Shannen's POV
"Wait. Kung 2nd year ka pa lang, bakit analytical tong pinapaturo mo sakin?" takang tanong ko sa kanya. At parang hindi ako komportable sa pagtawag niya sakin na ate.
"Nag-accelerate kasi ako," nakangising sagot niya.
"Ano?!" bulalas ko. "So, matalino ka? No, scratch that. You are one of those geniuses?" Di talaga ako makapaniwala. Pero baka yon ang dahilan ng hindi niya paglaki. Inabsorb lahat ng utak niya ang nutrisyon.
"Hindi naman. Sakto lang," pahumble na sabi nito na nagbablush pa. Asus!
"Eh, bakit ka pa nagpapaturo sakin?"
"Baka kasi mahirapan ako. Alam mo na. Masyado pa akong BATA for this specific subject." Nang-aasar ata to, eh. Bakit pakiramdam ko sinasadya niya magpatutor sakin? Feel ko sinusundan niya ako. Parang may galit kasi sakin mula nong tawagin ko siyang bata at pinatulong ko. Kusa naman siyang tumulong diba? Di ko naman pinilit.
Wala akong nagawa kundi ibigay ang gusto niya. Madali naman siyang matuto at palangiti. Mas mabuti na rin to. May dahilan na ako para tanggihan ang mga lalaking nangungulit magpaturo pero ganda ko lang ang habol. Pati yong mga babaeng ang tagal makaintindi. Kapagod kaya. Ayaw na ayaw kong nasasayang ang energy ko sa mga walang kuwentang bagay.
Nagiging komportable na nga ako sa kanya at nasasanay na ring kasama siya. Paano ba namang hindi. Sinadya talaga niyang ako lang ang magtutor sa kanya. Mga ilang araw ko na rin siyang tinuturoan at hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
Bored na nakaupo ako sa center part of the rows. Ito kasi ang best seat. Kung sa unahan ako mauupo, agad akong mapagdidiskitahan ng prof namin. Kung sa likod naman, mapapansin pa rin niya ako. At kung sa bandang gilid naman, mahahagip pa rin ako ng mga mata niya at malamang na tatawagin kapag magtatanong siya. Ayaw ko kasing mapansin ng professors dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako nakikinig at tila alien silang nagsasalita. Start of midterm na kaya hindi pa ako pwedeng umabsent. Tsaka na if malapit ng matapos ang midterm lessons.
Nagstart na ang klase ng biglang may nagbukas ng pinto. Naguguluhan akong nakatitig sa kanya. Well, lahat kami nakatingin sa kanya. At hindi dahil ang cute niyang tingnan sa eyeglasses niya o kung ano man, kundi dahil alam naming she didn't belong in this class. Bigla kong naalala yong sinabi niyang nag-accelerate siya. Inintroduce siya ng aming prof. That from now on daw kaklase na namin siya. Dapat daw tulungan namin siya dahil para pa siyang fetus...I meant dahil mga kuya't ate niya kami. Ako ang pinakamatanda dito dahil lahat sila 3rd year pa lamang except that girl. Nadelay kasi ako dahil ngayon ko lang kinuha ang subject na ito sa kadahilanang minor lamang. Inisip ko kasi noon na uunahin ko muna ang major subjects at kung babagsak man ako ay hudyat na yon na hindi para sakin ang course na ito. At salamat sa diyos ay nairaos ko naman ang aking grades na ni isang kandila ay wala akong makita.
Nakangisi siyang nakakaloko nang umupo siya sa tabi ko. Feeling close masyado. Ni hanggang ngayon hindi ko nga alam pangalan niya. "Hey," masayang bungad niya.
"Hey," panggagaya ko sa tono niya. Mabilis kong tiningnan ang ID niya. "Nero Rosas," basa ko dito. Napatawa ako ng malakas ng wala sa oras. Ang bantot ng apelyido niya. XD Yon nga at nagtinginan ang lahat sakin. Nagpaubo-ubo nalang ako. Kainis. >.< Ngayon malamang maaalala na ako ng prof namin. Kasalan kasi ng babaeng ito, eh. Kung hindi ba naman ganyan ang apelyido niya hindi sana ako natawa.
Napatingin ako sa kanya. Maayos siya na nakaupo at nakatuon ang atensyon niya sa prof namin. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Dito ko mas naappreciate ang pagkacute niya. May pagkamaldita man, nakakaappreciate naman ako ng magagandang tanawin. XD Ang liit ng mukha niya. Malamang, maliit na tao, eh. Nakakatakot naman kung malaki. Napakakinis at ang puti ng balat. Pang mayaman. Pwede ko kayang kutongan to?haha
Bagay na bagay talaga sa kanya ang salamin. Hindi ko mapigilang ilapit ang mukha ko sa kanya. Sayang lang dahil natatakpan yong alluring eyes niya. Ngunit may napansin akong kakaiba dito. Hala. May sticker eyes siya. Maayos itong nakadikit kaya hindi mahahalata sa malayo. Tss. Akala ko naman nakikinig ng maayos. Naloko ako don ha. Ang kulit talaga nito. Bata nga. Kunsabagay, ganyan din guro gagawin ko kung ganito ka boring ang prof. Kalalaking tao, ang malumanay magsalita.
Pagkatapos ng klase excited na inakap niya ako."Bye-bye po, ate!" paalam niya sakin. Ang clingy talaga. Pero okay lang, ang sarap naman niyang mang-akap, eh.hehe
~~~Comment, vote and/or share. :] Thank you!
BINABASA MO ANG
My Teen Romantic Comedy is Wrong as Expected
RomantiekDalawang tao na lumaki sa magkaibang mundo at hindi inaasahang magsasama sa iisang lugar. Sa kabila ba ng ala yin at yang nilang ugali ay mabubuo ba ang isang harmony na tinatawag na pag-ibig? Ngunit may hindi tama sa istoryang ito...pareho silang b...