HINDI kami nagpansinan hanggang sa nakarating sa bahay. Sinundan ko ng tingin si Angel habang paakyat ito sa itaas. Tinignan ko ang wrist niya at wala itong suot na bracelet.
Galit pa ba iyon?If only she knew kung gaano kahirap mamili ng peace offering sa kanya at nakailang note na rin ang ni revise ko until I just decided to put a simple 'sorry'.
Umiling ako at umupo sa couch.This is not going well.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo nang may biglang nag doorbell sa may gate. When I looked at the monitor para makita kung sino ang tao sa labas, I recognized the man as Mr.Buenaventura's secretary at may kasama pa itong isang lalaki.
I let him in the house.
"Good afternoon,Mr.De Gracia." Bati sa'kin ng sekretarya at nakipagkamay ako sa kanya
"Good afternoon,Mr.De Gracia,I'm Atty.Salazar." Nakipagkamay rin ako dito,"Congratulations on your wedding nga pala."
"Thank you.Have a seat." Umupo naman ang dalawa.
May kinuha ang attorney sa attache case nito at ibinigay sa'kin.
"Sign those papers and that's it. The Empire is yours." Ani ng attorney. Tinanggap ko ang contracts and signed it.
When I finished signing it, nakipagkamay ako sa dalawa at hinatid sila palabas.
"I thought 1 week kayo sa Hawaii,Sir?" Tanong ng secretary ni Mr.Buenaventura.
"Wala lang, na bored doon,eh." Pagsisinungaling ko. Tumango naman ito bago sila tuluyan makalabas sa bahay.
Yes! The Empire is mine! Yes! Wala na akong mahigpit na karibal because it is finally mine! This calls for a celebration.
Umangat ang tingin ko sa second floor. Now, paano ko ba siya makakausap?
I fished out my phone from my pocket and texted Drake.
PAGKA-AKYAT ko sa itaas, tatlong kwarto ang nakikita ko.Isa-isa ko itong binuksan at may kwarto pa na puno ng mga wedding gifts bago ko nahanap ang master's bedroom. Malaki ang kwarto at nandoon rin ang aking drawing materials.
Binuksan ko pa ang isang pinto sa master's at nandoon rin ang aking mga damit at ang kay Joshua.
Magtatabi kaming matulog?
Umiling ako. Nope, hinding-hindi ako tatabi sa kanya. May naisip akong ideya.
Pumunta ako sa katabing kwarto at tinignan ito. Pwede na siguro dito siya matulog.
Bumalik ako sa master's at kinuha ang mga damit niya. I transferred it all to the other room,pati na rin ang study table niya.
Pinagpawisan ako sa aking ginawa. Kakapagod iyon ah!
"What's the meaning of this?" Napatalikod ako at nasa may pintuan si Joshua. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa mga gamit niya na nasa guest room.
"Your room," Napatingin ito sa'kin, "By the way," kinuha ko iyong lalagyan ng CDs at ipinakita sa kanya, "your korean CDs are here at romantic movies kaya huwag kang mag-alala,hindi ko ito naiwala." Ngumisi ako sa kanya at halos hindi maipinta ang mukha niya.
"H-how-"
"Hindi mo naman sinabi sa'kin na mahilig ka pala manood nito," I smirked at him, "Don't worry, I won't mind na junkie ang husband ko sa mga palabas na ito." Naglakad ito palapit sa'kin and retrieved the CDs from me.
"Ba't ba nandito ang mga gamit ko?" Seryoso nitong saad.Nagkibit-balikat ako.
"Because I don't want to sleep beside you?"
BINABASA MO ANG
Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETED
RomanceLeonardo Joshua De Gracia.The self-proclaimed most handsome in the family,if not in the world.He's known for being the MVP when it comes to girls in his family;pero behind this bad boy and chick boy persona,is actually a guy who believes in destiny...