Guys, I just want to remind you na MAG KAPATID po ang JulNiel dito so hindi po sila ang magiging mag partner :) ! And may trailer po ang story na ito, balik po kayo sa very first part nung story para makita niyo sa gilid :D !
Sa mga Walking Dead fans here, if you want a copy of the comics, just pm me and I will give you the link ! It’s still ongoing :D ! Ibang-iba ang comics sa series hahah but it’s both awesome naman so if you love the series, you will love the comics too :D !
And a new character will appear, baka dito o kaya sa next chapter. She’s my original character. I made her up hahahah :D
Enjoy this next chapter xoxo
III.
Naka kulong sila ngayon sa loob ng isang maliit na pamilihan. Sakto lang ang laki nito at hindi pa ganun karami ang nakukuhang pagkain mula dito. Halos dalawang araw na ang naka lipas simula nung mangyari ang isang mapait na bagay. Umuwi sila sa kanilang mga pamilya pero wala na silang na abutan kungdi mga bakas ng dugo. Walang katawan, puro dugo.
‘Malaki ang posibilidad na buhay pa rin sila..’ yan ang mga salitang lumabas mula kay Enrique. Alam kasi nilang hindi sila iiwan ng kani-kanilang mga magulang. Pero pag nakita niyo ang kanilang lugar, maiiyak lang kayo, tulad ng naging reaksyon ni Aya at Kathryn.
Mga bangkay na nakakalat ang tanging na abutan nila. Sira ang mga bahay. Walang kahit na isang buhay na tao ang naroon. Natagpuan pa nga nila ang iba nilang mga kaibigan na naka handusay sa kalsada at halos wala ng natira.
Hindi rin nila maintindihan kung ano ang mga ito. Kinatatakutan nila ito dahil bukod sa mabibilis ang mga ito, ay nakakamatay pa. Hindi nila alam kung paano ito patayin. Ang alam lang nila ay patay na ang mga ito pero nag lalakad pa rin ito at na ngangain ng mga taong buhay. Napansin nila na pag nakagat ka nito, pag katapos ng ilang oras ay magiging katulad ka na din nila.
Mapuputla ang mga patay na tao na ito. Papilay-pilay ang iba at minsan pa ay kulang-kulang ang parte ng katawan nito. May mga sugat ang kanilang mga mukha. Halong dumi at dugo ang nasa kanilang mga katawan. Sira-sira ang kanilang mga damit, sinyales na nag laban pa sila bago sila natuluyan. Maiitim ang kanilang mga bibig, at hindi ganun ka talas ang kanilang mga ngipin pero matindi sila kumagat. Ang kanilang mga mata ay walang bakas na buhay pa sila sa loob.
Masakit para sa kanilang mga buhay pa ang kanilang nakikita dahil wala silang ideya sa nangyayari. Hindi nila alam kung saan o paano ito nag umpisa. Kung dati pinapanuod lang nila ito sa telebisyon, ngayon sila na ang nakakaranas nito. Ito na ang pamumuhay nila araw-araw. Mahirap mang kalabanin, mahirap mang gawin, kailangan nilang harapin dahil ang kanilang mga buhay ang naka salalay dito.
Nababalot ng dug, dumi at pawis ang kanilang mga damit at katawan. Naka suot pa rin sa kanila ang mga magagandang damit na suot-suot nila nung JS. Hindi sila naka kuha ng mga damit sa kanilang mga bahay dahil nag mamadali na rin sila. Hindi naman sila nag kukulang sa pagkain dahil nasa loob naman sila ng pamilihan. Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot at pagod. Ang gabi na akala nila ay masaya ay nauwi sa isang hindi makakalimutan na trahedya.
“How long are we gonna stay here?” tanung ni Aya habang tumitingin sa mga delata na nakapatong sa mga cabinet. May harang ang dalawang malaking bintana pati na rin ang kanilang pintuan. May isang emergency exit door din sa likuran na ikinandado nila. Silang apat lang nasa loob, mga kandila lang ang tanging nag bibigay liwanag sa kanila.
“Look around you, Aya…” panimula ni Lucas habang nakatayo at naka sandal sa pader, “We have everything we need here. This place is a bomb. Sa panahon na ito, ang makulong sa isang lugar na ito ay ang pinaka maswerte na bagay. This could be our new home.”
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanfictionPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...