chapter 3

18 0 0
                                    

 “WHAT? Are you sure about this?”

       Kasalukuyang nasa isang restaurant si Lance. Kausap ang private investigator na hinire niya para hanapin ang anak ni Mr. Valdez. Isang linggo lang tumagal ang trabaho nito. Hindi siya makapaniwala sa binigay nitong report.

      “Yes Mr. Orteza. Bakit may problema ba?”

      “Ahm, wala naman. Ito na ang kulang sa bayad ko sayo” Iniabot na niya ang sobreng may lamang pera. “Tatawagan na lang kita kapag kailangan ko uli ang serbisyo mo.”

      Tumango ito at lumabas na ng restaurant. Naiwan siyang hindi makapaniwala sa naging resulta ng paghahanap nito.

      “That girl?” wala sa sariling sambit niya. “Hindi maaaring siya ang nawawalang anak ni Mr. Valdez. Ang magnanakaw na yun” tukoy niya sa babaeng kinaiinisan niya. May kasamang larawan ang report at hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng kinaiinisan niya ang nasa larawan at anak ni Mr. Valdez.

       Small world

      Bigla siyang may naalala. “Hindi nga pala sigurado si Mr. Valdez kung anak nga niya ang anak ng dating kasintahan niya” lihim siyang napangiti at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

     Napakunot-noo at nahinto siya sa pagbabasa. “Totoong anak siya ni Mr. Valdez.” Pag-kausap niya sa sarili. “Ayon dito sa report walang naging kasintahan si Alicia Madrigal pagkatapos niyang mahiwalay kay Mr. Valdez. At dalawang buwan na siyang buntis pag-balik sa pamilya niya sa probinsiya.”

      Napahawak siya sa kanyang noo. Ang ibig sabihin madalas niyang makikita ang babae. At siguradong sa bawat pagkikita nila ay animo may world war II.

INIABOT ni Lance kay Mr. Valdez  ang envelope na naglalaman ng mga impormasyong nakalap ng PI. Kumpleto ang impormasyong nakalap nito.

     “Kamukhang-kamukha niya ang kanyang ina.” Sambit ni Mr. Valdez pagkakita sa larawan ng anak nito. Mukhang masayang-masaya talaga ito base na rin sa expression ng mukha at kinang ng mga mata.

      “Kumpleto sa impormasyon ang nakalap ng PI. Kaya lahat ng gusto ninyong malaman about her ay nandiyan sa may hawak ninyong papel.”

     “Thank you Lance” kinamayan siya nito. “I’m so thankful to you that you found my only daughter. You don’t know how happy I am.”

      Ngumiti lang siya dito.

       “Natutuwa talaga kong malaman na may-anak pala ko. Mararanasan ko rin kung paano maging isang ama.” Anitong maluha-luha pa sa sobrang kaligayahan.

        Nagtaka siya ng biglang napalitan ng lungkot ang mga mata nitong kanina ay puno ng kasiyahan.

       “What’s wrong Mr. Valdez?” nagtatakang tanong niya.

      “Naisip ko lang. Paano kung hindi niya ako tanggapin? Paano kung hindi niya ‘ko kilalaning ama? Paano kung kinamumuhian niya pala ko?” sunod-sunod na tanong nito.

      “Don’t think about that Sir. Malay ninyo matagal na niyang gustong makita at makasama ang kanyang ama. Saka kung galit siya sa inyo puwede mong ipaliwanag sa kanya ang side mo para maintindihan ka niya at makabawi ka sa mga pagkukulang mo sa kanya.” Pagpapalakas loob niya dito. Kahit ang totoo ay ayaw niyang magkita ang dalawa.

       “Your right. Puwede naman akong bumawi sa mga pagkukulang ko sa kanya. Saka walang mangyayari sa akin kung panghihinaan ako ng loob.”

        Tumango siya  bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

       “Salamat uli. Mabuti’t lagi kang nandiyan pag-kailangan ko ng tulong.”

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon