chapter 7

17 0 0
                                    

 “ABA, ang hinayupak babaero talaga.” puna ni Athena kay Lance. Nakita niya itong nakikipaglandian sa isa sa mga employee ng kanyang ama.

        Pumunta siya sa opisina ng kanyang ama para dalhin ang folder na pinag-aaralan nito para sa meeting mamaya. Naiwan nito ang folder sa may library at tumawag kanina para dalhin dito. Masyadong masipag magtrabaho ang kanyang ama. Kahit nasa bahay ay trabaho ang inaatupag nito. Hindi naman siya nagtatampo dito dahil kapag may libreng oras ito ay nagbo-bonding sila. Namamasiyal sila kung saan-saan at minsan kasama pa nila ang kanyang pinsan. Siya na ang nagvolunteer na magdala ng folder dito. Wala naman siyang ginagawa at gusto niya ring mamasiyal. Hindi siya nagenrol ngayong semester dahil gusto niyang simulan ang regular na pasok.

        Paglabas niya ng opisina ng kanyang ama ay iyon ang nadatnan niya. Si Lance may bago na namang bibiktimahin. May nalalaman pa itong pahimashimas sa braso ng babae. At ang babae naman ay mukhang gustong-gusto ang ginagawa ng hinayupak. Mahinang tumatawa ito sa lahat ng sabihin ng lalaki. Halatang nagpapacute.

       Kailangang sagapin ko rin ang babaeng ito.

      Sus! Kunwari ka pang sasagipin. Sabihin mo ayaw mo lang na may lumalapit na babae kay Lance. Dahil nagseselos ka. Sabi ng isang bahagi ng isip niya.

     Ako nagseselos? Dahil lang sa lalaking yun? No way.

     Pa-no way no way ka pa diyan. Eh halata namang nagseselos ka. Kung tingnan mo nga yung babae parang gusto mong tunawin.

      Ah shut up. Hindi ako nagseselos okay?

     Mukhang hindi pa siya nakakarecover mula sa halik ni Lance dahil hanggang ngayon eh nababaliw pa rin siya. Makipagtalo daw ba siya sa sariling isip. Nilapitan niya ang isang babae na busy sa pag-e-encode sa computer. Humiram siya dito ng pentel at humingi ng isang bond paper at scotch tape. May naisip siyang gawin. Isinulat niya ang salitang I’M A  CERTIFIED PLAYBOY sa hininging bond paper at dinikitan ng scotch tape. Ibinalik na niya ang hiniram at lumakad sa tapat nila Lance. Nakatalikod ang huli kaya hindi nito malalaman ang gagawin niya. Idinikit niya ang papel sa likod nito.

       Nang medyo malayo na siya dito ay narinig niyang naghagikgikan ang mga employee. Nang lumingon siya ay nakita niyang tinatanggal ni Lance ang nakadikit sa likod nito. Matatalim ang tingin ng bumaling ito sa kanya. Mukhang nahulaan na nito kung sino ang nagdikit ng papel sa likod nito.

       Nagmamadaling lumakad siya papuntang elevator. Nang bumukas iyon ay agad siyang pumasok. Nagulat siya ng biglang may pumigil sa pagsara nito. Si Lance. Nahabol pala siya nito. Wala siyang nagawa ng makapasok na ito sa elevator. Pinindot na nito ang button para sumara ang elevator. Pasalamat siya at silang dalawa lang ang tao sa loob ng elevator. Dapat nga ba kong magpasalamat?

       Sumandal siya sa dulo ng elevator para kahit papaano ay makaiwas dito. Pero wala ring silbi dahil lumapit ito sa kanya. Parang hahalikan na siya nito sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa.

       Hahalikan? Hindi maaari. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakarecover mula sa halik niya. Baka lalong lumala pagnaulit pa ang bagay na yun. Nagpapanic na sabi niya sa isip.

        “Ano ba? Ang laki ng space dito sa elevator dito ka pa pumwesto malapit sakin.” sigaw niya dito.

       Sana naman sa pagsigaw niya dito ay babagal kahit paano ang tibok ng kanyang puso. Para siyang aatakihin sa bilis ng tibok ng kanyang puso at halos nasusuffocate na rin siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Samantalang pagsumasakay siya ng elevator ay hindi naman ganun ang reaksiyon niya. Ngayon lang na malapit ang lalaking ito. Hindi naman ito mabaho sa katunayan nga ay ang bangu-bango nito. Itinulak na niya ito ng hindi pa rin ito kumikilos. Baka marinig na nito ang pagtibok ng kanyang puso. At para kahit papaano ay bumalik sa normal ang pagtibok ng kanyang puso at paghinga.

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon