chapter 5

15 0 0
                                    

MAAGANG nagpunta sina Athena at Eric sa opisina ni Mr. Valdez. May isa siyang gustong itanong dito at marami siyang gustong sabihin.

         “Good morning mam. What can I do for you?” tanong ng babae ng makalapit sila dito. Ito marahil ang sekretarya ng kanyang ama. Iyon ang floor na sinabi ng receptionist ng magtanong sila dun.

        “Good morning din.” Balik niya dito. “Nandiyan ba si Mr. Valdez? Gusto ko sana siyang makausap.”

      “May appointment po ba kayo sa kanya mam?”

      “Ahm. Wala eh. Pero puwede mo bang sabihin sa kanya na gusto siyang makausap ni Athena Madrigal?”

     “Okay mam. Just wait for a while.”

     “Okay thanks.”

     Pinindot na nito ang intercom para kausapin ang amo. Nagulat na lang sila ng biglang bumukas ang pinto sa may likuran nila at iluwa ang kanyang nakangiting ama. Agad itong lumapit at niyakap siya.

    “I’m glad you came here. Akala ko hindi ka na pupunta.”

    “G-gusto ko po sana kayong makausap.” Tuminigin siya sa sekretarya nito.

    “Okay sa loob tayo.” anitong nahulaan na gusto niyang sila lang ang mag-usap. Bumaling ito sa sekretarya. “Mrs. Perez, What’s my schedule today?” 

    May kinuha itong parang notebook. Doon marahil nakasulat ang schedule ng amo nito.

    “You have a meeting with Mr. Montemayor at exactly 9:00 am and lunch meeting with Mr. De Guzman. That’s all for today Sir.”

   “Thank you. Cancel all my appointments for the rest of the day. If you can re-sched then do it. And hold all my phone calls and visitors. Pakidalhan na rin kami ng coffee sa loob. Thank you.” pagkasabi niyaya na silang pumasok sa loob.

      Pinaupo sila nito sa may sofa sa gilid ng opisina nito. Mayamaya ay dumating na ang sekretarya nito dala ang coffee nila.

    “Naniniwala ka na bang ako talaga ang ama mo?” sabi nito ng makalabas ang sekretarya.

     “M-may gusto po sana akong malaman.” Hindi niya maiwasang kabahan kahit makikipag-usap lang naman siya dito.

     “What is it?”

    “How…how do you know that I’m your daughter? I mean. Paano kung anak pala ko ng mama sa ibang lalaki?” panunubok niya dito.

     Ikinuwento nito ang pagkikita nito at ng bestfriend ng kanyang ina. At ang paghi-hire ng isang private investigator para hanapin siya. At ang nakuhang impormasyon ng PI.

    “P-papa.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Bumuhos na ang mga luhang kanina pa gustong dumaloy. Wala na siyang pagdududa dito. Masaya siya ngayon na makakasama na niya ang kanyang ama.

    Gumanti rin ito ng yakap. Naluluha rin sa sobrang saya. “Thank you sa pagtanggap sa’kin Anak. Sobrang napakasaya ko ngayon. Ang sarap palang matawag na papa at magkaroon ng magandang anak.”

     Natawa siya sa sinabi nito. “Ama ko nga kayo. Binobola niyo ko eh.” Hinarap na niya ito.

    “Hindi kita binobola. Maganda ka talaga. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina.”

    “Marami ngang nagsasabi na mukha kaming kambal.” Bigla na lang siyang nalungkot pagkaalala dito. “kung nabubuhay pa sana si mama sana kumpleto na tayo ngayon.”

    “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong ina. Kung mas maaga ko sanang nalaman na nagkaanak kami matagal ko na sana kayong ipinahanap. Nakatulong sana ko sa pagpapagamot sa kanya. Patawarin mo ko Anak. Naisip ko kasing ayaw na kong makita ng iyong ina kaya hindi ko na siya hinanap.”

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon