To those who prayed and helped
me for my internship - thank you!
You can always tweet me at ladyinletters_
and no need to follow! :)xxx
kaulayaw
(n.) a pleasant and intimate companion
- Laureta, Isabelle
xxx
Mama, bakit ngayon ka lang umuwi?
May ginawa pa sa school si Mama, eh.
Mama, bakit 'di kayo nag-uusap ni Tito Kiel?
Pagod si Tito Kiel, eh. 'Wag na natin syang guluhin, baby, ha?
Mama, ayaw ko na nag-aaway kayo ni Tito Kiel.
Hindi naman kami nag-aaway.
Talaga?
Oo. Bukas, bati na si Mama at si Tito Kiel.
Pinatulog ko na si Caius at sinubukang kausapin si Kiel sa kusina, ngunit hindi ako nito pinansin. Dumiretso ito sa sala, sa taas, sa kwartong tinutulugan nya, at maging si Pe ay natatawa na rin sa kalikutan naming dalawa, hanggang sa inambahan ko na sya at parehas kaming napaupo sa sofa. Niyakap ko na sya ng mahigpit at dinantayan pa ng hita ko (kunwari'y malakas) ang mga hita nya para hindi makawala. Sorry na. Usal ko. Sorry na hindi ako nagsabi.
Bumuntong-hininga ito. Alam na alam mo talagang hindi kita matitiis, ano? Tinanggal na nya ang mga braso at hita ko ngunit hindi sya umalis sa tabi ko. Gamit ang dalawang kamay, hinawakan at hinaplos nyang may lambing ang mga pisngi ko. Maine. Tinitigan nya akong mabuti. Stop hurting yourself.
Maging si Pe ay nakaramdam ng mabigat na kung ano sa hangin at umalis.
Hindi rin doon natulog si Ezekiel noong gabing iyon.
Hindi ako makatulog, at kung hindi lamang umingit si Caius ay hindi ko mamamalayang alas-tres na pala ng madaling araw at mahigit apat na oras akong nakatitig sa kisame. Wala naman akong iniisip. Wala akong mga tanong na hindi masagot.
Inaaalala ko lang ang mga nangyari ngayong araw.
Ang mga halik ng mundo.
Ang nagtitiwalang mukha ni Mia noong nakita nya ako. Maine! Daglian syang lumapit. Bakit nandito ka? At nag-aalala pa noong ipinaliwanag sa kanya ang nangyari. Doon pa nga ako pinaghahapunan at sinabi ko lang na may nag-iintay sa akin sa bahay kaya hindi maaari.
Ang mga matalim na titig ng mundo noong sinabi kong may nag-iintay sa akin.
Ang paliwanag ko kay Mia na tumatanda na si Pe kaya kailangan kong samahan.
Ang mga nag-aalalang titig ng mundo noong kinlaro ko kung sinong nag-iintay.
Ang mukha ni Ezekiel na kahit wala akong sinasabi ay alam.
Ang mga halik ng mundo ulit.
At lahat-lahat na.
Hindi, hindi ako napupuyat dahil sa kung anong tanong na hindi ko masagot o ang mga sagot na nag-iintay ng katanungan. Napuyat ako sa pag-iisip ng iba't-ibang mukha, reaksyon, at kung bakit nga ba puro ganoon ang natatanggap at naalala ko. Siguro'y tama ang pamilya ko noong aksidente nilang nabanggit na wala naman akong naiaambag sa lipunan. Minsan, iniisip kong mali sila, pero kadalasan, alam kong hindi nila iyon aksidenteng sinabi.
BINABASA MO ANG
The Devil Who Danced At Midnight
FanfictionWatch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choices in life.