chapter 4

13 2 0
                                    


lumipas ang ilang mga araw ganon parin sya kabait saakin, kada papasok ako sa gate ng school palagi
syang nakaabang kahit na hindi ko sya pinapansin, palagi nyang kinukuha ang bag ko kapag papasok ako.

pero dumating yung araw na pumasok ako na wala sya, as usual pinagtitinginan nanaman ako kapag napasok ako at lumalakad, tumgingin ako sa guard house kung saan palagi nya akong iniintay pero wala sya.

naglakad ako papunta sa classroom ng mag isa, napaka lungkot ko, hindi ko alam kung bakit sa raw araw na pagpasok ko sya palagi ang una kong hinahanap. bakit kapag sobrang attached ka sa isang tao ang bilis mo syang mamiss?

ngayon lang naman sya nawala pero parang hindi ako sanay. maya maya nag vibrate ang phone ko kaya naptingin ako dun

bigla bigla nalang akong napangiti ng makita ko ang pangalan nya sa phone ko."pogi" napaka kapal talaga ng mukha nong lalaking
yon. binuksan ko ang message nya at napangiti nanaman ako, "sungit, hinanap mo ba ako? tss, crush mo ko eh no? :)
mamaya iintayin kita sa park. pag uwian nyo okay?" nagulat nalang ako ng nasa harap ko na si Des, "huy! ngiti ngiti ka dyan!"
bigla nalang akong napatawa sa harapan nya, God ako ba'to? kinuha nya yung phone ko pero hindi ko sya napigilan.

"Ay kaya naman pala! yung crush nya nag text!" nginitian ko nalang sya atsaka ko kinuha yung phone ko."girl, crush mo si Seb?"
tiningnan ko sya ng masama pero natatawantalaga ako, para akong tanga na natatawa sa simpleng text na ganon.
"ay ang masungit sacampus! tumatawa na!"at saka nya ako niyakap. noong una hindi ako makayakap pabalik pero naalala ko yung text kaya
napayakap ako pabalik.

"girl, iba ang impact sayo ni Sebastian ha!" at saka sya unang kumalas sa pagkakayakap saakin.napaisip ako, bakit ganon ang
epekto nya saakin? kapag hinahawakan nya ako at sinusundo sa gate, parang nakokoryente ako bigla bigla.hindi kaya yun ang tinatawag nilang spark? nakakatuwa, i've never been like this before. para akong lantang gulay kapag kasama ko sya.

lumabas una ako at nag cr, ang dami kong nakasalubong na teachers kaya isa isa ko silang binabati, nag bebless pa ako sa iba.

pumasok ako sa loob ng cr kaya napatingin sila saakin, "good morning girls!"pagbati ko, tinanguan ako ng iba at ang iba naman ay nag good morning rin saakin."ang ganda nyo po ngayon ms.collins!"ngumiti ako at nagpasalamat. "maraming salamat!"

lumabas ako at bumalik na sa room namin ng masaya. nasa loob na pala ang teacher namin kaya tumigil ako sa labas at yumuko."You're free to enter ms collins" ngumiti ako at nagpasalmat. umupo ako sa upuan ni Seb at ipinatong ang bag ko sa tabi ko.
natapos kaming nakangiti ako at nakikinig sa mga teachers ko.

ngayon excited na akong pumunta sa park, nag ayos muna ako ng sarili ko sa cr at saka dumiretso sa kotse namin.
"magandang hapon mang Ruben!" napatingin muna sya saakin at saka dahan dahang ngumiti. "mang Ruben sa park po!" nilapitan nya ako at kinapa ang leeg at noo ko"m-mang Ruben bakit ka ganyan makatingin?" napakamot sya sa ulo nya. "nasaan si Ria?" napatawa naman ako,
"mang Ruben ako 'to."

dahan dahan syang tumango at sumakay na sa drivers seat. "iha, anong mayroon sa park?" Tumingin ako sa bintana, "mang ruben, hindi ko kasi alam eh. Niyaya lang ako tapos.. Sobrang naging excited ako" tumingin sya sa side mirror ng kotse. "Hulaan ko iha, mahalaga sya sa'yo, tama ba?"

Nag sinkin saakin ang sinabi ni Mang Ruben, mahalaga? Paanong mahalaga? "Pero iha, hwag masyadong mahulog sakinya, kasi, kapag nawala sya. Mahihirapan ka." Napa angat ako ng tingin, tama si mang Ruben, hindi ko dapat ibigay ang lahat ng saakin.

"Siguro dumating sya sa'yo para turuan kang mahalin ang sarili mo." Natauhan ako, bakit sinasabi ito ni mang Ruben? "Mang Ruben, di kaya mahal ko na sya?" Tumingin sya mirror sandali at nag focus na sa daan.

"Ikaw ang makapag sasabi non iha," napangiti ako, bakit ang dami na nyang alam kumpara saakin? "Mang Ruben, ang bitter mo palagi." Naramdaman kong ngumisi sya. "Dati na rin kasi akong sawi iha. Oh, heto na pala. Malapit na tayo."
Napatango ako.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdid ko, I'm getting excited whenever I remember a memory of him. Pumikit muna ako ng mariin at saka naglakas loob na bumaba. Dito palang nakikita ko na sya sa siso nakaupo at nakatingin sa langit.

Napangiti ako. "Seb!" Tumingin sya saakin at lumaki ang ngiti nya, "Rihanna." Ewan ko ba pero parang nasanay na akong tawagin nya akong rihanna.

ngumiti sya saakin at lumapit. tumingin sya likod ko at inilagay doon ang isa nyang kamay.pero ako naka focus sa maamo nyang
mga mata. nang nagbalik na yung kamay nya, nagulat ako sa mga nakita ko, dalawang white rose, nag init ang pisngi ko kaya
nag iwas ako ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko at itinaas ito, nag angat ang tingin ko sakanya.

hinawi nya ang hibla ng buhok ko at isiningit ito sa likod ng tenga ko. sandali kaming nag katitigan. nginitian nya ako so I smiled back.
binigayn nya ako ng wow look, "ngayon ko lang yan nakita" nginitian ko pa sya lalo at saka ko tinapakan ang sapatos nya
at napahalik ako sa pisngi nya. maging ako, nagulat sa sarili kong ginawa, nahiya ako kaya yumakap nalang ako sakanya.

kumalas sya kahit ayoko pang kumalas sa yakap nya, "ri-rihanna"nahiya ako kaya nag iwas ako ng tingin. "pasensya na"pag sosorry ko.
pero hindi nya iyon pinansin at saka sya tumalikod at bumaba, para bang sinasabi nyang sumakay ako sa likod nya kaya inilagay ko
ang braso ko sa balikat nya at hinawakan naman nya ang likod ngtuhod ko saka ako binuhat.

hawak hawak ko parin yung rose.nasasarapan ako, ang sarap sa pakiramdam dahil ngayon lang ako pinahalagahan ng gantong lalaki.

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon