*Neal pov*Tama ba yung narinig ko ? Kapag sinaktan ko yung lalaking yun kakalimutan niyang kilala niya ako ? Ganun na ba kadali yun ? Hindi naman niya kilala yun ah ? Bakit siya ganyan.
Pagkaalis ng lalaki at may sinabi siya sa akin. Lumapit sa akin si Nicole
Bakit mo ba ko sinundan ? -Nicole
Teka paano ko ba sasabihin sa kanya ?
Kasi bigla kang tumakbo.
Ah ? -Nicole
Bakit mo ginawa yun ? Bakit mo siya sinaktan ?! -Nicole
e bakit ka ba naka yakap sa lalaking yun ha ?!
Ano namang pakielam mo dun ha ?! -Nicole
Oo nga naman. Ano nga bang pakielam ko dun ? E hindi niya nga pala ako mahal ?
Mahal kasi kita
Pagkasabi ko nun tumalikod ako papalayo sa kanya para marahimik na siya. Baka kaai naiirita na siya sa akin.
Sandali! -Nicole
A-anong sinabi mo ? -Nicole
Wala. Hindi na mahalaga yun. Wag mo na lang intindihin. Sana maging masaya ka.
Naglakad na ako uli pabalik sa kinauupuan namin kanina ng bigla niya akong yakapin patalikod.
Mahal kita. Mahal kita Neal! -Nicole
Mahal niya ako ? Mahal niya ako ? Totoo ba ito . Teka ? Mahal ako ng babaeng gusto ko ? Totoo ba talaga ito ?
Mahal mo ko ?
Oo, mahal kita. Mahal na mahal. -Nicole
Yohoooooo!
Bakit ka sumisigaw ? -Nicole
Dahil ang babaeng mahal ko ay mahal din pala ako.
Mahal mo din ba ako ? -Nicole
Oo mahal kita Nicole, sorry kung nagsinungaling ako. Mahal talaga kita pero ng dahil sa dare kaya hindi ikaw ang niligawan ko. Akala ko kasi hindi ako masasaktan kapag iba yung pinili ko at hindi ikaw pero sobrang sakit din pala.
BINABASA MO ANG
War Freak Girls Vs. Cassanova's Boys
Novela JuvenilPaano nga ba talaga ? Paano magkakasundo ang dalawang grupo ? Grupo ng mga freak na babae at babaero na lalaki. Sinu ang kawawa ?