chapter 3

17 2 1
                                    

Bumalik sya sa table habang may hawak hawak na tray na sobrang daming laman. "kain na." he said while smiling. Hindi man lang ako maka irap sa kanya, ewan ko ba. Napaka bait nya saakin, even if this is the first time na mag kita kami. "Hey, susubuan pa ba kita?" bigla akong nabalik sa katauhan ko, too many things for me to thank him.

"are you serious? Napaka rami nito oh, kasalanan mo pa kung tumaba ako." umupo sya at ipinatong ang elbows nya sa table at pumalumbaba sa akin. "h'wag mo nga akong titigan." I rolled my eyes, finally nagawa ko rin. "ang taray ha?" tiningnan ko sya at nakangiti sya saakin. He's so cute. Para bang gusto ko ng ipinch ng ilong nya.

Weird, first time talaga 'toh, firstime na hindi sya natakot sa katarayan ko. Tinitingnan ko lang sya habang may something na kinukuha sa bulsa n'ya. "smile!" at nagulat nalang ako ng tumunog yung capture sa phone nya. "Hey! Idelete mo 'yon!" iniiwas nya lang saakin, nakataas ang kamay nyang may hawak ng phone. "Give me that! Moron!" nagulat ako ng guluhin nanaman nya ang buhok ko kaya napatigil ako.

"what's my name ms?" napasimangot nalang ako. "just give me that! Hindi na kita tatawagin ng kung ano ano!" tawa lang sya ng tawa habang ang buhok ko gulo gulo na. "bakit ba kasi ang liit mo?" natigil ako sa pag alis ng kamay nya sa ulo ko. "I'm not! Matangkad ka lang!" kumuha nanaman sya ng something sa bulsa nya.

"here," at saka nya sinuklay ang buhok ko, darn it. He's so sweet. "pero, gagawin ko 'tong wallpaper." napabuntong hininga ako. Wala akong laban, hindi ako maka angal, he's so strong for me. Napatigil ako ng nararamdaman kong napapaubo ako. "hey stop that. Naiihi ako." tumigil sya pero kinuha nya yung bag ko, hinayaan ko nalang sya atsaka ako tumakbo papuntang cr, nararamdaman kong sunod lang sya ng sunod saakin. "hihintayin kita."

Hindi na ako naka response dahil agad na akong kumuha ng makapal na tissue at nag tago sa cubicle. Umubo ako doon ng mahina at thank God kaunting dugo lang sya. Lumipat ako sa sink at saka nag mumog, pinunasan ko rin ang mukha ko, naluluha kasi ako kapag umuubo ako.

"done?" tanong nya ng makalabas ako, hindi ako sumagot. Naglakad lang ako papuntang cafeteria. "hey bakit?" derederetso lang ako sa counter at kumuha ng candy. Binigyan ko sya ng 20 pesos pero 5 lang ang kinuha ko. "ma'am, change nyo po." hindi komsya pinansin. My problem is, hindi ko mabuksan yung plastic ng candy. "darn it!" nagulat nalang ako ng sumigaw sya.

Kinuha nya yung candy at saka binuksan. "nahihirapan ka na, ayaw mo pang magpatulong." hindi ako nakapag salita. Tumitig lang ako sakanya, pero natauhan ako at kinuha ko 'yong candy.

Binuksan nya yung bag ko at inabutan nya ako ng tubig. Hindi ko alam pero napainom nya talaga ako. Huminga ko ng parang hinihingal. Lumapit sya sa gilid ko at nagulat ako ng binuhat nya ako. "hey, ibaba mo nga ako!" nagpamiglas ako pero hindi nya ako pinakinggan.

Hindi na ako naka angal, bakit ba ang fc fc ng lalaking 'to feeling nya, mtagal na kaming magkakilala. Tsk, nakarating kami sa room namin. Inupo nya ako sa armchair at inilagay sa gilid ko 'yong bag ko.

Pagkapasok na pagkapasok pakang namin, rinig na rinig ko na ang bulungan,

"sayang naman, na kuha kaagad sya ni Collins,"

"tama ka dyan, type ko panaman si De Guzman,"

"oo nga eh, malandi talaga yang si Collins!"

Medyo malakas 'yong pagkakasabi nya kaya tiningnan ko sya ng masama. Tumayo ako at pumunta sa pwesto nya, "ano kamo? Malandi?" hindi sya makatingin saakin. "s-sorry ms. Collins. " pumulot ako ng koting buhok nya at binitawan rin.

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon