Chapter 26 Fake

53 5 1
                                    


*Carl Pov*

Ang sayang isipin na kahit hindi totoo ay magiging girlfriend ko si Renren. Siya ang babaeng napakahirap maabot. Napakaganda niya sa paningin ko. Sana lahat na lang ng pagpapanggap namin maging totoo sana mahulog naman siya sa akin kasi gagawin ko ang lahat mapasakin lang siya lalo na ngayon na halos abot kamay ko na siya kailangan ko na lang na maipadama sa kanya ang tunay ko nararamdaman para sa kanya. I love her so much, bata pa lang kami crush na crush ko na siya kaya lang ang hirap makalapit sa kanya kahit wala naman bodyguard dahil sa sobrang maldita niya.

Hinatid ko na si Renren sa kanila dahil 8 na din ng gabi. Papasok na siya ng gate nila pero bumalik uli siya . Nabigla ako sa ginawa niya kiniss niya ako sa pisngi. Nahihiya ako dahil yung mukha ko pakiramdam ko nag iinit bakit ba kasi ganun siya ? Ang lakas ng dating niya para sa akin ?

Pumasok na ako sa kotse ko para makauwi na rin baka hinahanap na ako ni mommy. Mag isa lang akong anak ni Mommy Tasha Ramos at Daddy Jake Ramos na may ari ng isang restaurant sa ibat ibang lugar.


Mom ? Nandito na po ako.

Oh, nandiyan ka na. Kamusta bat parang ang saya mo yata ? -Mom

Kasi po girlfriend ko na si Renren na matagal ko ng pinapangarap! Sabay yakap ko kay mom na nagulat naman sa sinabi ko.



Paano nangyari yun ? E hindi ka nga pinapansin nun diba ? Saka ang sabi mo may boyfriend siya -pagtataka niyang sinabi sa akin.

Sumimangot ako naalala ko, pagpapanggap nga pala ang lahat ng ito.

Are you ok son ? Sorry kung na offend kita. -Mom



Ok lang mom, tama ka naman e. May boyfriend siya noon pero wala na sila. Nanahimik na lang si mom at hindi na sumagot hindi ko na rin sa kanya sinabi na pagpapanggap lang ang lahat ng iyon. Gusto ko kasing ipakilala si Renren sa parents ko na parang isa kong totoong girlfriend.

*Kinabukasan*

Maaga akong gumising para masundo ko si Renren sa bahay nila. Isang busina ko lang bumukas na yung gate nila at kinausap ajo nung guard nila.

Sino po sila sir ? -Guard


Boyfriend ni Renren. Marahan kong sagot sa kanya at pinapasok naman niya agad ako. Pinark ko ang kotse ko sa parking lot nila may tatlong kotse dun talagang mayaman din sila. Nagdoorbell ako para makapasok na sa loob.



Akala ko ang sasalubong sa akin ang babaeng minamahal ko pero hindi yung kuya niya pala na halos parang iisa lang sila.

Sino ka ? Bakit ka nakapasok rito ? -Dyland



Napakamot ako ng ulo dahil kinabahan ako sa kuya niya pero salamat at dumating siya.


Boyfriend ko yan, papasukin mo! Sabat ni Renren na nakapang tulog pa.

War Freak Girls Vs. Cassanova's BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon