Ika limang Kabanata

113 4 0
                                    

Note ( I know, may note na naman si Author - _- ' ) : Hi! So binasa niyo ang chapter 4, it means okay lang sainyo ang maka basa ng spoiler ah  -

P.S. I only have 5 more chapters before the ending. I know *BOOO* kasi mahirap isabay sa series/comic book dahil matatagalan daw sila. So, I'm ending mine with my own "ending" ! And if you've seen the new season, let's chika ✌Stay tune! Thank you!

_____________________________________________________________

V.

[ Kathryn's POV ]

   Minsan, nakakasama ng loob pag ang isang tao ay may binitawan na pangako, tapos hindi rin naman gagawin. Pero in a world like this, parang binabaliwala na lang ang ganitong senaryo.

Isang buwan na ang nakaraan simula nung sinabi ni Paul, a.k.a Jesus, na mag kekwento siya sa amin tungkol sa lugar na ito. Gumising na lang kami kinabukasan ng araw na yun, wala na siya.

"Mayroon siyang biglaang misyon. Hindi iyon maiiwasan. Babalik din siya." Paliwanag ni Ryan sa amin. Naka halukipkip kaming lahat. Ilang araw ang nag daan, naka abang kami sa itaas ng gate. Pero walang sulpot. Hanggang sa sumuko na lang sila sa pag hihintay.

Hindi ko alam kung may nangyaring masama sa kaniya, o sadyang ganun lang talaga katagal ang pag hahanap niya ng mga supplies.

Ako nga lang ata ang tanging nag hihintay sa kaniya. Para bang, pag umalis ka at hindi na bumalik, tanggap na nilang wala ka na. Para sa kanila, sumali ka na din sa mga patay. Siguro sadyang ayaw lang nilang umasa. Masakit kasi.

"Ang lalim ng iniisip natin ah!" biglang umupo si Spencer sa gilid ko. Napabalikwas ako na dahilan nang pag tawa niya. Sinuntok ko naman siya sa braso.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wag mo akong gugulatin?" Wala pa rin siyang tigil sa pag tawa.

"You're so easy to scare kasi eh. I can't help it." pinupunasan niya ang mata niya. Napaka babaw ng kaligayahan naman nito. "At tsaka isa pa, in a world like this, scaring is everyone's job." dagdag niya. Napaka konyo eh.

"Ewan ko sayo!" tinulak ko siya kaya medyo napa higa siya sa gilid at tumayo naman ako. Mabilis akong nag lakad palayo sa kaniya.

"Masyado kang pikon." naka habol siya sa akin. Humarang siya sa daanan ko.

"Move!!" nilagay ko sa bewang ko ang aking mga kamay. Tumayo naman siya ng tuwid at ginaya ako. "I'm not joking!" utas ko sa kaniya.

"I'm not joking!" ginaya niya ako. Pati ang tono ng boses ko. Humalukipkip ako at ginaya na naman niya ako.

"Tumigil ka nga!" pumadyak ako na parang batang nakikipag talo. Tumawa siya ng malakas.

Kinurot niya ang pisngi ko. "You are so adorable Kathryn!" mabilis kong hinawi ang kamay niya at tumingin sa gilid. Ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko.

Alam kong gwapo si Spencer, pero hindi siya ang type ko. Hanggang ngayon, isang lalaki lang ang nakakapag pabilis ng pagtibok ng puso ko.

"Spencer!" sabay kaming lumingon sa tawag. Tumatakbo si Enrique papunta sa amin. Bagong gupit siya. "Aalis na daw kayo nila Brook."

Tumango lang sa kaniya si Spencer. "I'll see you later." ngayon naman, ilong ko ang kinurot niya sabay kindat sa akin. Nag paalam siya kay Enrique at tsaka tumakbo papunta dun sa gate.

Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko namalayan na naka tingin sa akin si Enrique. Nanlaki ang mga mata ko.

"Alam mo bang namumula ang buong pisngi mo?" tanung niya sa akin.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon