a l p a s

5.6K 348 326
                                    

alpas

(v.) to become free, to break loose

xxx


Ang mga Pilipino raw, hindi marunong magprioritize.

Ayos lang mahuli sa trabaho at eskwelahan basta hindi pangit. Ayos lang na magpautang kahit wala ng pera, kasi kamag-anak. Ayos lang na huwag magpasa ng asignatura dahil makakabawi naman. Ayos lang na wala pang trabaho ngayon dahil hindi naman nangangailangan si Nanay. Ayos lang na bumili ng damit ngayon at huwag na magbayad muna sa bahay dahil mabait naman si Titang landlady.

Ayos lang na itapon mo na lang 'yong kape sa paa mo dahil nagulat ka at hindi mo na kaya at bibigay na lang ang mga tuhod mo at kung maari sana'y takpan mo ang mga tenga mo dahil kaibigan mo naman ang may-ari.

Ilang sapatos kaya ang hindi ko masusuot?

Iyon na lang ang tanging naiwang tanong sa utak ko noong mga panahong iyon. Agad akong sinaklolohan ni Mia, ngunit tila ba noong nalaman na nya ang balita ay ayaw na nyang patapakin sa lupa ang babae. Parang tinutukan ako ng holdaper ng balisong at itinuloy ang pagsaksak ngunit walang kinuha kundi ang isang atay ko para ibenta. Iyon pala ang dahilan ng holdapan. Iyon bang tipo ng holdapan na kahit ibigay mo kung anong kaya mo eh kukunin pa rin nila ang isa sa mga pinakamahalaga sa 'yo... 'yong uri ng mahalaga na hindi ka na makakabangon ulit.

Walang emosyon ang mukha ng mundo na kanina'y masayang-masaya lang sa natanggap na balita. Umiwas ako ng tingin. Ganito ba talaga ang epekto ng buwan sa kanya?

Sabagay. Minsan ay nakalulungkot ang pagtingin sa buwan. Nakakagana naman ang pagtingin sa araw.

Wala tayong karapatang manisi, mga kaibigan.

Are you okay, Maine? Alalang tanong ni Mia. Napatingin ako sa kanya, hindi iniinda ang lapnos sa paa ko. Matagal iyong titig ko, sa totoo lang. Matagal para magtanong sya ulit kung ayos lang ba ako.

Sobrang daming kaisipan ang umiikot sa ulo ko habang nakatitig ako sa kanya. Sobrang daming tanong, sobrang daming sagot. Hindi ko alam kung itong letrang A ay sagot sa unang tanong o letrang B ba. Basta, magulo. Matagal kong natitigan talaga ang mukha ni Mia – ang maamong mukha ng araw kahit nagniningning – at para bang gusto ko na ring mapaso ang mga mata ko para makaiwas na ako ng tingin.

Mas mabuti sana kung teleserye ang buhay ko. Mas maigi sana kung ako itong magandang bida na anak-mayaman na naipagpalit noong bata kaya naghirap, o mas maigi sana kung ako iyong ulirang asawa na pinagtaksilan at itong kabit ng nasabing asawa ay nakakapanggigil at kulang na lamang ay lumusot sa parisukat na may gumagalaw na tao ang mga manonood para lang sila ang manabunot sa kontrabida dahil nga, uliran ka, tapos wala kang magawa.

Kaso hindi ako uliran, at hindi kontrabidang kinaiinisan ng lahat si Mia – pero wala pa rin akong nagawa.

I'd clean here. Sabi ng mundo. You go clean yourself.

Sana'y imahinasyon ko lang ang pagtapon nito ng awa sa akin gamit ang mga mata, dahil hindi iyon ang gusto kong makuha mula sa kanya.

Pinakisuyuan ko ang katrabaho kong ulitin ang order, at umiling lang ito at umusal ng kung ano basta'y narinig kong kaya raw ako ganito dahil kaibigan ko ang anak ng may-ari, si Ser Kyel, basta ganoon. Hindi ko na lamang pinansin dahil sanay na ako. Hindi ako dumiretso sa banyo; dumiretso ako sa labas, dahil naninikip ang dibdib ko. Tila ba'y hindi sapat ang hangin na nilalanghap sa loob para sa aming tatlo. Tila ba'y dapat dalawa lang ang matitira.

At natural, hindi ako kasama doon.

Nakatutuwa nga, eh. Parang iyong hiniling ko na maging superhero ako, na maging ako si Darna, nagkatotoo, dahil namamanhid na ako. Iyon bang tipong wala na akong maramdaman kahit pilitin ko? Kahit nasa kaawa-awang kondisyon ang paa ko at hindi ako makakapagsuot ng ilang uri ng sapatos sa mga nakaraang araw, (mahigpit pa man din ang sekyu sa eskwelahan, magmamakaawa na lang siguro ako) wala akong maramdaman. Namamaga na nga ito at lahat at parang magtutuklap-tuklap na. Nakakadiri.

The Devil Who Danced At MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon