Chapter 24 Revenge 1

71 4 0
                                    

*Rona Pov*

Naiwan akong mag isa  sa canteen dahil hinatak ni Zayne si Renren at halatang galit na galit ito, siguro dahil sa ginawa namin at sana ganun din maging reaksyon ni Luiz!

Mag isa akong nakaupo sa table ng WFG hindi na kasi maaaring umupo sila Charlotte, Nicole at Setrianne dahil pinagbawalan na nga sila at ayokong makita sila! Maya maya may umupo sa tabi ko na ikinagulat ko. Si Luiz ang umupo dito, hindi ko siya tinitignan dahil habang nakikita ko siya lalong umiinit ang dugo ko kaya tumayo ako para umiwas sa kanya!


Sandali lang! Si Luiz yun hinawakan niya ako sa braso para mapigilan akong makaalis.


Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay! Bakit ?


Pwede ba tayong mag usap ? Sabi niya ng mahinahon at halatang nag aalala.



Wala na tayong dapat pag usapan pa!



Hinigit ko ang kamay ko. At nag tangka na umalis pero nagulat ako ng hilahin niya ako pabalik dahilan para mahalikan ko siya sa lips. Agad naman akong yumuko para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Kinikilig ako.sa kanya pero nauuna talaga ang galit ko dahil sa ginawa nila.

*Pakkk*

Sinampal ko siya dahil bigla kong naisip na pag katapos ng ginawa nila akala niya mahuhulog ako uli sa kanya ng dahil lang sa kiss ?


Hindi kita mahal! Tantanan mo na ako!!



Natahimik naman siya sa ginawa ko at agad naman akong umalis para makalayo sa kanya at sa mga babaeng sobrang sama ng tingin sa akin dahil kay Luiz. Nakakainis!! Nakakainiss!



Nagkasalubungan kami ni Renren na parehas nakabusangot ang mukha.


Anong nangyari Renren ? Mataas na boses kong tanong na nakataas ang kilay




Punyetang Zayne kasi yun bwisit! Iritado niyang sambit sa akin.



Nagkayayaan kami na bumalik na lang sa room. Napansin kong nakatingin sa amin ang lahat ng stupidyante sa loob ng room namin kaya agad naman akong nagtanong




Bakit ?!! Anibg tinitingin-tingin niyo?!! Pag mamalditang kong sigaw sa kanila.



Wa-wala -Sila





Wala naman pala kung makatingin akala mo kung ano! Wala pa ang CB at ang tatlo naming itinakwil na kaibigan. Tinignan ko si Renren na pangisi ngisi.




Bakit ka natatawa ?




May naisip ako -Renren


Ano naman yun ?



Nagulat ako ng may tawagin siya na kaklase namin. Isa itong gangster, gwapo, maputi, matangkad at kilala rin sa campus. Kung hindi ako nagkakamali si Carl Ramos yun.



May ibinulong si Clarence dito at maya-maya tumakbo ito palabas at ilang minuto lang bumalik agad ito na may dala-dalang dalawang garapon na ang laman ay mga dahon na madaming antik.




War Freak Girls Vs. Cassanova's BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon