*Rona Pov*
San ba kami pupunta ? Naglalakad lakad kasi kami ni Yuan at nila Setrianne, Luiz. Nakaakbay sa akin si Yuan pero halatang may lungkot sa mukha niya hindi ko alam kung bakit siya malungkot.
Yuan ?
Bakit ? -Yuan
Tinignan niya ako ng may pagtataka.
May problema ka ba ?
Ahmm Rona may gusto sana akong sabihin sayo. -Yuan
Ano yun ? Makikinig ako
Wag ka sanang magagalit -Yuan
Ok lang. Sige na, ano ba yun ?
Huminto muna kami saglit pero sila Setrianne at Luiz ay patuloy na naglalakad papalayo sa amin.
Rona ? Mahal mo ba ako ? -Yuan
Bakit niya ba tinatanung yan ? Anung klaseng tanong yan ?
Bakit mo naitanung ?
Sagutin mo na lang please ? Mahal mo ba ako ? -Yuan
Ahmm oo, ikaw boyfriend ko e. Bakit ?
Gusto kong sabihing hindi kasi hindi ko naman talaga siya mahal pero hindi ko magawa dahil ayokong masaktan siya.
Kasi Rona, sa palagay ko hindi e. -Yuan
Anung ibig mong sabihin ?
Ok. Aaminin ko na. Ayokong saktan ka pero habang tumatagal ito baka mas lalo kitang masaktan. Nasasaktan din ako e. -Yuan
Anung ibigsabihin nito ? Nakikipagbreak ka na ? Bakit ?
Sorry. -Yuan
Bigla na lang may pumatak na luha sa mata ko. Alam kong hindi ko siya mahal pero sinusubukan ko pero bakit niya ako iiwan ?
Sige, ok lang. Sino ba siya ?
Ok lang, kahit hindi. Ok lang naman talaga kaya lang sinusubukan ki siyang mahalin para walang masaktan yun pala sumuko na siya o niloloko niya lang ako ? At gusto niyang mahulog ako sa kanya ?
Hindi na mahalaga kung sino pa siya. Sorry Rona. Alam kobg hindi mo rin naman ako mahal diba ? -Yuan
Sige na. Si Setrianne tama ba ? Sige habulin mo sila. Eto lang masasabi ko sayo sinusubukan kitang mahalin kasi ayokong saktan ka pero mali ako pala yung nasaktan mo.
BINABASA MO ANG
War Freak Girls Vs. Cassanova's Boys
Teen FictionPaano nga ba talaga ? Paano magkakasundo ang dalawang grupo ? Grupo ng mga freak na babae at babaero na lalaki. Sinu ang kawawa ?