Chapter 10

9 3 0
                                    

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Nagsimula na mag-discuss ang mga professors. May iisang prof na lang kami na di pa nagpapakita, prof namin sa PE subject, ang sabi injured daw kaya di pa makapasok ngayon. Nagpapaiwan naman sya ng mga aaralin at baka next week makapasok na siya.

Sa dalawang subjects lang kami magkaklase ni Trix, core subjects lang yun dahil magkaibang course ang tine-take namin. I am taking Business Management just like kuya while Trix is taking Banking and Finance. Business is really not my thing, gusto ko sanang mag-Architecture pero di naman ako makakahindi kay mom sa kagustuhan niyang Business Management ang i-take namin. Nagiging kaklase ko rin sila Eve at Jairah sa ilang mga core subjects.

"Alam mo balita kay Arch?" banggit ni Trix habang andito kami sa Canteen ngayon at kumakain.

Kumunot ang noo ko, "Huh? Ano yun?" tanong ko bago kumagat sa sandwich na kinakain ko.

"Nung first day daw! Pumasok nang puro pasa mukha"

Tumitig lang ako sa kanya. Naghihintay sa idudugtong nya.

She sipped her iced tea, "After that day di pa raw ulit pumapasok"

Napakunot ako ng noo, isang linggo na kasi ang lumipas nung nagpasukan na ulit so ibig sabihin isang linggo na syang di pumapasok?

"Bakit daw?"

She just shrugged her shoulders "Di na ba talaga kayo nag-uusap?"

"Hindi na. Nung first day nakita ko sya sa labas ng canteen" sabi ko bago ulit kumagat sa sandwich.

Bigla kong naalala na may sasabihin nga pala sya sakin non. At yung mga pasa nya sa mukha, sino naman kaya nakaaway non?

"Wag na yan" I rolled my eyes "Bakit pa ko mangingialam dyan, he cheated, so" I made face now "I shouldn't care anymore"

"That's my Naya!" wika ni Trix, masaya sa mga sinabi ko.

"And I think we should go to our class na rin no?"

"Yeah yeah!" sabi niya bago mag-ayos ng mga gamit

"See you!" paalam nya. Papunta na sa building ng classroom niya "And fafa Jayron hihi" habol nya at kinindatan pa ko.

Napailing na lang ako. That girl.

Anyway, di pa rin nakakauwi si kuya hanggang ngayon. Kaya si Jayron pa rin ang naghahatid at sundo sakin. Sa nagdaang isang linggo never pa syang na-late sa paghatid at sundo sakin. Feeling ko nga pwede na niyang palitan si kuya Axel bilang kuya ko eh. Kaya talagang nakakahiya na kasi pansin kong lagi siyang may inaasikaso sa company nila, dagdag pa na maraming requirements na dapat nilang ayusin sa school dahil graduating na sila. Tapos ako? Dadagdag pa ko. Actually nakailang banggit na ko sa kanya na wag na nya ko ihatid at sundo pero parang bingi lang siya na walang naririnig.

"Girl!" bati agad sakin ni Eve pagkapasok ko sa room.

Last subject ko na to ngayong araw, hanggang 12 lang ng tanghali. Pag tuesday kasi dalawa lang talaga subjects ko.

Binaba ko ang mga gamit ko sa upuan ko, "CR lang ako" I mouthed, enough for him to understand it.

Lumabas na ko ng room at naglakad papunta sa dulo ng hallway kung nasaan ang CR ng mga babae.

Bago pa man ako makapasok sa CR may biglang humatak sakin sa gilid kaya muntik na ko mangudngod sa kung sino man yon.

"What the-" bigla kong natulak ang humatak sakin, halos yakap-yakap nya na kasi ako dito sa maliit na space na puno ng mga mop at walis! And guess what? Ang ex ko lang naman ang humatak sakin.

Entangled Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon