Chapter 8

11 5 0
                                    

Medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil nakalayo ako kay Arch.Hindi pa kasi talaga ako komportable. Di pa ko handang makipag-usap sa kanya sa personal. Ewan ang gulo!!

May part na gusto ko siyang kausapin pero mas nananaig yung sakit kapag nakikita ko sya sa personal.

Di ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi nakalayo ako don pero bakit kasi sa lahat ng pwedeng umeksena kanina eh sya pa talaga?

Si Jayron ulit ang nakakita. Siya nanaman ang nakahuli sa akin.

Nakarating kami sa may gate ng campus, humarap siya sakin. Doon ko nakita nang mabuti yung mukha niya, ngayon ko lang na-gets kung bakit ang daming nagkakandarapa sa kanya kasama na si Trix. Pogi nga siya pero not my type. Or should I say di ko lang talaga pinapansin.

"Hey, baka matunaw ako niyan" tawa niya.

I looked away. Waaah nakakahiya! Matagal ba kong nakatitig sa kanya? Baka isipin niya pinagpapantasyahan ko siya ah!

Tinignan ko ulit siya at tinaasan ng kilay "Oh ano na yung kailangan nating pag-usapan? At talagang dito pa ha? Gaano ba ka-importante yan at kailangang dapat walang makarinig satin? Ha?" Lumingon ako sa paligid, kami nga lang dalawa ang nandito.

Ngumisi siya sakin. Ano ba yan! Di tuloy ako makatingin nang ayos feeling ko kasi pinagtatawanan niya na  ko sa isip niya dahil sa hindi sinasadyang pagtitig ko sa kanya.

"Actually wala naman akong sasabihin sayo"

"Sabi na eh! Trip mo lang talagang ilayo ako don! Suuuus crush mo ko no? Ayaw mong makausap ko yung-."

"Sssshh!" Tinakpan niya yung bibig ko.

Nagsisisi na po ako sa mga sinabi ko. Ang kapal ng mukha ko sa part na yun huhu.

He chuckled, para syang nang-aakit kahit sa pagtawa nya man lang na yon "Will you please shut up for a while and listen to me first?" Sumeryoso na siya at tinagilid ang ulo niya.

Shocks, I envy his accent. Para siyang foreigner kung mag-english.

"Okay okay. I'll shut up" tinakpan ko yung bibig ko.

Ginulo niya yung buhok ko, lagi naman siyang ganyan "Madaldal ka ba talaga?"

"Hindi. Naipon lang talaga yung idadaldal ko, si kuya kasi ang cold pa rin ng treatment sakin kaya wala akong kadaldalan" tapos nawala pa ko sa mood kanina dahil sa mga chismosang yon.

"Jenaya" may tumawag sakin sa likuran ko, at alam na alam ko na si kuya yon.

Ngayon alam ko na. Yung pagtakip ni Jayron sa bibig ko nung babanggitin ko sana yung ex ko. He did it para di ako mabuking.

Pinagtakpan niya nanaman ako.

Nilingon ko si kuya "Oh nandito ka rin?"

"Tsss. Nagpasama ako kaya nandito rin yan!" Turo niya kay Jayron na naka-cross arms at pinapanood lang kami.

"Uyy di ka na nagtatampo sakin?" Pang-aasar ko, hindi pinansin yung sinabi niya.

"Shut it. I came here to tell you something" umiwas siya ng tingin sakin.

Sus galit-galitan pa rin

"Is that really important at talagang di niyo ko pinatapos kumain ng lunch?"

Entangled Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon