Chapter 14 Zach and Charlotte

93 8 0
                                    

*Zach Pov*

Gabi na pala at nagbobonfire kami, pero sila Setrianne, Luiz, Rona at Yuan ay naglakad lakad muna. Kailan ba matatapos ang Dare na ito ? Gusto ko ng matapos ito. Gusto ko na alagaan at mahalin si Charlotte.

Nakatulala lang si Charlotte sa kawalan at si Nicole naman nakita kong nakatingin siya sakin at tinignan niya kung saan ako nakatingin kaya iniwas ko agad ang tingin ko kay Charlotte, kaya lang huli na ang lahat.

Mahal mo ba ako ? -Nicole

Oo naman, bakit mo naman natanung yan ?

Wala.

Nakita kong nalungkot siya, nakakainis ako ba dahilan ? Mahal niya ba ako ? Pero si Charlotte ang mahal ko. Nakita kong tumayo siya at lumakad palayo. Gusto kong tumayo para habulin siya kaya lang parang may magnet dito sa paa ako at ayaw akong paalisin. Naiinis ako sa sarili ko nasasaktan ko ba siya ?

Tatayo na sana ako para habulin siya pero nakita kong tumayo si Neal at hinabol si Nicole. Bakit niya hinabol ? Anung ? Inlove na din ba siya dito at napipilitan na lang kay Charlotte ? Parehas ba kami ? O baka pinapunta siya ni Charlotte dito ? Imbis tumayo ako para pumunta kay Nicole tumabi ako kay Charlotte.

Bakit hindi mo hinabol si Nicole ?

Tanung niya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Paano ko sasabihin sa kanya ? Baka mahal niya si Neal ? Ayokong magkagulo ang pagkakaibigan namin. Siguro nga ? Dapat itigil ko na to. Tumayo ako para habulin si Nicole pero pinigilan ako ni Charlotte.

Iiwan mo din ako ? Charlotte

Hindi, pero kailangan ako ng girlfriend ko.

Paano naman ako ? Iniwan ako Neal para kay Nicole -Charlotte

Anung ibig mong sabihin ?

Wala na kami, kanina lang.

Automatic na umupo ako para makinig sa kanya, nasasaktan ba siya dahil kay Neal ? Mahal niya ba ? Saka panung dahil kay Nicole kaya siya iniwan ?

Iniwan niya ako. Tinitignan ko siya. Umiiyak siya, ibigsabihin mahal niya talaga si Neal ? Pero bakit ? Nanalo na ba si Neal ? Nahulog na ba si Charlotte ?

Paano ? Bakit naging dahilan si Nicole?


Simple lang, mahal niya kaya niya ako iniwan.

Ibigsabihin hindi pala nanalo si Neal kasi sumuko na din siya ? Alam naming gusto talaga ni Neal si Nicole una pa lang, pero mahal siya ni Charlotte. Iniiyakan siya ng babaeng mahal ko. Sabi ko na e dapat hindi na lang namin ginawa dahil pare pareho lang kaming masasaktan.

Shhh, wag ka na umiyak. Girlfriend ko si Nicole kaya sakin lang siya at sayo lang si Neal. Maayos din.

War Freak Girls Vs. Cassanova's BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon