chapter 4

21 0 0
                                    

INABUTAN si Athena ng kanyang pinsan na tulala at tahimik na lumuluha. Alam niyang nasa kuwarto lang ito at tahimik na nakikinig. Hindi siya makapaniwala sa kinuwento ng matandang lalaki na nagpakilalang ama daw niya. Kaaalis lang nito at ng arroganteng lalaki.

       Nilapitan siya nito at inabutan ng panyo. Tinanggap niya yun at pinangpunas sa kanyang mukha na basang-basa ng mga luha. Niyakap at hinimas-himas nito ang kanyang likod.

     “Stop ka na sa pagcry-cry cousin. Sige papangit ka niyan. Magiging number two ka na lang dahil ako na ang one.” Pagpapatawa nito sa kanya.

       “Dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya?” biglang tanong niya dito.

      “Wala naman akong karapatan para sabihin sayo kung dapat mo nga siyang paniwalaan o hindi. Ang dapat na tanungin mo ay ang ‘yong sarili. Kung naniniwala ka ba o hindi sa mga sinabi niya.”

       “Ewan ko. Hindi ko alam. Ano ba ang dapat kong gawin?”

       “Relax. Ang kailangan mo lang gawin eh pag-isipan ang mga sinabi niya. Pero wag sobra ah. Baka maloka ka naman.” Sabi nitong bahagyang nakangiti.

      “Kung totoo ang mga sinabi niya. Ibig sabihin kasalanan ni nanay kung bakit ako walang kinalakihang ama?” aniyang nagbago ng mood.

      “Sshh…wag kang magalit sa nanay mo. I’m sure may dahilan siya.”

      “Ano naman ang dahilan niya?” pagtatanong niya dito na para bang alam nito ang sagot. Kumalas na siya sa pagkakayakap dito.

      “Naman cousin eh.” anitong nagpapadyak pa. “Siyempre hindi ko rin alam. Ngayon ko lang din nalaman ang love story ni tita. Pero Infairness pang-telenovela ang drama kaso hindi happy ending.”

      “Sira ka talaga.” Aniyang tumigil na sa pagluha.

      “Hay naku. Huwag mo na nga lang isipin ang mga sinabi niya.”

      “Ang gulo mo. Sabi mo kanina isipin ko tapos ngayon wag na?”

      “Hay naku maski aketch nalilito na.”

      “Oo nga. Nakakapanlito ang kasarian mo. Ano ka ba talaga? Girl o Boy?” sabi niyang natatawa. Masaya siya dahil ito ang pinsan niya. Hindi lang siya nadadamayan nito, napapasaya pa siya kahit gaano siya kalungkot.

       “Naman cousin. Siyempre girlalo aketch. Nagkaubusan lang ng katawan ng babae nung ilalagay na ang spirit ko. Kaya lalaki ang panlabas ko pero ang totoo isa kong napakagandang babae.”

       Natawa siya sa sinabi nito.

       “Ayan, O diba? Hindi ka na umiiyak. Tama yan. Sabi nga nila huwag mong problemahin ang problema mo. Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo.”

        “Pa’no yun?”

        “Ewan ko. Hayaan mo pagsinabi ng problema ko na pino-problema na niya ko sasabihin ko agad sayo.” sabi nitong nakangiti. Dinampot nito ang calling card na iniwan ni Mr. Valdez. “Mukhang mayaman ang father mo cousin.” Ipinakita nito sa kanya. “Tingnan mo. Siya pala ang may-ari ng Casamiro hotel. Ibig sabihin niyan sobrang yaman mo pala. Uy, isama mo ko paglumipat ka sa bahay niya ah. Ha?”

        “Ewan ko sayo. Akin na nga yan.” Kinuha na niya ang calling card at pumasok sa kuwarto.

PAGPASOK ni Athena sa kuwarto ay kinuha niya kaagad ang larawan ng kanyang ina. Kinausap na para bang maririnig siya nito. Na sasagutin nito ang mga katanungan niya.

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon