chapter 6

20 1 1
                                    

Dumaan ang sabado't linggo na puro text lang ni Seb ang na Rerecieve ko. Pero hindi ako nag rereply. Nasaktan ako, who's Jess? Akala ko, ako na. Akala ko, mahal nya ako. Iyak lang ako ng iyak at hindi nalabas sa kwarto ko. Hindi rin ako nakain. Puro dessert lang na nasa Ref.

Napatingin ako sa Cellphone ko nung nag vibrate 'yon.

Seb of my dreams calling...
0916*******

Nailing nalang ako sa pangalan nya sa phone ko, sa sobrang pagka inlove ko sakanya, pati name nya sa contacts ko, iniba ko na. Bakit ba kasi sya nag bigay ng motibo para mahalin ko sya?

Sasagutin oh hindi?

Hindi ko maiwasan, nag effort na sya na tumawag kaya sinagot ko. "what?"

"bakit hindi ka nasagot?"

"wala, wala kasi aking load."

"ikaw? Walang load? May plan ka kaya!"

How did he know?

"pinaputol ko na."

"just tell me! Galit ka ba?"

"hindi."

"pag buksan mo ako ng gate."

"what?"

"nasa baba ako."

Sumilip ako sa bintana at nandun nga sya. Darn it! Nag init nanaman ang pisngi ko, "Okay, sasabihin ko kay yaya Lorie."

"ayoko! Ikaw ang magbukas!"

Darn it! He's forcing me! Bumaba na ako at binuksan ko ang gate. "what now?"

"bakit namamaga mata mo?" hinawakan ko ang ibaba ng mata ko at naamaga nga. "napuwing lang." sinimangutan nya ako at niyakap ng mahigpit. Naiiyak nanaman ako.

Di ko namalayan na naiiyak na nga ako. Basa na yung shirt nya. "yan ba ang napupuwing? Umiiyak?" napanghap ako. Yakap nya parin ako. "ikaw kasi." hinagod nya ang likuran ko, "bakit ako?" kumalas ako sa yakap at hinampas ko ang dibdib nya.

"what was that for?" inirapan ko sya. "sino si jess?" tanong ko, natahimik sya. "pano mo nalaman?" tumulo nanaman ang luha ko. "you're just playing eh?" saad ko. "of course not. Kapatid ko si Jess, patay na sya." natigilan ako. "what? Sorry." ngumiti sya. "it's okay, kaya naman pala. Hindi mo ako pinapansin." inirapan ko sya

"hey.. Jealous? Are you?" tinaasan ko sya ng kilay. "ofcourse not!" umiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko at inangat 'yon.

Lumabas ang luha ko. Damn, ang amo ng mukha nya. "Ikaw lang naman ang mahal ko eh." nag init ang pisngi ko. I'm blushing, damn you De Guzman. "I want you to be my girlfriend. " idinikit nya ang noo nya sa noo ko. "Rihanna, pwede ka bang ligawan."

Napangiti ako, "of course, you can." halatang gulat sya sa sinabi ko. Nag patalon talon pa sya sa harapan ko. "i'm courting Rihanna Collins!" ang saya saya nya, ako naman napatakip nalang sa bibig ko habang pinapanood sya

"thank you for giving me chance. " I nod. "you're welcome." at saka nya ako binuhat ng bride style. Patakbo takbo sya sa habang buhat buhat ako. At sawakas napagod din sya. "i'm so happy, kahit na nanliligaw palang ako, itatrato kitang girlfriend ko."

Kinilig nanaman ako. "Ria!" napatingin ako sa gate at nandoon si yaya Lorie. "may bisita ka pala, akala ko naman kung ano na ang ginawa mo." napatawa ako at ganon rin si yaya Lorie.

Sumapit ang gabi at nakaupo lang kami sa garden. Nag paalam na saakin si Seb na uuwi na sya, baka daw hanapin sya ng bunsong kapatid ny, yung susunod kay Jess. Hinatid ko sya sa labas ng gate namin.

"wala ba akong kiss?" napatawa naman ako, tumingin ako sa paligid at wala namang tao kaya okay lang. "sige nanaman oh." hindi ko na sya kinibo at tumingkayad ako at pumikit.

Sa cheeks lang dapat pero.

Humarap sya bigla. "ahahahaha! Ikaw ha! Chumachansing ka saakin!" hinampas ko sya sa balikat. "ikaw talaga! Umuwi ka na nga! Gabi na eh, baka mamaya mapano ka." ngumiti sya saakin at sumakay sya sa kotse nya. Akala ko aalis na sya pero binuksan nya pa ang bintana saka nag flying kiss.

Pagkatapos non isinara na nya ulit at pinaharurot ang sasakyan nya, sinigurado ko munang wala na sya at saka ako nangisay sa kilig. Para akong tanga pero kiber nalang, kinikilig ako eh, bakit ba?

"huy iha! Pumasok ka na nga! Abnormal ka nanamang bata ka." natatawang sabi ni ate Lorie. Tumatawa akong pumasok atsaka sumabay sa pagkain kay mommy tsaka sa step dad ko.
"why so happy iha?" tumingin lang ako at ngumiti. Bumalik ako sa pag kain. "may inspiration na kasi yang si Ria." saad ni kuya. Inirapan ko sya pero nakangiti parin ako. "kung ganon, gusto ko sya para sa'yo"

Natigilan ako sa sinabi ni mommy. Nag angat ako ng tingin at ang step dad ko nakangiti rin habang nakain. they're really happy for me.

5 Months And 37 Minutes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon