chapter 6

17 0 0
                                    

NAISIPAN nila Athena at Eric na mamasiyal sa mall. Wala naman silang ginagawa sa bahay kaya naggala na lang sila. Kaso si Eric mukhang iba ang gustong gawin.

     “Cousin, grabe ang daming papalicious dito. Halos nakakaumay na sa dami.”

     “Sira, tumigil ka nga diyan. Sabihin pa nila may kasama akong maniac.”

     “Makisakay ka na lang kasi sa trip ko. Ayaw mo bang maghanap ng papa? Bahala ka baka tumanda kang dalaga.”

     “Ewan ko sayo. Hindi naman por que hindi ako naghahanap ng lalaki ngayon eh, may balak na kong magpakatandang dalaga. Siyempre gusto ko pa ring----- hoy. Nakikinig ka ba?”  napansin niya kasing sa iba ito nakatingin.

     “Couisn diba si papa Lance yun?”  itinuro nito ang isang lalaking nakatayo sa may loob ng isang boutique. May kasama itong babae na parang ahas kung makakapit sa braso nito.

     Matangkad, maganda at sexy ang babae. Kaso parang wala sa tamang katinuan. Patulan daw ba ang hinayupak? Huwag kang mag-alala sasagipin kita sa kahibangan mo.

    “Cousin maayos ba kong tingnan? Mukha ba kong kaakit-akit?”

    “Naman, cousin. Kahit anong suotin mo maganda ka pa rin at kaakit-akit.”

    “Thanks. cousin nga kita. Kaya love na love kita eh.”

    Nilapitan na niya ang dalawang sweet na namimili ng damit. Bigla niyang niyakap ng mahigpit sa baywang si Lance. Napakabango nito. Lalaking-lalaki ang amoy.

       Hay, ang sarap naman tumira dito. Heaven. Kahit dito na lang ako tumira hindi ako magrereklamo. anang isip niya.

       Tiningnan niya ang dalawa. Napangiti siya ng makita ang reaksiyon ng dalawa. Halatang nagulat ang mga ito sa pagsulpot niya.

        “A-athena? Anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka naka----“

       “I miss you honey” agaw at malanding sabi niya.

       “Honey? Babe what’s the meaning of this? And who’s this bitch?”

       Tumaas ang isang kilay niya sa narinig. Grabe naman ‘tong babaeng to. Tinutulungan na nga tinawag pa kong bitch. Pasalamat ka mabait ako at palalagpasin ko to.

      Nakangiting tiningnan niya ang babae. “Hi.” Inabot niya ang kamay niya dito. Tiningnan lang nito ang nakalahad niyang kamay kaya binawi na niya. “I’m Lance fiancée. And you’re one of his friends?”

      “Fiancee? But I’m his girlfriend” bumaling ito kay Lance. “Sabi mo wala kang ibang girlfriend? That I’m only girl for you? You’re a big liar, jerk. I hate you. Magsama kayong dalawa.” Tuloy-tuloy na paglilitanya nito. Isang malakas na hampas ng bag muna ang ibinigay nito bago nag-martsa palabas ng boutique.

       Nang wala na ito ay saka siya tumawa ng malakas. Nakisama na rin ang kanyang pinsan sa pagtawa. Bumaling sa kanya si Lance na halos mag-isang linya na ang mga kilay sa pagkakakunot noo.

      “Cousin winnie the pooh ah. Ang galing mong umarte. Biruin mo napapaniwala mo ung girlalo na yun.”

     “Ako pa.” buong pagmamayabang na sabi niya.

     “So pinagplanuhan niyo pala to? Wala ba kayong magawa sa buhay niyo at ginugulo niyo ko? Saka mukhang nag-eenjoy ka sa pagyakap sakin ah.”

      Sa sinabi nito ay napansin niyang nakayakap pa rin pala siya dito. Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap dito kahit labag sa kalooban niya. “Hindi ah. Saka hindi namin to pinagplanuhan. Swear. Di ba cousin?”

Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon