chapter 2

16 0 0
                                    

NAGISING si Lance sa pagtunog ng kanyang cellphone. Tinanghali siya ng gising dahil nagpakalasing pa siya kagabi pag-uwi niya dahil sa sama ng loob. His girlfriend Cathy was broke up with him on the phone without any reason. Dalawang taon tumagal ang relasyon nila at araw-araw niyang ipinakikita dito kung gaano niya ito kamahal. Nakapagpropose na nga siya dito, tinatapos niya na lang ang iba pa niyang trabaho. Gusto niyang silang dalawa ang magdedesisyon para sa kasal nila. Nagkakilala sila sa isang party. Pareho nilang kaibigan ang may kaarawan. Ipinakilala sila sa isa’t-isa hanggang sa hindi na sila maghiwalay ng buong gabing yun. Then the other day, he asks her to hang-out. They like each other company and then they click and become official. Sa lahat ng naging girlfriend niya ito lang ang sineryoso niya. At handa siyang gawin ang lahat para dito kapag kinasal na sila. Kaso wala ng kasalang mangyayari. Hindi naman puwedeng siya lang ang ikasal. That’s insane!

     Sinagot na niya ang tawag.

     “Hello. Good morning Mr. Valdez. What can I do for you?” bungad niya. Nakita niya ang pangalan nito sa screen kaya alam niyang ito ang tumatawag.

     “I want you to come here in my house right now. I want to discuss something important with you”

     “About business?”

     “I will tell you once you are here”

     “Okay. Mag-aayos lang ako at pupunta na ko diyan” tinapos na niya ang tawag at naligo na. Habang naliligo ay naalala niya ang babaeng nakasagutan niya kagabi.

      Small but terrible ika nga ng iba. She has a long and shiny hair. Napansin niya yun kahit medyo madilim ang lugar. Salamat sa ilaw ng sasakyan niya. Maganda at maamo ang mukha nito parang sa anghel pero parang tigre naman pag-nagalit. Mukhang maski ang kasama nito ay takot din dito. Bilib din siya dito dahil nagawa siyang patulan nito sa tangkad niyang yun, while she has an average height. First time niyang makatagpo ng ganung klaseng babae. Tingin niya dito ay handa siyang hamunin ng away, kahit magkasakitan pa sila ay wala itong pakialam. Kadalasan ang mga nakikilala niyang babae ay mahinhin at handang makipagflirt sa kanya. Ibang-iba talaga ito sa mga babaeng nakilala niya. Ang ibang babae ay halos magkandaugaga sa pag-aayos makita lang siyang papalapit. Ito ay tiningnan pa siya ng masama. Walang nakalagay na make-up sa mukha nito samantalang ang ibang babae ay hindi makalabas ng bahay ng walang make-up.

       Pero maganda pa rin siya kahit walang nakalagay na make-up. Sabi ng isip niya.

      “Ano naman kung maganda siya? Kahit iniwan na ko ni Cathy marami pa ring babae ang lalapit sakin, at di hamak na mas maganda kaysa sa tigreng yun.” Sagot niya sa sarili.

     Bakit naalala mo pa siya kung hindi niya napukaw ang interes mo sa isang babae? Tanong ng isip niya.

    “Kasi siya pa lang ang nakakagawa non sakin. Damn that woman! Dinumihan niya ang bago kong sapatos at hanggang ngayon masakit pa rin ang mga daliri ko sa paa” aniyang nang-gagalaiti.

     Humanda ka sa ‘kin pag-nagkita tayo

“ALAM mong isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kaya naman ikaw ang napili ko” bungad ni Mr. Valdez kay Lance pagpasok niya sa library sa loob ng bahay nito. Mukhang importante dahil seryoso ang mukha nito.

        Mr. Valdez is one of the good businessmen in the world. May-ari siya ng limang naglalaking hotel. Tatlo dito sa pilipinas, isa sa japan at Singapore. May-ari din siya ng sikat na fastfood dito sa pilipinas at sa iba’t-ibang bansa.

      Mr. Valdez is a jolly person. Lagi itong nakangiti kahit mag-isa na lang sa buhay. Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng mamatay ang asawa nito. Galing ito sa isang family gatherings sa new York nang bumagsak ang sinasakyang eroplano. Hindi  nakasama dito si Mr. Valdez dahil kailangan nitong ayusin ang isa sa mga hotel nito. Hindi pinalad na magkaroon ng anak ang mga ito.

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon