Chapter 10: Mama's approval

109 5 0
                                    

Nero's POV

"Pisilin mo pisngi ko. Yong masakit," sabi ko kay Stella. Madali naman siyang kausap at pinisil-pisil nga niya ng pagkasakit-sakit ang makinis kong pisngi. "Ahh! A-lay! Alay!" Sinampal ko ang kamay niya kaya siya nabitaw. Malamang para na akong si pooh sa pula ng pisngi ko.

"Oww!" reklamo niya sabay himas sa kamay. "Ikaw na nga tinutulungan diyan!" Sumimangot ako sa kanya at binaling nalang ang isip sa nangyari kanina. Haay, ansarap ng feeling in love at mahal ka din ng mahal mo. <3

"With all seriousness, ano na ang plano mo?" mariing tanong ng pinsan ko. "Kapag nalaman ni auntie at uncle to ay siguradong hindi nila magugustuhan. Alam mo namang strict sila lalong-lalo na dahil sa nangyari sa mga kapatid mo." Sumeryoso mukha ko sa sinabi niya.

"They don't need to know."

"But, this is an important part of your life."

"Kaya nga. Hindi ko hahayaang sila ang sumira nito."

"Nero, parents mo pa din sila. Binibigay nila sayo la-"

"Naging mabuti rin naman akong anak ha?! I do everything to please them. And my sisters, huh?! Anong napala nila?!" Natulala Si stella sa pagsigaw ko. Ito ang unang beses na nagtaas ako ng boses sa kanya. Lumungkot naman ang mukha ko. "Just please...tsaka ko na sasabihin pag kailangan na talaga," saad ko dito sabay buntong-hininga. Nagsmile naman siya sakin.

"O, siya. Wag ka ng sumimangot diyan. Dapat masaya ka diba?" Napasmile agad ako sa sinabi niya. Paano ba namang hindi? Naisip ko na naman si Shannen, eh. ^-^ Para siyang gamot na pampaalis ng lungkot ko. Gusto ko tuloy puntahan siya ngayon at halikan at hubaran...pagkatapos magagalit siya at igagapos niya ako sa kama, hahalikan and she'll lick every part of my bo- gosh! I'm a perv! Andumi talaga ng isip ko. XD

Lutang pa ang utak ko nang biglang magring ang phone ko. abot langit ang aking ngiti nang mabasa ang caller. 'shannen!' Naramdaman ata niyang iniisip ko siya kaya tumatawag. Feel ko naman may real connection kami, parang mental telepathy. Eiyt! Kilig to the bones naman ako. Para tuloy akong uod dito sa sobrang kilig kahit wala pa siyang sinasabi. XD

"Hello," mahinhin kong bati as I gently tucked my hair behind my ear. Ang landi ko talaga. XD Yong parang maharot na bading na nakita ang crush niya.

"Ro, maghanda ka bukas," seryoso niyang sabi. Yong tipong kakatayin na ako bukas. However, she got me at 'Ro'. :)

"Ro?"

"Bakit, may angal ka?"

"Ha, wala naman. Nagtataka lang."

"Ang taas kasi ng pangalan mo." Ano ang mataas don? 2 syllables mataas? Ang tamad talaga. Oh, well.

"Okay. Um, so bakit kailangan kong maghanda? May occasion ba?" mahinhin ko pa ring sabi.

"Oo. Wait, may sakit ka ba? Bakit antamlay mong magsalita?" takang tanong niya.

"Ha? wala, wala. Kinikilig lang." Pagkasabi ko nito ay napaubo siya.

"Anyway, be your usual self bukas ha? Ihanda mo lang yang sarili mo. B-bye" Magsasalita pa sana ako ngunit pinutol niya agad ang linya. Haay...grabe kung makapambitin. Kinabahan tuloy ako. 'Gosh! Ano kaya ang mangyayari sakin bukas?'

Tumunog ulit phone ko, this time nagtext naman siya. Nawala kaba ko pagkabasa ko nito:

Good night, Ro! I love you! <3

PS- Pasensya na ha? Hindi ko pa kayang sabihin kaya text lang muna. Nahihiya pa ako, eh.hehe

At dahil dito, nakatulog ako ng mahimbing at matiwasay...

My Teen Romantic Comedy is Wrong as ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon