chapter 9

16 1 1
                                    

Warning, too much feels HAHAHAHAHA 😂

After 4 months,

Engagement party na namin ni Ymo later, excitement over load! Nga'yon titigil na ang Sara na 'yon kakahabol kay Sebastian KO. Yeap, KO, sana lang, hindi ako dalawin ng sakit ko mamaya pag nag party na kami.

Ayos na ayos ang suot ko nga'yon, pano ba naman. Mag de-dress lang sana ako ng green nang pigilan ako ni Ymo, mag white dress daw ako. Iniimagine na yata nya ang hitsura ko kapag ikakasal na kami.

Si nga'yon, naka white dress na ako with flower belt. Naka messy braid ang ayos ng buhok ko, sinilip ko ang oras at 5 minutes nalang bago ang party. Too much damn excited, sakit please. Kahit nga'yon lang..

May kumatok sa pintuan kaya napa tingin ako doon. Tumayo ako at tumalikod para pag buksan ang nasa pinto, pag kakita ko si mommy habang naluluha. Agad naman akong naawa. “ow mom” sambit ko sa basag na boses.

Yinakap ako ni mommy habang rinig ko ang pag singhot nya. “ikakasal ka na sa lalong madaking panahon anak, I'm so proud of you.” saad nya habang naiyak. Hinagod ko ang likod nya. “mommy, kahit magiging future wife na ako ni Seb, hindi ko kayo kakalimutan. . . . lalo na si daddy, dadalawin ko pa rin 'yun.”

Kumalas sya sa yakap at tiningnan nya ako habang hawak ang magkabila kong pisngi. “napalaki ka ng maayos anak.” at saka sya ngumiti. Pinunasan ko ang luha nyang tumutulo. At saka niyakap ko ulit sya.

Nakita ko si kuya na naglalakad papalapit saamin ni mommy kaya nginitian ko sya. “Hinihintay ka na nya.” malungkot nyang saad. Nilapitan ko sya at saka tumingkayad at yinakap sya ng mahigpit. “thank you for supporting me. Especially in this point.” naramdaman kong tumulo ang luha nya sa balikat ko kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap at pinunasan ang luha nya..

Kiniss ko silang dalawa ni mama sa pisngi at agad na lumakad na palayo para sa party. Kitang kita ko si Seb na nakangiti kaya napangiti narin ako. “Seb!” mahina kong tawag at saka nya ako nginitian at sinalubong ng yakap.

Narinig ko ang hiyawan ng mga umattend ng party. Nag palakpakan sila kasabay ang pag pag checheer saamin. Masayang masaya ako nga'yon. Kahit na ramdam kong mamaya lang mauubo na ako.

Una syang kumalas sa yakap at ihinarap ako sa mga bisita. “sya po 'yon.” at saka nag palakpakan nang lahat, “sya po ang lahat lahat ko.” at saka sya tumingin saakin at ngumiti. Ganoon rin ako sakanya.

Nag simula na ang party at kasama rito ang pagsasayaw ng mga couple na umattend.

Play a thousand years!

Nag si tayuan ang mga couples at pumunta sa gitna para mag sayaw, naririnig ko pa ang bulungan nila, ang isa, bata pa sila. Siguro ay nasa 6 years old na babae at lalaki na nag sasayaw sa gitna..

Narinig ko pa ang sinabi ng lalaki. “alam mo, hindi ko alam ang ipinunta na tin rito, pero parang may ikakasal, balang araw Nikki. , ikaw at ako na ang sasayaw sa gitna kasi ikakasal na ta'yo.” napangiti ako.

Sa murang edad, nangako na sya na ikakasal sila noong Nikki, nag focus muna ako sa kasayaw ko, nauubo na ako. Pero pinipigilan ko. Hindi nga'yon dahil gusto kong ienjoy ang pagiging future wife ko kay Seb.

Nakatingin sya sa labi ko ngayon, pero nag salita parin ako. “alam mo ba. Nakakatuwa ang mga batang 'yon.” sabay nguso ko sa mga bata na nag sasayaw parin nga'yon. “ang sabi n'ya kasi, papakasakan nya daw 'yong kasayaw nya balang araw.” sabay tawa ko.

Tanging ngiti lang ang tugon nya at saka ako inikot. Pag kaikot ko sa harapan, biglang dumampi ang malambot nyang labi sa labi ko, sandali lang 'yon dahil tiningnan nya ulit ako.

Yung mga titig nya, ang pinapangarap ng bawat babae sa mundo, napa hinga ako ng malalim at saka ko sya tiningnan sa mata, hindi ko alam pero nasasaktan ako. Paano kung, maun akong mawala sakanya. Siguradong malulungkot sya.

H'wag naman sana Lord, gusto pa naming maging masaya kami sa isa't isa. Tumigil ang tugtog kaya napatigil rin kami sa pag sasayaw, may puntang waiter saamin at nag serve ng wine.

Bawal rin ito saakin, tiyak mauubo ako mamaya, pero kaya ko namang pigilan, para narin hindi magtaka si Seb kung bakit hindi ako uminom, uminom sya kaya ganoon rin ako. Good thing, wala kong naramdaman.

Nag kainan na ang lahat kaya kumain narin kami, kinakabahan ako papano kung maubo ako?

Kumakati na ang lalamunan ko kaya nag paalam muna ako kay Seb na kailangan ko ng mag CR, pumayag naman sya kaya agad akong tumakbo papunta ron, narinig ko pa ang sinabi nya na huwag akong tumakbo pero kailangan ko.

Binuksan ko ang Cr at nandoon si mommy, nag popowder. Tinabig ko muna sya para makaubo ako sa sink. Umubo na nga ako, at hayun ang dugo, sunod sunod ang pag ubo ko kaya napasigaw nalang si mommy.

“jusko! Seb---” hinawakan ko sa braso si mommy at hinarap sya, Ngumiti ako ng mapakla. “I'm okay---” napatigil ako ng maubo nanaman ako at nahawa pa 'yon sa dress ni mommy. “anak look! Hindi ka okay! Tatawagin ko si Sebastian! ” hindi na ako nakatanggi ng maubo nanaman ako sa sink.

Rinig na rinig ko si mommy na sinisigaw ang pangalan ni Sebastian. Binuksan nila ang CR “fck!” pagmumura ni Seb, tumulo na ang luha ko habang ubong ubo ako.

Ilang sandali lang napatigil na rin ako at pinunasan ko ang bibig ko. Naluluha akong hinarap ni Seb, “what happened? ” alala nyang tanong.

At saka nag dilim ang mga mata ko at tuluyan nang bumagsak.

-----------

IS THIS GOODBYE?

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon