Chapter 5

44 6 0
                                    

Nagising ako nung naramdaman kong nagugutom na ko but I still keep my eyes closed. Mga ilang oras na ba akong tulog sa byahe? Sakit ng likod at leeg ko, ang dami-dami namin na nagkasya sa kotse tapos ang lapad pa ng likod ng katabi ko kaya ayun kalahati lang ata ng pwet ko yung nakaupo sa upuan!

Teka...

Bakit parang di naandar yung kotse? I suddenly open my eyes and yes, the car isn't moving. Naka-park siya sa tapat ng isang restaurant. Where am I? Where are they? Mga walangya talaga yon, di man lang ako ginising!

I went out of the car to look for my brother and his crazy friends. Pumasok ako sa restaurant pero wala sila doon. Nag-cr na lang muna ako para mag-ayos at pagkabalik ko sa parking lot nandun na yung lima na nakasandal sa kotse.

Sinamaan ko sila ng tingin "Saan kayo galing?!"

"Ahmm nag-jingle?" sagot ni kuya nang nakangiti habang nagkakamot ng batok.

"Sabay-sabay kayo?" tanong ko sabay tinignan sila na parang nakakadiri.

"Bakit kayo lang bang mga babae pwedeng pumunta ng cr nang sabay-sabay?" tinaasan niya ko ng kilay habang nakapameywang pa.

"Oo nga tama" gatong nung apat na abnormal pang mga lalaki.

"Whatever" irap ko sabay pumasok na ko sa kotse.

"Bakit kaya ganun pre, pag sa mga babae okay lang yung mga ganong bagay pero pag sa atin pag-iisipan na nila agad tayo ng iba?" Rinig kong nagtatakang tanong ni Liam, di ko pa kasi totally sinarado yung pinto.

"I don't know, abnormal kasi mga babae. Tara na nga" Kuya Jayron.

Anong connect? Can somebody explain kung anong connect non? Umayos na ko ng upo kasi papasok na yung limang ewan, sana ma-meet ko na yung beach gusto ko na mag-relax. Kumilos na sila pero bakit parang di pa sila papasok dito?

I open the car's door and I went out without closing it "Hoy! Saan pa kayo pupunta?" Sigaw ko, medyo malayo na sila at parang papasok sa resto?

Nilingon ako ni kuya "Uy li'l sis nandyan ka pala?" He asked as if he was surprised with my presence "C'mon let's eat lunch time na kaya" cool niyang sabi tapos naglakad na siya papasok ng restaurant.

Sumunod na lang ako sa kanila, nagugutom na rin ako eh. Sana pala hinintay ko na lang si Trix para sabay kami. Maaga akong tatanda nito dahil sa mga kasama ko eh.

Nakita ko na silang lima na nakaupo sa may bandang dulo na table pero kahit na nasa dulo sila halos lahat ng mga babae sa restaurant na yun ay sa kanila nakatingin. Ay nako mga teh gusto nyo sa inyo na lang tong lima? Pogi nga tong mga to mga abnormal naman!

Maigi naman at nakakain ako nang masaya at maayos, yung walang nanggugulo. Pero yung mga kasama ko wala ganon pa rin, parang mga takas sa mental.

Nandito na kami sa kotse at finally bi-byahe na ulit papunta sa beach resort na pina-reserve nila kuya.

"Ano to?" Tanong ko nung may inabot na paperbag si kuya Jayron sakin.

"Medicines. In case na mahilo ka sa byahe, baka sukahan mo pa ko eh" he said in a cold tone, at bumalik na siya sa ginagawa niya sa phone niya.

"Thanks"

After 2 hours nandito na rin kami sa wakas! Buong byahe akong gising. Gusto kong matulog pero di na ko makatulog, maigi na lang at may binigay si kuya jayron na gamot sakin.

"Hey Axel's li'l sis, did you enjoy the trip?" Sabi ni kuya Jayron sabay akbay sakin nung pagkababa namin sa kotse.

"Asa naman na na-enjoy niya yung biyahe" sabi ni kuya habang nilalabas niya yung mga gamit namin sa kotse.

Entangled Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon