Chapter 1

81 13 2
                                    

"Restroom lang ako" bulong ko kay kuya Axel na busy makipagkwentuhan sa mga tropa nya. Nakakabingi ang ingay dito at feeling ko mababasag na yung eardrums ko. Jusko baka maging "maganda sana kaso bingi" ako nito haaa.

Pumunta na agad ako sa restroom kahit hindi pa siya umo-oo. Nag-ayos lang ako ng konti kahit hindi pa naman masyadong haggard itsura ko. Parang naka-glue na nga yung pwet ko sa upuan, ngayon lang ako tumayo. Panis na nga rin yung laway ko eh, wala naman akong makitang ka-vibes ko dito. Ay di nga pala ako friendly.

Ang sakit na ng ulo ko dahil sa ingay at sa ilaw na nakakahilo na yan. Lol Jenaya  party to eh.

Niyaya lang ako ni kuya na pumunta dito. Birthday Celebration ni Ate Jash, close friend ni kuya. Ayoko ngang sumama, pero wala eh magaling mang-uto 'tong abnormal kong kuya. (Nagpa-uto naman ako)

Hindi 'to yung formal na birthday celebration, party lang to para sa mga friends and ka-batch or schoolmate nila ate Jash kaya most of them ay umiinom ng mga alcoholic beverages. May mga sumasayaw din sa dance floor. Young, wild and free ang peg nila eh.

I decided to call Arch. Nagriring lang pero walang sumasagot. Baka tulog na, kaninang lunch pa yung last na text nya sakin at meron daw emergency. Napagod siguro.

Lumabas na ako ng cr at papunta na ko sa table nila kuya nang may nakabunggo akong babae. "Ouch! Oh I'm sorry" sabi niya at yumuko, dun ko lang napansin na nalaglag pala yung bag at phone nya. Mukhang busy kasi sa phone kaya di nakatingin sa nilalakaran tsss. Yumuko na rin ako para tulungan siya at para pulutin na rin yung phone nya.

I froze when I saw her phone's wallpaper.

Yung babae...

Kasama si Arch

Si Arch lang yung nakaharap sa camera at yung babae naka-kiss sa pisngi nya.

I can feel my heart beating so hard.
Punyeta naduduling na ba ako? Kamukha lang siguro ng boyfriend ko yun diba? Diba?! Walang babae si Arch! Ako lang yung mahal nya. Sabi niya ako lang. Hindi naman siya yung nasa wallpaper nung babae diba?

"Baby ang tagal mo naman" that voice... Di ko alam kung paano ko pa nagawang humarap at tumingin sa kanya. Walangya tong lalaking 'to. Baby baby pa eh di naman na sanggol tong katabi ko ah?!

Napatingin siya sa direksyon ko at mukhang gulat na gulat siya.
"Jenaya..." namamaos niyang sabi.

Bakit gulat na gulat ka? Di mo ba alam na kapatid ako ng close friend ni ate Jash? Di mo ba expected na nandito ako?!

Magpanggap kaya akong multo? Sana may powers ako, yung nag-iinvisible bigla. Ayoko siyang harapin! Di ako ready! Di ko pa nga naa-absorb mga pangyayari eh, ano na gagawin ko?

Pero ano ba dapat kong maramdaman? Wala akong maramdaman. Gusto ko siyang sugurin, gusto ko siyang sampalin pero di ako makagalaw. Para akong nanghihina. Gusto kong umiyak pero di ako makaiyak.

"I'm sorry, Jenaya" sabi niya na halos di ko na marinig.

'Yon na siguro ang sagot sa mga tanong ko. Wala na kami. Wala na.

I ran away from them when I felt my tears. Ayokong makita nila akong umiiyak. Ayokong makita ako ni Arch na umiiyak dahil sa niloko nya ko, lalong lalaki ulo non. Baka isipin pa nun sobrang pogi nya.
Pero shit lang, bakit ganito?! Ano bang nagawa ko? Ang sakit eh. Parang binubugbog yung puso ko, ang sakit sakit.

Nanlalabo na yung paningin ko dahil sa lecheng mga luha to. Di ko na alam kung nasaan ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Gusto kong mapag-isa, gusto kong takasan ang realidad.

Ang realidad na niloko niya lang ako.

Entangled Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon