d a l i s a y

5.8K 338 187
                                    


Yes, you can tweet me your thoughts
at ladyinletters_
 

xxx

dalisay

(adj.) pure, undiluted

- Laureta, Isabelle

xxx

Mama.

Oh, baby?

'Wag ka na pumasok.

'Di pwede, baby. Magagalit si teacher ni Mama.

Masakit pa tiyan ko, Mama.

Tatlong araw na absent si Mama, Caius. Andyan naman si Pe.

Mama. Mama. Masakit pa talaga, Mama.

Kiss na ni Mama oh. Kiss. Kiss. Love you, Caius.

Love you, Mama.

Love you, Caius.

--

Maaga akong nagpunta sa faculty noong araw na iyon, at hinanap lahat ng guro ko. Nagbigay na ako ng excuse letter para sa tatlong araw kong pagkawala na hindi binabanggit si Caius. Hindi naman sa ayaw ipakilala ng buwan ang makisig nyang tala sa mga tao sa mundo. Mas mabuti yatang sya lang ang nakakaalam, ako, tapos ikaw, na nakikinig sa kwento ko.

Muli, hindi nya lang makita ang kahalagahan. Hindi naman umambag ang mga iyon sa pagpapalaki nito sa tala, at lumaking maayos, gwapo, at matalino naman si Caius. Hindi rin nila problema ang pagkakasakit nito. Maraming ibinigay sa aking babasahin ang mga guro ko sa mga major subjects, na ipina-photocopy ko. Naintindihan naman nila. Pinakiusapan ko iyong doktor ni Caius na kaibigan ni Ezekiel na pangalan ko ang ilagay sa medical certificate. Pumayag naman ito, sa kabutihang palad. Naintindihan yata ang punto ko.

Buti pa sya, nakakaintindi.

Ang mundo kasi, hindi.

Nahalata ko naman sa klase. Pinatayo nya ako at binato ulit ng kung anu-anong tanong. Nariyang pinagpaliwanag nya ako sa klase kung bakit ako nawala ng dalawang magkasunod na meeting. Kung sinasadya ko raw ba. Kung hindi ko raw ba sineseryoso ang klase nya dahil minor lang naman daw ito. Sinaklolohan ako ni Mau, bloc representative, at sinabing tatlong araw akong wala dahil may sakit ako.

Hindi doon natigil ang kalbaryo ko.

Hindi ko na lang sinagot lahat ng mga tanong. Sa sampung tanong niya, pito doon, personal, at tatlo lamang ang may koneksyon sa ipinapaliwanag nya sa unahan. Binulungan tuloy ako ni Dusk, iyong kalapit ko. Naalala kong kinausap nya ako dahil nagagandahan daw sya sa akin, noong unang araw ng klase. Marami ring tanong ang dalagang mas matanda ako ng limang taon, at pilit nya akong ina-Ate. Maine na lang. Sabi ko. Maine na lang itawag mo sa akin.

Ayoko nga. Patuloy sa pagtanggi si Dusk. Mukha ka kayang karespe-respeto, Ate.

Ha? Tatawa-tawa kong tanong. Anong karespe-respeto sa akin?

The Devil Who Danced At MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon