Chapter 2: Be my tutor maid

233 7 9
                                    

Nero's POV

"Hey, nakatulala ka na naman!" pagpukaw sakin ng butihin kong kaibigan. At natauhan naman ako sa lakas ng boses nya.

"Kainis kasi yong magandang babae kanina. Ang taray lang kasi at tinawag ba naman akong bata," nakasimangot na sagot ko rito.

"You can't blame her. Ubod ka naman kasi ng liit," saad niya na tumatawa-tawa pa.

"Hmp. Pasalamat siya maganda siya magsmile. At alam mo namang ayaw na ayaw kong tinatawag na bata diba? Sa talino, sa bait at sa ganda kong to, mukha pa akong bata?"

"Naman. The ever humble Nero. At ano namang connect ng mga katangian mo na yan sa pagiging hindi bata?" napakamot sa ulo na tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. Napabuntong hininga naman siya. "Let's go shopping, okay? Aga-aga nahahighblood ka." Tumango naman ako sa kanya.

Kinabukasan niyaya ako ni Stella na kumain sa isang maid café. Sabi niya maganda daw doon. Peaceful and relaxing daw ang place. Ang mga waitress ay nakasuot ng maid uniform. Kung kumilos din daw sila ay para talagang isang butihing maid gaya sa anime. At may libreng patutor pa. Malapit lang kasi ito sa University namin. Puno daw palagi ang lugar kaya naman nagpabook na siya for the two of us.

Nang pumasok kami binati agad kami ng nakangiting magagandang dilag. At dahil VIP kami, especial ang treatment samin. Pareho kaming umorder ng parfait, meringue cake at chocolate mousse. Opo, matatamis po yan lahat. Sa mahilig kami sa matamis, eh.

Lumaki ang aking mga mata ng makita yong mataray na babae kahapon. Agad naman akong napasimangot ng hindi man lang siya nagulat, ngumingiti pa ring inilagay ang order namin sa table. Hindi ko matansya kung fake o totoo ang ngiti niya. Ang ganda kasi at saka nagniningning ang mga mata. Nakalimotan na siguro ako nito.

"Maid ka dito?" tanong ko, nagbabaka-sakaling naalala pa niya ako.

"Yes, mistress," sagot niya na panay ang ngiti. Loko-loko to ah. Nag-English pa. Ginampanan nga ang pagiging maid. Hindi nagkamali ang employer sa pagkuha sa kanya. Galing umarte, eh.

"Is there something you can't do?" tanong ko ulit. Kala niya siya lang marunong. Ano pang silbi ng milyones ng pamilya ko kung mag-english lang di ko magawa. XD

"I don't talk nonsense with strangers." Ayon! Lumabas din pagkamaldita. Pero di ko maiwasang mabighani sa kagandahan nya. Para pa rin siyang anghel sa paningin ko. Wait...what exactly am I thinking?

Kinabukasan ulit, natapat sa tanghali ang first class schedule ko ngayong araw. Pinark ko ang sasakyan sa parking lot ng University. Pagbaba ko sa car ay halos matunaw na ako sa init. Agad kong binalik ang ulo ko sa loob ng kotse. Parang nasa heaven ang pakiramdam sa sobrang lamig. Sa tuwing tinatangka kong ilabas ang ulo sa sasakyan, agad ko ring binabalik ito. Oo, baliw na kung baliw. Ang init, eh. Kayo kaya? Patuloy pa rin ako sa kabaliwhan ng may marinig akong familiar na boses.

"Jessie, hintay," tawag niya sa lalaking matangkad din gaya niya. 5'9 guro ang height. Bagay sa 5'7 na height niya. Gwapo. Parang basketball player ang dating. Bagay rin naman talaga silang tingnan, para silang grown-up couple.

"O, Shannen ikaw pala," tugon nito na nakasmile sa kanya at dahil dito mas naging klaro ang dimples ng lalaki. So Shannen pala pangalan niya. Ang pangit naman. Biro lang. Ang ganda. Kasing ganda niya.

Napansin niyang may nakatitig sa kanya kaya binaling niya ang tingin sakin.

"Bakit andito ka, bata?" napakunot sa noo na tanong niya. Hindi ko mapigilang ngumiti ng ewan. 'Naaalala pa pala niya ako.' Aba dapat lang, di ko siya nakalimotan kaya dapat ganon din siya sakin. Pero parang nagugustuhan ko ng ganyan ang tawag niya sakin. Parang endearment. Ano ba to? Ang weird ng mga iniisip ko.

"Sa dito ako nag-aaral. Eh, paki mo ba?" harsh na sagot ko pero nakasmile pa rin. May sasabihin pa sana siya nang may tumawag sakin.

"Nero, come here!" Napalingon ako sa tao na nagmamay-ari ng boses. Si Stella lang pala. Lumapit ako sa kanya. Lumingon ako saglit sa kinaruruonan nong babae ngunit wala na siya. Bigla akong nalungkot.

"Ano ba meron?"

"Qualified ka na mag-accelerate sa analytical calculus," masayang sabi niya. Niyakap ko siya at pareho kaming nagtatatalon sa tuwa.

"Ikaw?" kabadong tanong ko. Malungkot na umiling siya. Niyakap ko ulit siya at nagtatatalon ulit kami pero naluluha na.

"Mamimiss kita," sabi niya na nangingiyak.

"Sira. Para mo naman akong pinatay. Hindi naman ako mawawala. At saka, isang subject lang naman yon."

"Kahit na! Malaking kawalan sakin yon. Kanino nalang ako mangongopya sa tuwing wala o nakatalikod ang prof habang nag-eexam?"

"Tuturuan pa rin naman kita, eh," nakangiting saad ko sa kanya. Sukat don ay naglakad kaming nakangisi na parang mga bata. You heard me right. Tinawag ko ang sarili ko na isang bata. Okay lang sakin dahil ako lang may karapatan to call myself whatever I want. Pumunta kami sa office para kunin ang schedule ko. Nanlaki ang aking mga mata ng mahagip ko ang isang familiar na pangalan. Shannen Hernandez.

At sa sumunod pang mga araw, napapadalas na ang pagpunta ko sa nasabing maid café. Di ko alam kung bakit, pero naiintriga talaga ako sa babaeng yon. Parang hinihila niya ako papalapit sa kanya. At ako naman tong si tanga, nagpapahila rin. XD At ngayon alam ko na working schedule niya sa café:

MTh 4:00pm-6:00pm

TF 10:00am-12:00pm

Pagpasok ko sa café ay nadatnan ko siyang nagtuturo sa isang college student. Nainis naman ako bigla. At gusto ko rin siyang mairita kaya may naisip akong evil plan. XD

At dahil sa mayaman at cute ako walang kahirap-hirap na pumayag ang manager niya sa request ko. Pinatawag niya ito at agad naman siyang lumapit sakin.

"What can I do for you, mistress?" nakasmile na tanong niya. Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad sa kanya sabay lahad sa analytical book.

"From now on, you are my personal tutor and I'll be your constant student. We'll be in a tutor-student RELATIONSHIP," kampanteng saad ko. Umirap siya saglit at saka nagsmile ulit.

"Ah, anong year ka na ba?"

"2nd year college po, ate." Naningkit ang mgamata niya, halatang di naniniwala sa sinabi ko. Alam kong mangyayari ito kayaagad kong kinuha ang COR ko at ipinakita sa kanya. Napanganga siya. Halatang gulat na gulat kaya tinawanan ko siya. Bata pala ha? :P


A/N: The image above is Nero. ^^ Cute, isn't she?

~~~

Comment, vote and/or share. :] Thank you!



My Teen Romantic Comedy is Wrong as ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon