Chapter 11: Family?

188 6 2
                                    

Shannen's POV

"No," mariing sabi ng mommy ng babaeng mahal ko. "I will not tolerate such acts." I rolled my eyes . Bastos na kung bastos. Ang OA lang kasi. 'Move on guys. Modern world na tayo. Pfft' Gustohin ko mang sabihin ang nasa isip ko ngunit ni anong salita ay hindi lumalabas sa aking bibig. At nang hindi sinasadya, nabaling ang titig ko sa kanyang ama. Sukat don ay nagdalawang isip na ako sa pagmamahal ko kay Nero, ang hot ng papa. Di, joke lang. >.< Sa kung anong bilis ng pag-iwas ko ng tingin sa kanya ay sa kung anong bilis din ng pagregret ko na nahagip siya ng aking mga mata. Katakot lang kasi ang mukha. Parang gusto akong katayin sa sama ng tingin sakin.

"But, mo-"

"You listen to me, honey." Aba't ang tigas ng bruha. Oo, ako na ang masama mag-isip sa parents ng mahal ko. Wow. Nakakarami na ako ha. Ang sarap kasing pakinggan ng 'mahal ko'. Eeiyt! :3

"Aray!" wala sa lugar na bulalas ko. Siniko ba naman ako sa giliran ni Nero! "Loko kang bata ka ha?! Dito mo ba naman naisip na sikohin ako?" inis na tanong ko sa kanya. Ansakit ba naman kasi. Anong kala niya sakin manhid? Porke't may pagka cold ako? Pssh!

"Ay, sorry." Nagpeace sign siya ng nakangisi. "Napalakas ata.hehe" Habang ang parents naman niya ay napanganga, hindi makapaniwala sa pagiging hard ko sa anak nila. 'Pasensya nalang kayo. Patay na patay sakin, eh.'

"Bakit mo ba naman kasi ako siniko?" malumanay na tanong ko. Oo, mahinhin ako ngayon. Dati pa naman talaga pero mahihinuha niyo sa mukha ko ang kaplastikan, nagpapaimpress kasi ako ngayon.

"Kanina ka pa kasi walang kibo. Di mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo o di kaya ipaglaban ang pag-iibigan natin?" Nakks. Ang cheesy at lame naman. "Natiklop ka ata?" pahabol niya.

"Natiklop talaga," proud na tugon ko. Sila lang naman kasi ang kauna-unahang mga nilalang ang nagpatiklop sakin at sa kadahilanang sila ang nagluwal sa magandang babaeng nasa harap ko ngayon. Boom! Lalim non ah. XD Di biro, mapapagod lang kasi ako. Sayang ang effort. Hindi nga nila pinapakinggan anak nila, ako pa kaya?

"Ngee! Nanay mo ng-" Agad kong nilakihan ang aking mga mata, tila nagsasabing 'tatadtarin talaga kita mamaya kapag tinuloy mo yan!' "Nanay mo nga hindi mo-" Ugh! Tikas pa ng ulo. Nagsmile ako sa kanya sabay mouthing my words 'babawasan ko yang height mo mamaya pag tayo nalang dalawa'. Sukat dito ay namutla siya at binalik ang atensyon sa butihin niyang parents. Sheesh. Buti nga. Hindi pala makuha sa sadistang method ko ha? Alam na alam ko naman ang kinatatakutan niya. XP

"So, uh, er, um..." hindi mapakaling sabi ni Nero sa kanyang ina. Hala. Lahat yata ng utal na salita ay balak irecite. Buti nalang yan lang alam niya.

"Oh, dear." Ang kaninang intense na tingin ng mama niya ay naging soft na. Kanina pa sila ingles ng ingles dito, nakakaaliw tingnan. :D "You are too young to decide for yourself. Look at you two." Tumigil siya saglit para tingnan kami pareho at sa huli ifinucos ang tingin sa kanyang anak. "Look at you. You are nothing but a child." Agree naman ako sa kanya.

"Mom, I can decide for myself! I'm already 18 and you know that!" pagmamaktol ni Nero. Pinigilan ko na lang ang tawa ko.

"Oh, really?" mocking na tanong ng mama niya habang tiningnan siya from head to toe. "Tell me that when you become looking and acting like one. 'Coz dear, you seriously have some height problem." WOW! WHAT A MOTHER?! Sarcastic pala to. Tumango-tango ako sa bawat salitang sinabi niya. Tama nga naman. XD

Habang naaaliw ako sa mga nangyayari, hindi maipagkakaling naiinis na tong kasama ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at walang pagdadalawang isip na hinila niya ako papalabas ng bahay. "We are still talking to you! Come back here!" sigaw ng mommy niya.

My Teen Romantic Comedy is Wrong as ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon