chapter 1

44 0 0
                                    

“KIKIAM o fish ball?” tanong ni Athena sa kanyang estudyanteng customer. Sa tapat ng paaralan sila madalas magtinda ng pinsang si Eric, na isang bading, may pagkakahawig ito kay Michelle o bombshell na impersonator ni Michelle Obama , pinsan at bestfriend niya ito. Magkasama sila sa iisang bahay dahil nasa probinsiya ang iba nilang kamag-anak at tanging sila lang ang nasa Maynila. Napili nilang sa tapat ng paaralan magtinda dahil dito malakas ang benta lalo na pag-uwian ng mga estudyante.

   “Kikiam miss ganda, limang piso. yung maanghang ang sauce.” anang estudyante

   Napangiti siya sa sinabi nito.Marami sa mga customer niyang estudyante ay iyon ang tawag sa kanya. Ang ilan pa nga ay sumubok na ligawan siya ngunit hindi siya pumayag. Mas gusto muna niyang kumita at mag-ipon ng pera kaysa magkaroon ng boyfriend. Isa pa mas bata ang mga ito sa kanya kaya hindi niya sineseryoso ang pagpapalipad hangin ng mga ito. Iniabot na niya ang order nito at nagluto pa ng maraming kikiam at fishball  na paninda nila dahil labasan na at dumadami na ang mga estudyanteng bumibili sa kanila, habang ang kanyang pinsan ay abala sa pagsalok ng palamig.

“COUSIN mayaman na tayo” natutuwang tili ni Eric pagkatapos nilang bilangin ang perang kinita nila. Maaga silang nakauwi dahil naubos kagad ang paninda nila at malaki ang naiuwi nilang pera.

   “Loka, mayaman ka diyan? E, dalawang libo lang to” tukoy niya sa perang kinita nila.

   “Pag-isanama mo sa ipon natin yan siguradong malaki na ang pera natin.  Magkano na ba ang ipon natin?”

    “Dalawampung libo pa lang kaya wag ka munang mangarap na mayaman na tayo.”

    “Hay naku” anitong iwinasiwas pa ang isang kamay “Huwag ka ngang nega sabi nga ni ROBIN PADILLA ‘think positive wag kang aayaw, think positive wag kang aayaw”

     Bigla na lang siyang napahagalpak ng tawa. Pati boses at paggalaw ng mga kamay ni Robin Padilla ay ginaya nito. Natutuwa talaga siya dito kaya naman hindi siya nalulungkot kahit silang dalawa lang ang magkasama.

     “Baliw ka talaga. Alam mo antok lang yan, Te. Mabuti pa matulog ka na para maaga tayong makapamili bukas”

     “Oh sige. Kailangan na ngang magpahinga ng beauty ko. Goodnight cousin. Magpahinga ka na rin para di masira ang beauty mo.” sabi nito at hinalikan siya sa pisngi at tumuloy na sa kuwarto nito.

     “Sige goodnight din” habol niya dito bago ito makapasok sa loob.

PAGPASOK ni Athena sa kanyang kuwarto ay naupo kaagad siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang larawan ng kanyang ina na nakalagay sa may ibabaw ng cabinet na katabi ng higaan niya.

      “Gandang gabi mama. Lam niyo bang kumita kami ni Eric ng dalawang libo sa araw na ‘to.” masayang balita niya dito. Gabi-gabi niya kinakausap at tinatabi sa higaan ang larawan ng kanyang ina dahil pakiramdam niya ay nakakasama niya ito.

      Seven years na ang nakakalipas simula ng pumanaw ang kanyang ina sa sakit na breast cancer. Isang taon din itong nakipaglaban sa sakit nito bago binawian ng buhay. Kung may pera lamang sila sana ay naagapan at nagamot ang kanyang ina. Subalit walang-wala sila ng mga panahong yun at wala rin silang malapitan para mahiraman ng pera.

     Halos maibenta na nila ang lahat ng kanilang gamit para makabili lang ng mga gamot at pang-chemotherapy nito subalit hindi pa rin naging sapat hanggang sa lumala ang sakit at mamatay ito.

     Hindi niya alam kung nasaan ang kanyang ama dahil hindi naman nababanggit ito ng kanyang ina. Nang minsang magtanong siya dito tungkol sa kanyang ama ay sinabi nitong hindi nito alam kung nasaan ang huli.Napansin niyang ayaw pag-usapan ng kanyang ina ang kanyang ama kaya naman hindi na uli siya nagtanong ng tungkol dito. Naisip niyang pinabayaan sila ng kanyang ama kaya nagalit ang kanyang ina at ayaw ng maalala ito.Pero hindi siya nagagalit sa kanyang ama. Siguro kung makikita niya ito at magpapaliwanag ay matatanggap niya ito.

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon