Nahampas ko si Joshua noong nakababa ako sa kabayo.
"Muntik akong atakehin doon! Di ba sabi ko dahan-dahan?!" Umiling ito noong naitali si Stanley sa katawan ng kahoy.
"Kung magdahan-dahan ako, sunog na ang balat natin ngayon. Alam mo naman na malapit na rin mag tanghali." Sagot nito.Humalukipkip lang ako at ipinalibot ang tingin sa lugar.
"Saan ba tayo ngayon?" Tanong ko.
"Nasa burol tayo. Maganda dito at ito ang paboritong puntahan ni Amor noon." Sagot niya at umupo sa may ilalim ng kahoy.
Maganda nga. Kitang-kita ang buong probinsya.
"Noon? Hindi na ba siya nagpupunta dito?" Tanong ko at umupo katabi niya.
"Hindi na,eh. Takot kasi kay lola pero pupunta ito dito pag magbabakasyon na." Tumango ako bilang pagsang-ayon.Si Amor nga na sarili nitong apo ay takot sa kanya,ano nalang kaya ako?
Bigla kaming natahimik at ninanamnam ko lang ang simoy ng hangin at ang tanawin nang nagsalita si Joshua.
"Siya nga pala," ani nito kaya napatingin ako sa kanya. May kinuha ito sa likuran ng puno at basket ito!"May snack at tubig baka gusto mo munang kumain."
"Pinaghandaan mo ito?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Tumango ito bago tumayo at pinainom ng tubig ang kabayo. Kumuha ako ng sandwich at kumagat dito
"Sino ang naglagay nito dito?" Tanong ko. Umupo uli ito katabi ko.
"May inutusan lang ako." Sagot niya at tumango ako.Kumuha na rin ito ng sandwich sa loob ng basket.
"Hindi ko akalain na marunong ka palang magkabayo." I said.Mahina itong napatawa.
"Paano mo naman malalaman eh ngayon pa nga lang tayo nagkasama and besides, marami ka pang hindi alam sa'kin."
"Gaya ng?" Tanong ko. I can't believe I'm having a conversation with this man.
"Well, hindi sa pagmamayabang, pero magyayabang na rin ako,sa aming magpipinsan, aside sa ako lang ang marunong mangabayo,ako lang din ang marunong magpalipad ng eroplano." Bigla akong napaubo sa sinabi niya.Kumuha ako ng tubig at ininom ito.Tinignan lang ako ni Joshua.
"Sigurado ka ba diyan?"
"Bakit, hindi ka naniniwala?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya at para naman itong nainsulto.
"Hindi nga ako naniniwala na first time mo pa kanina na makakita ng lalaking nakahubad." Bigla akong napatingin sa kanya. Nakangisi ito at nanunutya ang mga mata.
"A-anong ibig sabihin mo diyan?!" Singhal ko sa kanya. I felt my cheeks burning up pero I'm confident na hindi ito nito mao-obvious na namumula ako.
Nagkibit balikat naman ito bago ibinalik ang tingin sa tanawin.Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
Hindi na ako nagsalita at tumahimik nalang.
"Balik na tayo?" Pag-anyaya niya at tumango lang ako.
Pagkarating namin sa hacienda, dumeretso ako sa aking kwarto para makapagbihis ng mas komportable na damit.
BINABASA MO ANG
Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETED
RomanceLeonardo Joshua De Gracia.The self-proclaimed most handsome in the family,if not in the world.He's known for being the MVP when it comes to girls in his family;pero behind this bad boy and chick boy persona,is actually a guy who believes in destiny...