Chapter 20

7.3K 176 6
                                    

I WOKE up and tatayo na sana ako nang may naramdaman akong mabigat na nakapalibot sa akin. Pagtingin ko, si Angel pala ito na nakapalibot ang kamay sa katawan ko. Ang ulo niya ay nasa chest area ko. Ayos ah! Parang nakadantay lang ng unan.

Dahan-dahan kong tinanggal ang hawak niya para hindi siya magising. Nang makatayo ako, kinuha ko ang robe at sinuot iyon. Pinulot ko rin ang nagkalat namin na mga damit.

Bago ako lumabas sa kwarto ni Angel, inayos ko muna ang pagkakahiga niya at inayos ko na rin ang kumot. I held her face and kissed her forehead bago ko napagdesisyunan na lumabas sa kwarto niya. Dumeretso ako sa aking kwarto para maligo, maghilamos at mag sipilyo na rin.

Pumunta ako sa backyard namin at tinignan ang pagkain na binili ko kagabi pero panis na ito. Wala naman akong planong kainin pa ito kaya itinapon ko nalang.

Pagkarating ko sa kusina, naghanap ako ng pwedeng makain pero puro fried ang meron at canned goods. We really need to do grocery.

Tama! Mag gro-grocery nalang ako ng pwede naming makain at magluluto ako! I think I've never cooked food for Angel before. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko para kunin ang susi sa sasakyan at ang aking wallet. Bago ako bumaba sa hagdan, I checked Angel first at mahimbing pa rin itong natutulog.

Nagsulat nalang ako ng note at idinikit sa fridge na nagsasabi kung saan ako pumunta just in case magising ito at hindi pa ako nakauwi.Papalabas na sana ako nang may mga iilang paper bags na nasa sahig, kay Angel ba 'to? Akalain mo, marunong pala itong mag shopping. Oh! At may wine pa? Tsk. Itinabi ko nalang ang mga ito at nagmadaling lumabas sa sasakyan.

Nang makapasok ako sa sasakyan, I stepped on the gas and went to the nearest supermarket. I looked at the clock and it's almost 3PM. Should I cook food for dinner or brunch? Ah! Bahala na.

Nang makapasok ako sa supermarket, I stopped on my track. Anong pagkain ba ang lulutuin ko? I don't know how to cook! I knew I should've hired a maid and a chef para may taga luto kami. Paano ba kami nag survive ng ilang buwan na 90% ng kinakain namin ay fried?

Kinuha ko nalang ang aking phone at naghanap ng pwedeng ma-contact. I tried calling for Annika,but she's not answering. I also tried calling Drake pero di rin nito sinasagot. Ano ba ang pinag-gagawa ng dalawang iyon?!

I scanned my contacts, tatawagan ko sana ang mama ko when I saw Angel's mom's name. I clicked it at ilang ring lang ay sumagot ito.

"Joshua?"Nagsimula kong i-push iyong cart while my phone was on my ears.

"Hello,Ma!" Kinabahan ako bigla ah!

"Napatawag ka?"

"Ano po kasi, magluluto sana ako para kay Angel pero hindi ko po alam kung ano ang lulutuin."

"Talaga? That's good! Ano ba ang meron at lulutuan mo siya?" Excitement was on her mom's voice.

"A-ano po," ano ba ang sasabihin ko, na may nangyari kagabi sa amin ng anak niya kaya ko siya lulutuan dahil tulog pa ito hanggang ngayon?! That would be very awkward. ,"Wala lang po, gusto ko lang po siyang lutuan."

"Ganoon ba, I would suggest you to cook her chicken adobo,that's her favorite meal."

"Iyon lang po?"

"Gusto mong dagdagan?"

"Hindi po!" I'm still learning how to cook at tama na muna na isang putahe ang lulutuin ko.

"Okay,hijo. Do you need help with the ingredients? Gusto mong tulungan kitang magluto?"

"Huwag na po,Ma, ako na pong bahala. Salamat po!"

"Oh sige, good luck,Joshua."

"Okay po, goodbye!" Hinintay kong patayin ni mama ang call bago ako nag research sa mga dapat bilhin para sa adobo.

Nagpalibot-libot ako sa supermarket dahil hindi ko makita kung saan inilalagay ang mga onion, garlic,etc. I've been here for 30 minutes now and baka gising na si Angel! Gusto ko pa naman sana na nakahain na ang pagkain bago paman siya magising.

Pinakalast kong binili ang manok. I was holding two packs of chicken.Iyong isa ay 1 whole chicken and the other was naka hiwa na siya. Hmm...okay lang kaya kahit saan dito?

Siguro ito nalang nakahiwa na para naman deretso na. Ibinaba ko ang bitbit kong 1 whole chicken and inspected the pack of sliced chicken when a woman went near me.

"Hi, kanina pa kita napapansin. Single ka?" I did not bother looking at the woman who's clearly flirting with me. I just showed her my hand na may wedding ring namin and then she left.

Inilagay ko ang chicken sa cart ko at naglakad na papunta sa cashier. Halos araw-araw nalang talaga may lumalapit sa'kin na babae every time na mag-isa ako sa isang public place. Kung noon, pumapatol ako sa kanila, ngayon hindi na. I'm done with flirting and games.

Nang makabayad ako, agad akong dumeretso sa aking sasakyan at nag drive pauwi. I placed the grocery on the kitchen counter first before I went to Angel's room and checked her...and she's still sleeping. Napangiti akong iniisip na napagod ko siya kagabi. Kailangan kong bumawi sa kanya and I need to cook her a delicious meal.

Inilabas ko ang ingredients na nabili ko and placed my phone sa harapan ko and looked for a tutorial video kung paano magluto ng adobo.Kumakalam na rin ang tiyan ko dahil wala pa akong kain kaya kailangan matapos ko ito kaagad.

I OPENED my eyes slowly at bumungad sa akin si Joshua na naka squat sa gilid ng kama with his phone in front of my face. He smiled while looking on his screen.

"Good evening," He sweetly said before standing up.

I sat on the bed with my back on the head board. Inayos ko rin ang kumot na nakapalibot sa aking katawan. Umupo si Joshua sa gilid ng kama and placed a tray.

"Dinner in bed?" He asked. I just smiled at binuksan ang pagkain na inihanda niya. The smell of adobo lingered on my nose. Ang bango! I'm excited to eat this one!

"Ikaw nagluto?"

"Sino pa ba?" Kinuha ko ang spoon and tasted the adobo that he cooked. Medyo maalat siya at nasobrahan sa soy sauce.

"Hindi ba masarap?"Umiling ako.

"Masarap siya kaso lang maalat."

"Ano?" Nagulat pa ito at dali-daling tinikman ang pagkain na niluto niya,"Oo nga, ang alat."

"Pero okay lang, gusto ko naman na medyo maalat ang adobo." Ani ko nalang dahil para itong na disappoint.

"Ilang beses ko namang tinikman pero bakit nag-iba ang lasa?"

"Hayaan mo na."

Sabay kaming kumain sa higaan and Josh kept on nagging dahil bakit daw maalat ang luto niya. Ako ang naiingayan sa kanya eh! Kumuha ako ng manok at inilagay ito sa bibig niya para matahimik ito. Tumayo ako habang nakapalibot pa rin ang kumot sa aking katawan at naghanap ng pwedeng masuot. Bubuksan ko sana ang cabinet ko nang maalalang nasa kwarto ko pala si Joshua. Tumingin ako sa kanya at komportableng-komportable lang itong nakatihaya sa higaan ko habang may hinahalungkat sa phone niya at ngumingiti pa ito.

"Lumabas ka nga muna, maliligo pa ako."

"Eh di maligo ka."

"Lumabas ka na at dalhin mo iyang tray na dala mo para mahugasan."

"Dalian mo sa pagligo para ikaw na maghugas, ako na ang nagluto eh."Ani nito habang busy pa rin sa kanyang phone.I rolled my eyes dahil lumabas na naman ang pagiging bossy nito.I have no time to argue with him dahil gustong-gusto ko ng maligo.

"Dapat paglabas ko ay wala ka na dito." Ani ko bago ako pumasok sa banyo.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon