Chapter 47 Problem

44 4 0
                                    


*Neal Pov*

Ayokong ikasal sa taong hindi ko naman mahal pero wala akong magawa dahil pinanakot nila ang kahinaan ko, ang taong mahal ko. Gusto nila akong ikasal kay Katrina Luna, anak ng business partner ng dad ko. Ayoko sa kanya maarte.

Simula nung nangyari sa restaurant kung saan nalaman ni Nicole na fiance ko si Katrina tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin, nagkikita kami pero parang wala lang ako, parang hangin lang ako sa kanya. Hindi ba talaga siya nasaktan ? Ayoko lang naman na may mangyaring masama sa kanya, natatakot akong mapahamak siya. Aaminin kong ang duwag ko para hindi ipaglaban ang nararamdam ko para sa kanya pero anong magagawa ko ? Natatakot akong mawala siya sakin, mawala ng tuluyan.

Nagkaklase kami ngayon, nakatitig lang ako sa kanya pero siya kahit isang tingin hindi ako nakatanggap sa kanya. Nagtataka na nga yung apat na babae kung bakit hindi raw kami nagpapansinan pero walang naglakas loob para sabihin. Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol sa arrange marriage na yan. Alam nilang hindi ko ginusto.

Huy, pre! Break na natin. Lalim na naman ng iniisip mo. -Zach

Dapat ko ba talaga siyang isuko o ipaglaban ko ?

Ikaw lang makakasagot niyan pre, kung ako naman tatanungin ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari -Zach

Paano kung mapahamak lang lalo siya ng dahil sakin at tuluyan na ngang mawala ?

Natahimik bigla si Zach sa sinabi ko dahil tama naman talaga nasa akin nga siya masaya kami pero paano kung galawin siya ng tauhan ng daddy ko ? Paano kung patayin siya ? Mas okay na yung ganito lang kaaami kaysa mawala siya ng tuluyan sa akin.

Biglang may humawak sa balikat ko, si Zayne.

Pre hanggat nasa puder mo siya hindi siya mapapahamak, at tandaan mo isa siya sa pinakamatapang na babaeng nakilala ko. -Zayne

Tama si Zayne, ipaglaban mo siya bandang huli wala na rin magagawa sila tito at mapapapayag mo rin sila -Luiz

Alam mo pre, kung ako sayo itanan mo na. -Yuan

Gago! Kung ano ano tinuturo mo kay Neal kaya hindi marunong ipaglaban ang taong mahal ng harapan -Zayne

Binatukan nila isa isa si yuan na nagpatawa na lang sakin. Lahat naman sila tama ang sinabi. Tamang ipaglaban ko siya at kapag nasakin naman siguro siya hindi siya mapapahamak dahil hindi ko hahayaang mangyari yun kapag naman ginalaw siya alam king makakalaban siya dahil mas lalaki pa sakin yun e. Kapag ayaw pumayag ng magulang ko tama ring itanan ko na lang yun kung papayag siya hahaha.

War Freak Girls Vs. Cassanova's BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon