kanya. Wait what?!

"Huh?" napanganga kong tanong. "Akala ko ba ihahatid mo ko?"

"Inihatid nga kita," seryosong sagot niya, ipinapakita sakin na assuming na naman ako. Paano namang hindi ako magugulat eh sa may pintoan palang kami?

"What?! Inihatid mo pa ako eh hanggang sa labas lang pala ng bahay niyo!" nagkibit-balikat lang siya. Talaga tong malditang babae na to!

Inis na tumalikod ako sa kanya at nagsimulangmaglakad. "Nero..." tawag niya sakin. Ang ganda talagang pakinggan ng boses niya. At iba ang dating pag siya ang nagsabi ng pangalan ko. Lumingon naman akoagad at hindi napigilang ngumiti. "Mag-ingat ka pauwi." Yong lang at sinara na niya ang pinto. At ako naman, napangiti ng abot hanggang langit. ^-^ 'I'm sure now. I'll make her love me. I have the thing that she'll never refuse...money. XD' 


A/N: Pasensya na po sa typos. Tinatamad akong mag-edit, eh. :p

~~~

Comment, vote and/or share. :] Thank you! 

My Teen Romantic Comedy is Wrong as ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon