chapter 2

25 1 1
                                    

Naligo ako sa saka nag bihis ng uniporme. Bwisit kasi si kuya. Kung pwede lang hindi na ako nag aral. I rolled my eyes. Lumabas ako at padabog na isinara ang kwarto. "Ayoko na! Ayoko na!" pagmamaktol ko. Naglakad ako pababa ng hagdan ng padabog.

Ha,bakit kasi ako ginising? Ito pang dalawang matandang to ang naabutan ko. Inirapan ko silang dalawa at saka umupo ng malayo sa kanila. Ayoko silang makatabi. Kukuha na sana ng sandok si tanda pero inunahan ko sya. Tiningnan nya ako pero inirapan ko sya. "aba't!" tumayo sya at hahampasin nya sana ako pero pinigilan sya ni mama.

"tama na honey." napaluwa ako. "honey? Kailan mo pa natanggap sa sarili mong tawagin yang honey?" pagsasabi ko ng totoo. "sumosobra ka na!" napatigil ako. Sinampal nya ako ng malakas sa kanang pisngi ko. Napatawa ako. Sanay na akong sinasampal ng matandang ito. "Ria! Birthday mo! Kahit naman ngayon umayos ka! Please lang! Mahiya ka naman!" tiningnan ko sya. "you're not my father, don't act like you are. Tsaka di ko namalayang birthday ko ngayon. Thanks sa pag papaalala."

Tumayo ako at umirap. Ang sakit ng sampal nya. Bwisit talaga. Kapag matanda nga naman. Lumabas ako at sinalubong ako ni Ruben at nabuwisit ako sa mukha nya kaya hinagis ko sakanya ang mini bag ko. Sumakay ako sa kotse at padabog itong isinara. "Ma'am Ria. Saan po ang deretso natin?" napairap ako. "sa bahay, sa bahay tayo dederetso."

Napayuko sya at sumakay sa driver's seat. Bobo, sa school lang naman ang derestso namin palagi tinatanong nya pa. Letse.

Agad akong bumaba ng nakarating na kami sa university ko. Hindi ko na ipinacheck ang ID ko at pumasok na sa loob. Bawat madadaanan ko ang sasama ng tingin kaya pumameywang ako sa gitna. "Masyado nyo naman akong tinititigan. Pede bawasan nyo? Naiirita ako eh!" nagpatuloy ako sa paglalakad ng may makabangga akong lalaki. Mukhang may ma do-drop out nanaman.

"Ay biwiset!"sambit ko nang malaglag ang bag ko. "I-i'm sorry." tiningnan ko ang mukha nya at nagulat ako sa loob loob ko. Ang guwapo nya, pero kailangan kong mainis. "kuhanin mo nalang ang bag ko. Malelate na ako." mahinahon kong sabi. Dinampot nya ito at ibinigay saakin. "tabe." sambit ko.

Pakiramdam ko, nag init ang mukha ko. Bwisit, kung maihahalintulad ko sya sa isang word, ang word na yun ay perfection. Ang guwapo nya kasi. Pero I don't have time for him. Talking to him is just a waste of time.

Nag elevator ako papunta sa room namin at may iba pa sanang sasakay pero isinara ko na, hindi nila ako pwedeng makasama. Paniguradong paplastikin lang nila ako.

Nakababa na ako at agad na pumasok sa loob ng room. Tumabi ako kay Desiree sa kanang likuran. "Bessy, guess what! May guwapong transferee dito sa room!" napairap ako. "i'm not interested."umiwas sya ng tingin at idinapo ang tingin sa pinto.

It's Gonzalez and that handsome guy na nakabangga ko. Is he the transferee? "sya ba ang tinutukoy mo?" tanong ko kay Des. Tumango sya pero hindi nya ako tinitingnan. She's focused on that guy. "Bessy, I'm crushing." nainis ako, pero hindi ko alam kung bakit. "jerk" nang makarating na sa unahan si Gonzalez ay inintroduce nya yung kasama nya. "This is Seb, sebastian Klein de Guzman. " ngumiti sya kaya umiwas akong tingin.

"Nice to meet you all guys." hindi ko sya tiningnan. Ang init ng mukha ko. "bessy look! He's hot!" inirapan ko sya at umiwas ng tingin. "Bessy, what happened to your face? May lagnat ka ba?" napa kunot ang noo ko. "what?! No." oh my God, am I blushing? "Bessy don't tell me you're.. " tinakpan ko ang bibig nya.

"Hindi! Shut up! I'm not blushing!" tiningnan nya ako at saka dahang dahang inalis ang kamay ko. "wala pa akong sinasabi, alam mo nang youre blushing ang sasabihin ko?" inirapan ko sya at tumingin sa unahan. Sakto namang tinuro ako ni Gonzalez kaya napatingin din sakin 'yong transferee.

"Ms, Rea Collins the daughter of Richard Collins. The owner of this school, be nice to her." ngumiti saakin yung transferee pero inirapan ko sya. Hindi pwedeng mahalata nila ang pamumula ko, ano ba kasing nangyayari saakin? Fck, this is the first time. "Duon ka nalang maupo sa kanan ni ms Collins. Be nice to her okay?" nanayo ang balahibo ko sa narinig ko. Seriously? Talagang nagpapaupo sya sa tabi ko?

"Hi." bati ng katabi ko. Inabot nya sakin ang kamay nya pero hindi ko i'yon pinansin. "Ang sungit naman, gusto ko lang makipag kaibigan sayo." tinaasan ko sya ng kilay kahit ayoko. "Eh kung sa ayokong maging magkaibigan tayo eh." tapos inirapan ko sya. "sus, bibigay ka rin, kukulitin kasi kita" at saka sya tumawa ng mahina.

Oo na, ang cute nya pero hindi ko sya gusto. Hanggang cute lang. "Wow naman, ang cute ng pangalan, akala ko Rea, Rihanna pala." napahampas ako sa desk nya. Bwisit! Ayoko talaga ng pangalan ko. "Everyone calls me Rea or Ria, so don't you dare to call me rihanna!" sigaw ko. "Grabe ka naman Rihanna. Wag ka na magalit." he really pisses me off.

Hinayaan ko na lang sya dahil ang kulit nya, palagi nya akong tinatawag na Rihanna. "Rihanna, sabay tayo mag break?" tiningnan ko sya at he really looks like he's interested. Namalayan ko nalang na nag salita si des sa likod ko. "Kapag hindi yan sumagot it means yes kaya congratulations! " hinarap ko si des pero ang bilis nyang nakalayo, God, is she teleporting?

"okay good to know, let's go!" atsaka nya hinablot ang bag ko sa arm chair kaya nabahala ako. "what!? Hey! Snatcher! Bring that back!" tumakbo sya ng mabilis kaya tumakbo rin ako, this is the first time! "Snatcher! Magnanakaw ka!" I shouted pero walang tumutulong at pinagtitinginan lang kami.

Binilisan ko pa ang takbo ko at good thing na naabutan ko sya. Hinawakan ko ang strap ng bag ko sa shoulder nya pero ang lakas nya kaya hindi ko makuha. "Call me snatcher at magnanakaw, hindi ko talaga to ibibigay to sa'yo." tumawa sya. "My name is Sebastian, in short, Seb." tiningnan ko sya.

"okay Fine, Seb! Give me that! " tumango sya at ngumiti. Binigay nya saakin yung bag ko kaya naka hinga ako ng malalim. Kaso namalayan ko nalang na ginugulo na nya ang buhok ko. "What!" tinawanan pa nya ako. "here, talikod ka." itinalikod nya ako at nakaramdam ako ng suklay sa ulo ko na pababa at pataas nyang sinusuklay.

Iniharap nya ako at hinawakan ang braso ko, wala ako sa sarili, hinahayaan ko lang syang hilahin ako kung saan, sa kauna unahang pagkakataon, may gumawa saakin non. Di ko namalayan na tulala pala akong naka upo sa cafeteria.

"Rihanna, anong gusto mo?" pagbabalik nya ng atensyon ko, ugh. Bakit nawawala ako sa sarili ko? "A-ako na." pagtanggi ko pero pinitik nya ako sa noo kaya napa aray ako. "naman! Para san 'yon?" umiling sya. "tsk tsk, kapag nag tanong ako, matuto kang sumagot okay?" napanganga ako. "" nginitian nya lang ako atsaka sya dumeresto sa counter. Na order sya kahit di ko sinasabi, ang tigas ng ulo!

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon