Shannen's POV
"Anak! Anak!" sigaw ng butihin kong ina. Binuksan ko ang isa kong mata. Pagdilat ko ay bumungad sakin ang sikat ng araw kaya ipinikit ko ulit ito. "Maganda kong anak, gising na," malumanay na pagpukaw niya sakin. Napangiti naman ako dito kaya't bumangon na ako.
"Bakit po, maganda ko pong mama?" tanong ko na nakasmile pa rin. Tama ang narinig niyo. NagPO ako sa aking ina. Kung ganon ba naman kasi ang maririnig niyo sa umaga, gaganda talaga ang gising niyo diba?
"Tanghali na, maganda kong anak." Wait, what?! Agad kong tiningnan ang orasan. Nanlaki ang aking mga mata. Late na ako! Hindi sa klase. Paki ko ba don. "Yes, yes. Kaya pumunta ka na sa kung ano mang shop ang pinapasukan mo."
"Maid café," pagtatama ko sa kanya.
"O, siya. Umalis ka na at ng makapaglinis na ako ng bahay."
"Teka. Bakit kaya andito? Trabaho niyo po?"
"Nakalimutan mo na sinabi ko kagabi?" Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko nga na dayoff niya ngayon. Yong maharot na Nero kasi kung ano-ano sinabi, nawala tuloy sa isip ko ang about kay mama. Grr! Kokotongan ko talaga yon pag nagkita kami! Gulohin ba naman ang isip ko. Haist.
"Sige na, ma. Aalis na ako," paalam ko sa kanya. Tumango lang siya. At nang mapansin niyang di pa ako lumalabas, napakunot ang noo niya.
"O, akala ko ba aalis ka na?"
"May nakalimotan PO kayo."
"Ha?" Tumigil siya saglit para mag-isip. "Wala naman, eh."
"Seriously, ma?"
"Asus. Ang arte mong bata ka," sabi niya sabay pitik sa noo ko. "Paalam maganda kong anak." Sukat dito ay tuluyan na akong lumayas. XD
Pagpasok ko sa café ay nahagip agad siya ng mata ko. Nakasmile ng nakakaloko. "Oh, my god!" bulalas ko ng makita ang taong obsess sakin. Obsess naman talaga ang babaeng to ah! Kahit saan ba naman kasi sinusundan ako. And yes, marunong akong mag-OMG. "Lord, binabawi ko na po ang sinabi kong kokotongan ko siya. Di pa ako ready makipag-usap sa kanya," pagmamakaawa ko sa maykapal. Para akong praning dito. 'Shannen. Wag kang kabahan. Stay cool.' With this, I shifted my full gear maid mode. Kukunin ko na sana ang uniform ko nang may biglang humablot ng kamay ko. Kalokang magnanakaw to. Pati ba naman kamay ko pinagdidiskitaan. Inis na lumingon ako sa nagmamay-ari ng malambot na kamay na humawak sakin. Kinabahan ulit ako ng makita si Nero. Nakasmile pa rin ng nakakaloko. Ano na naman ba ang plano nito?
"Halika na," sabi niya habang hinihila ako. Hindi ako gumalaw. Syempre, dahil sa maliit siya at halatang mas malakas ako, hindi niya ako mahila-hila. "Halika na sabi, eh!" Aba't siya pa ang pikon.
"Ano?!" inis na tanong ko. Tinawanan ba naman ako.
"Sumama ka sakin," sabi niya habang tumatawa pa rin.
"May trabaho ako."
"Binili na kita," seryoso niyang tugon.
"Ano?!" bulalas ko. Sino ba naman di magugulat sa sinabi niya.
"Hehe. Joke lang. Binili ko na oras mo. Sakin ka na magtatrabaho from now on." Sira talaga ang babaeng to. Kung ano-ano tumatakbo sa isip. Ay. Ako pala palagi tumatakbo sa isip niya. Oh, well, maganda ako, eh. XD
"Ano?" Hala. Para akong sirang plaka. Paulit-ulit lang sinasabi ko.
"Bingi ka na ba ngayon?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Ano?"
"Sheesh. Pinagtitripan mo na naman ako, eh," nakapout na sabi niya. Nagkibit-balikat lang ako ngunit sa totoo lang gusto kong pisilin ang pisngi niya. Ang cute niya kasi. "Halika na nga." Napapikit ako bigla sa sinabi niya. Hinihintay ang hindi pala darating. "Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
"Ha? Sabi mo ka-" Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi niya. 'Halika na nga hindi halikan na.' Nabingi nga talaga ako. Joke lang naman yon. Lord, tinotohanan mo naman. >.<
"Kung hindi kita kilala, iisipin kong gusto mong magpahalik." Napaubo ako sa sinabi niya. Gosh! Buti nalang assuming at tanga siya.
"Bakit ba kasi?" kunwari inis na tanong ko.
"Sabi mo diba money makes it easier for us to get what we want. Nagkataong ikaw ang gusto ko, eh," sabi niya sabay kindat sakin. Hala. Akala niya mahuhulog ako sa pacool and seductive niyang ginagawa. Well, baka nga. Wait, what? No, no, no. Hindi pa ako pwede mahulog, papahirapan ko pa muna siya. XD
"O, ano to?" Bored na hawak-hawak ko ang isaw.
"Ikaw tong pobre pero di mo alam?" Kung makapobre naman to! Pulubi pa rin ba talaga tingin niya sakin?
"Ang ibig kong sabihin bakit tayo kumakain sa isawan?"
"Para mafeel ko ang mundo mo," swabeng sagot niya. Pssh. Heto na naman siya, nagpapacool.
"Hindi naman ako kumakain nito, eh," pambabara ko sa kanya. Namutla siya sa kahihiyan. Buti nga. Duma-the moves kasi.
"Ay. Hindi ba? Sabi kasi ni Ste-" Hindi na niya natapos ang sasabihin kasi hinila ko agad siya papalayo sa isawan. Taka naman siyang sumunod sakin. Lumingon siya saglit. At tila nalungkot siya ng makita niya ang taong gusto kong iwasan...si Jessie. Kailangan ko siyang iwasan kahit na anong mangyari. Hindi pa ako ready makipag-usap sa kanya. Napabuntong hininga nalang kaming dalawa ni Nero. At dahil dito, napatitig kami sa isa't isa. Malagkit ang aming mga tingin. Walang nagpapatalo. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natawa. Joke lang. Alam ko kung bakit. :P Taka naman siyang tumingin sakin. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at dahan-dahang hinaplos ang labi niya. Para namang timang tong babaeng kasama ko. Napunta na ata sa outer space ang isip. Nag-anticipate siguro na hahalikan ko siya.haha Dapat lang, para makabawi ako sa kahihiyan ko kanina.
"May ketsup ka pa sa labi," bungad ko sabay evil smile. Nagblush naman siya hindi ko alam kung dahil bas a kilig o sa kahihiyan. "Alam mo kung ano mas magandang gawin?"
"Ano?"
"Magshop sa mall para mafeel ko ang mundo mo." Sukat dito ay nagliwanag ang mga mata niya. Halatang excited. Trip guro nito magmall. Doon ko rin siya unang nakita, eh. hindi ko maiwasang mapangiti sa first encounter naming.
"Ito lahat ang gusto mo?" curious na tanong niya habang tinitignan ang 50 shopping bags...joke. 30 lang. joke ulit. 20. Sige na nga, 10 lang.hehe Mayaman nagkagusto sakin, eh. Sasamantalahin ko na pagkakataon diba? Kayo rin. If ever may nagkagusto sa inyong mayaman, ganito din gawin niyo. Yon nga lang kung may magkakagusto nga. XD
Binayaran niya ang pinamili ko with her black card. Taray. Ang yaman talaga nito. "Wait lang ha? tatawagan ko lang ang guard para buhatin ang mga ito." Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya. Agad naman siyang namula. Grabe talaga tama nito sakin. Wagas!
"No need. Ikaw ang magbubuhat niyan." Napanganga siya sa sinabi ko. Dapat lang. Heh.
"What?! Ang bigat kaya ng mga to. May guard naman, eh," pagmamaktol niya. Akala niya uobra ang pagpapacute niya. HINDI. H-I-N-D-I. HINDI. Hindi talaga. Never. Ay, nacarried away ata ako. :3
"Sa gusto kong mahirapan ka, eh." Malas lang niya dahil nagkagusto siya sa isang sadista.
"Ang maldita mo talaga. Pasalamat ka..."
"Ano? Na mahal mo ako?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Hindi. Na mabait ako," sabi niya habang kinuhaisa-isa ang bags. "But, with all seriousness, nahumaling ako sa kamalditahanmo. At nagugustuhan ko na ang pagmamalupit mo sakin. Pero wag kang mag-alala, you're the only person I'll let to treat me like this," dagdag niya na nakasmile na parang diyosa. Biglang bumilis takbo ng isip ko...ay puso pala. Wait, may puso pala ako? XD Pwede bang mahimatay? Yon na ata ang pinaka nakakakilig niyang sinabi so far. Nakatagpo ata ako ng masokista.
~~~Comment, vote and/or share. :] Thank you!
BINABASA MO ANG
My Teen Romantic Comedy is Wrong as Expected
RomanceDalawang tao na lumaki sa magkaibang mundo at hindi inaasahang magsasama sa iisang lugar. Sa kabila ba ng ala yin at yang nilang ugali ay mabubuo ba ang isang harmony na tinatawag na pag-ibig? Ngunit may hindi tama sa istoryang ito...pareho silang b...