V.
Naka upo sa gitna ang grupo nila Daniel habang tinitingnan sila ng mga taong kumupkop sa kanila. Binigyan sila nito ng pagkain pero hindi sila makakain ng maayos dahil nakatitig sa kanila ang mga taong nakita nila. Halo-halong emosyon ang naka paskil sa kanilang mga mukha. Kasiyahan. Kalungkutan. Kaawaan. At syempre hindi mawawala ang kagulatan nila dahil hindi nila inaasahan na may mga iba pa palang buhay bukod sa kanila.
"Sige. Kain lang kayo." ani Christopher. Siya ang nag aasikaso sa grupo na ito simula ng mangyari ang lahat ng ito. Siya ang tumatayong leader dahil siya din ang pinaka matanda.
Tiningnang mabuti ni Enrique ang bawat isa sa kanila habang nginunguya ng dahan-dahan ang pagkain. Pinakilala sa kanila ni Christopher ang mga tao dito pagka gising nila kaninang umaga dahil wala na silang oras kagabi. Pinagpahinga na sila kaagad pagkatapos nila kumain.
May tatlong magkakapatid na basketball players. Kambal silang tatlo pero hindi magkakamukha. Matatangkad at katamtaman lang ang katawan. Gerald. Marco at Enchong ang pangalan nila. Pareho silang may mga itsura.
Sunod naman ay ang mag asawa na si Shad at Emily. Nung unang kita nila Enrique kay Emily ay naawa sila dahil may mga pasa ito sa mukha. Halatant binubugbog. May isa silang anak, si Catherine. Sinubukan siyang kausapin ni Kath at Julia pero hindi siya umiimik. Parang na trauma.
Si Christopher naman ay isang abugado na walang anak pero may asawa kaso namatay ito dahil sa cancer. Simula nun ay hindi na siya nagtrabaho ulit at nag ikot na lang sa bansa. Ginagamit niya ang kanyang mga perang naipon at minsan ay nangagaso siya. May bigote siya at hindi ganoon katangkad.
Isa ring magkapatid ay si Zeus at Jupiter. Isang babae at lalaki. Panganay si Jupiter at isa siyang assistant samantalang si Zeus naman ay isang kolehiyalang estudyante. Kumukuha siya ng kursong Nursing. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at lagi silang magkasam san man sila mag punta.
Si Danita ay isang accountant. Maitim ang kanyang balat at may lahing indiano. Kulot ang kanyang buhok at medyo may kasingkitan.
Si Gilbert ay mag isa na lang sa buhay dahil namatay ang kanyang mag-iina. Magaling siya pagdating sa mga sasakyan. Naka suot siya ng sumbrero at balbas sarado ang kanyang mukha.
May isang pamilya din na may dugong amerikano. Si Jc at Michelle. Ang kanilang mga anak naman ay sina Peter, Ralph at Sonia. Mga english speaking sila at mababait na bata. Kulay asul at berde ang kanilang mga mata.
Si Broody naman ang pumapangalawa sa lider ng grupo. Kaedad niya si Enrique, pareho silang nineteen years old na. Pareho din silang magaling humawak ng baril at magaling lumaban. May kaunting kayabangan nga lang. Gwapo ang lalaking ito. Medyo kulot ang buhok at itim na itim ang mga mata. Matangos ang kanyang ilong. Pwede mo siyang ipantay sa mga modelo na nakikita mo sa mga malalaking billboard.
At ang huli at ang pinaka importanteng tao sa kanila, si Champ. Bakit importante? Kasi siya ang pinaka mabilis sa kanilang lahat. Chinito si Champ at medyo maliit ang boses. Matalino pero hindi nakapag tapos. Madiskarte siya at mapag kakatiwalaan. Siya ang taga takbo ng grupo nila.
Dalawampu't apat na taong nag tipon-tipon para kalabanin ang mga patay na muling nabuhay. Wala ni isa sa kanila ang nakaka alam kung anu ang nangyari. Kung saan nag umpisa ang lahat. At kung paano tatapusin ang pag hihirap na ito.
"Soo..." panimula ni Champ ng mapansing tahimik ang lahat. Hindi kasi siya sanay sa ganito. "Anu nga ulit ang mga pangalan niyo? Nakalimutan ko na kasi eh, pasensya na ah." nahihiya siyang kumamot sa kaniyang batok.
Tumingala si Julia sa chinitong nakatayo sa tabi niya at inilapag ang platong hawak niya na may scrambled egg at kaunting beans. Pinunas niya sa shorts niya ang kamay siya sabay tayo."My name is Julia."
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanficPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...