Chapter 32 Break The Cassanova's Heart

71 8 0
                                    


*Zayne Pov*

Ang sakit sakit na marinig mula sa kanya yun na hindi niya ako mahal at kahit kailan hindi niya ako mamahalin. Sana ako na lang siya. Siguro baka ito nga yung karma ko dahil sa sobrang cassanova ko pero kaya ko namang magbago para sa kanya ha ?

*Kinabukasan*

Late na akong pumasok parang tinatamad na kasi ako pumasok dahil sa narinig ko kay Renren. Dapat kong patunayan sa kanya na seryoso ako, siguro kaya niya lang sinasabi yun kasi alam niya isa akong cassanova pero magbabago ako para sa kanya kung yun ang gusto niya.

Agad naman akong nabuhayan ng loob kaya imbis dumeretso sa room pumunta muna ako ng garden. Madaming bulaklak dun, pipitasan ko siya ng red roses.

Kumuha lang ako ng tatlo para "I Love You" sana tanggapin niya.

Nagtungo na ako sa classroom at wala pa ang teacher namin. Nagkakagulo sa room may mga nagbabatuhan ng plastic bottles, ng papel, may nagbabasa ng wattpad, may nanunuod ng mga idolo nila sa kpop at meron din mga walang pake.

Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Renren na nakasalungbaba,

Renren roses for you sabay abot ko ng roses, nabigla naman siya dun.

Sakin ? Sabay turo niya pa sa sarili niya.

Halata sa mukha niya ang pagkapula ng mukha at natutuwa akong kinilig siya sa ginawa ko. Sana ganito na lang kami lagi. Ngayon alam ko ng bulaklak lang pala makakapgpalambot ng puso niya.

Oo, para sayo yan. Sana mapatawad mo ko sabay bigay ko ng killer smile.

Thankyou! Tumayo pa ito at kiniss ako sa cheeks naa labis kong kinagulat at kinatuwa.

A-ah wala yun. Kahit ilang roses pa bibigay ko para sayo.

Umupo na siya ng maayos at pumunta na din ako sa upuan.

Hoy! Zayne! Ok na kayo ? Pagtataka ni Neal

Hindi, sinusuyo ko lang sabay kindat ko kay neal.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Renren, nakakatuwang makita na inaamoy-amoy niya yung bulaklak ng binigay ko tas nakangiti pa siya. Ang ganda niya talaga. Yung sakit na naramdaman ko kahapon biglang napawi ng dahil din sa kanya.

Hoy! Zayne matunaw yan! Si zach yun.

Inggit ka lang e. Suyuin niyo din kasi sila pagmamayabang kong sabi sa kanila.

Pre! Hindi basta basta nagpapatawad si Renren at panigurado masakit yan pag gumanti si Zach uli yun.

Tama siya pre! Tigilan mo na yan! Yuan

Hindi ko gagawin yun. Tignan niyo nga nakangiti siya at tuwang tuwa sa binigay kong bulaklak inis kong sabi sa kanila. Naiinggit lang yata to, kung hindi ko lang mga kaibigan ito sinapak ko na!

War Freak Girls Vs. Cassanova's BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon