Ika-siyam na Kabanata

538 21 4
                                    

       VIIII.

Halos mag kandarapa ang grupo nila Daniel pabalik sa kanilang camp. Hindi nila alam kung paano bilisan ang pag takbo. Pakiramdam nila na sa bawat pag tapak nila ay isang buhay ang nakukuha sa kanila. Mahigpit ang pag kakahawak nila sa kanilang mga baril. Wala silang pakialam kung marinig man ito sa buong gubat, ang importante ay ang buhay na masasagip nila.

Nakarating sila sa bukana at agad naman nanginig ang kanilang mga tuhod. Hindi nila alam kung paano ipinta ang imaheng nasa harapan nila.

Sampu. Benteng roamers ang pakalat-kalat sa kanilang camp. Hindi nila alam kung sino ang uunahin. Madaming dugo at laman ang naka kalat sa lupa. Hindi nila alam kung kanino ito. Sa buhay ba o sa patay.

"Enrique !" sigaw ni Victoria ng may biglang lumitaw sa gilid ng binata. Agad naman niya itong binaril. Nakuha nila ang ilang atensyon ng roamers.

"Let's split up ! Find every one !"

Naghiwa-hiwalay sila. Agad hinanap ni Enrique si Kathryn. Si Daniel naman ay si Julia.

Putok ng baril. Ungol ng mga patay. Sigaw ng mga tao.

Yan ang tanging maririnig niyo sa kampong ito.

"MAMA !!!"

"JENSEN?!?!"

"KATHRYN !"

"JULIA NASAAN KA?!"

"BROODY !!"

Hindi nila alam kung sino ang uunahin. Nakita ni Daniel si Kathryn at Julia sa ibabaw ng RV kasama ang mga bata. Pinapalibutan sila sa ibaba ng mga roamers. Wala silang armas. Nakikita niya ang takot sa mukha ng kaniyang kapatid. Mag kakayakap lang sila.

Patuloy sila sa pag papatay pero parang hindi nababawasan. May mga lumilitaw galing sa gubat.

Baril dito.

Hampas doon.

Kagat dito.

Patay doon.

Laman loob dito.

Isang lawa ng dugo doon.

Kung walang zombie apocalypse, iisipin ng mga tao na may nangyaring massacre dito. Kanina pa may nakalagay na 'Do not cross' na sign. May mga coroner at pulis na tumutulong. Pero walang ganun. Wala ng ganun. Ito na ang apocalypse. Ni hindi na nga sila nakakasiguro kung may mga ganoong tao pa ngayon.

"Shit !!" mura ni Victoria ng makita na ang pinatay niyang walker ay si Danita. Lumalim ang kaniyang pag hinga at tinadtad ng saksak ang isang matandang, lumpo na zombie.

Ang iba ay kumakain ng bangkay. Pinag pipiyestahan nila ang isang hayop. Isa yun siguro sa dahilan kung bakit napunta ang horde na yun dito sa gubat.

"Doon, Enrique !!" turo ni Lucas. Unti-unti na nilang nakikita sila Broody sa unahan.

Pinapatay nila lahat ng nasa unahan nila. Umiiyak na ang mga bata. Unti-unti na silang nag kikita. Nababawasan na ang mga mababahong patay.

"Victoria !!" sigaw ni Broody ng makita ang dalaga. Agad niyang binaril ang babaeng zombie na sumabunot sa buhok ng dalaga.

"AHHHHHHHH !!!" Lumingon si Enrique ng marinig ang sigaw ng kaniyang kapatid. Nakita niyang kinagat ito. Dahan-dahan pa ang pag kakalayo ng roamers mula sa kamay ng kapatid niya. May hibla ng laman na lumitaw at sumisirit ang dugo. Agad naman pinana ni Enrique ang lalaking roamer na walang mata.

Nilapitan niya ang kapatid niyang namumutla. Hawak-hawak ang kamay na kulang na ng mga daliri. Hindi niya alam kung gagana pero isang bagay lang ang naisip niya. Ayaw niyang mawala sa kaniya ang kapatid niya.

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon