chapter 10

11 1 1
                                    

Nagising ako at tanging puting kisame lang ang nakikita ko, tumingin ako sa paligid ko at napako ang tingin ko sa isang lalaki na matyagang binabantayan ako sa mga oras na ito.

Tumulo ang luha ko, hinayaan ko lang 'yon habang nakatingin ako kay Sebastian, may oxygen na ako at naka hospital gown na ako. Hawak hawak nya ang kamay ko habang nakapikit at na agos ang luha.

Humikbi sya ibinulong nya ang pangalan ko kaya lalo akong naiyak. "Seb..." mahina kong bulong. Napamulat sya at halatang gulat dahil nakita nya akong nakamulat.

Tumayo sya at yinakap ako ng mahigpit habang hawak hawak nya ang kamay ko. Hindi ako makakilos, pakiramdam ko mahinang mahina na ako, pero pinilit kong hawakan ang likod nya at himasin 'yon.

Humahagulgol sya habang yakap yakap nya ako. Ako naman, halos hindi makapagsalita dahil puro sakit lang ang nararamdaman ko, ang puso ko, si Seb ang sinisigaw, Sebastian Klein De Guzman.

Tumingin sya saakin at tumulo ang luha nya sa ilong ko. "bakit hindi mo sinabi." naluluha nyang tanong. Tuloy tuloy lang ang luha ko pero pinilit ko mag salita habang umaagos 'yon.

"mas pinili kong hindi ka masaktan ng dahil saakin." mahina kong tugon. Napapikit sya pero iyak parin sya ng iyak. "pero mas lalo akong nasasaktan, lalo na noong nakita kitang puro dugo." saad nya sa basag na boses.

"kung pupwede lang na ako nalang ang mag kasaki---" hindi na nya natuloy dahil napahikbi sya. Yinakap ko sya "mas lalo kong hindi kakayanin." naluluha kong saad.

Kumalas ako sa yakap, "mahal mo parin ba ang isang tulad ko, Sebastian Klein De Guzman? " straight kong tanong. Umupo sya sa tabi ko.

"Of course, I can't Unlove you. I have to be honest with you, I think about you a lot, all the time, actually in the morning, at night, in the middle of my day, it's you, it's just always you "

Tumagos sa puso ko ang sinabi nya. "thank you, for loving me, more than I expected. " yinakap nya ako ng mahigpit.
"dito lang ako. Sasamahan kita." pinunasan nya ang mga luha kong patuloy lang sa pag patak.

Pinainom, inalagaan, pinakain nya ako at pinaramdam nya na hindi ako nag iisa tulad nalang noong pangako nya saakin noong nag papapogi palang sya saakin.

Halos isang buwan akong naka confine at ramdam na ramdam ko nang ilang saglit nalang ang oras na makakasama ko ang pinaka mamahal kong tao.

Hindi sya nag sawa saakin, inasikaso nya ako kahit nahihirapan na siya, Maraming maraming salamat sa isang Sebastian Klein De Guzman na walang sawang sinoportahan ako.

After 1 month.

Today is our month, ang pinaka magandang araw sa isang buwan, as he said, walang iwanan hanggang sa gumaling ako. Kung reregaluhan ako, hindi ko natatanggapin dahil nandito na ang pinaka magandang regalo saakin, 'yong taong minahal ako ng lubos.

"Ymo, happy birthday saatin!" mahina kong sambit. Binati nya rin ako at pinuno nya ng halik ang mukha ko, haay, Seb. Sobra ka saakin, konting respeto naman sa damdamin kong lagi mong pinapatibay.

Simple celebration lang ang ginawa namin, pictures lang at saka surprise box, pero di ko maexplain ang saya sa puso ko.

Hanggang sa may pumasok na nurse sa kwarto at hindi muna pinapasok si Seb sa loob, kami nalang ni mommy at ng step dad at kuya ko ang nasa loob ng room.

Malungkot akong tiningnan ng nurse "ma'am, sorry po, masyado nang malala ang condition nyo," nag aabang parin ako sa sasabihin nya dahil baka may pag asa pa. "and ma'am, ang sabi po ni Doc, kahit ilipat po kayo ng ospital,"
Heto ako, inaabangan ang susunod nyang sasabihin.

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon