SC1

10 0 0
                                    

Hello, nag back read ako. Ang daming typos. Anyways. Sorry po.

Masaya na akong namumuhay kasama si Ria. Kahit hindi sya nakakasama. Sa panaginip ko. Nandyan sya,

Tapos na rin ang 40 days ni Ria. Hindi ko na talaga ramdam ang malalamaig na yakap nya.

Bago kasi sya mag 40 days noon. Ramdam ko pa ang malalamig na yakap at halik nya saakin.

Miss na miss ko na talaga si Ria. Sana kaya ko lang ibalik ang nakaraan. Kahit sandali lang.


Flashback

"Nakakainis ka talaga Sebastian. Paano pag nakalbo ako? Paano kung may sakit pala ako tapos pumangit ako? Edi hindi mo na ako mahal?" alalang alala nyang sabi saakin.

Nakasimangot sya saakin habang kinakain yong mamon nyang chocolate. Ako naman. Natatawa nalang dahil hindi nya ako tinitigilan kakatanong kung bakit daw nagustuhan ko sya.

Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatigil sya sa paglantak ng pagkain nya. Ngumiti ako sakanya at saka tumingala sa langit.

"alam mo kasi, minahal kita kasi, mahal kita." naramdaman ko namang kinurot nya ako sa tagiliran ko. "edi parang wala lang! Nakakainis ka naman eh! Asar na asar nyang sabi saakin.

Nilaro laro ko ang daliri nya. "Kung may dahilan kung bakit ka nag mahal. Hindi true love yun." tugon ko. Napatigil naman sya kaka sabi saakin na nakakasar daw ako at hindi ko raw sya mahal.

"paano kung nawala yong rason na yon? Edi hindi na kita mahal?" Nakatitig lang sya saakin habang sunod sunod ang paglunok nya. "hindi kita minahal dahil mabait ka. Hindi dahil maganda at mayaman ka. Lalong hindi dahil kayo ang may ari ng campus natin."

"Minahal kita dahil wala. Words aren't enough to describe why I love you." tinigil ko ang paglalaro sa daliri nya.

Nakita kong tumulo ang luha nya sa telang inuupuan namin ngayon. Yinakap nya ako ng mahigpit at doon humagulgol.

"Fuck I'm so lucky." bulong ko. Napaka swerte ko. Dahil sa babaeng to. Nag karoon ng rason para mag mahal ako ng ganto.

Play love don't change

Biglang may tumugtog na kanta sa kalagitnaan ng pag hagulgol nya.

I found the song sweet. So tumayo ako at inabang ang kamay ko sakanya. Tinnggap nya yon at pinunasan ang ilang luha nya pisngi.

"But when it hurts, I can make it better" inulit ko ang isang line sa kanta. Habang sinasayaw sya sa ilalim ng bitwin. Hindi ko maiwasang maiyak.

Hindi ko rin naimagine na aabot pala kami sa point na lunod na lunod kami sa isa't isa. Yong marinig ko lang ang pangalan at boses nya tinatayuan ako ng balahibo.

Kapag nakikita ko syang nakapikit. Gustong gusto kong halikan ang mata nya at hindi na sya pakawalan.

Sa yakap nya palang. Patay na patay na ako. Ganito pala magmahal ng isang Rihanna Collins na ni minsan ay hindi sumuko sa isang bagay na alam nyang mahihirapan sya.

End.


5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon