| Chapter Two |
Si Christopher ang nag mamaneho ng RV at si Champ naman ang map duty. Nasa likuran nila ang van na kung saan si Enrique ang nag mamaneho. Doon nakasakay sila Julia, Wade, Jensen, Lucas, Emily at Catherine. Nasa RV na ang the rest. Palabas sila ngayon ng Caloocan. Umaasa sila na baka nasa Manila ang sagot na hinahanap nila.
Naka upo sa may tapat ng lamesa si Kathryn at nag lilinis baril. Katabi niya si Daniel na pinapanuod siya. Umupo sa tapat nila si Zeus at inilapag din ang baril. Bilib na bilib si Zeus sa ginagawa ni Kathryn.
"Pwede ko rin linisin yung sa'yo kung gusto mo." sabi nung dalaga nang naka ngiti. Tumango si Zeus. Kinuha ni Kathryn ang baril at kinasa ito. "Its a sweet piece"
"Binigay yan sa kuya ko ng aking ama bago siya pumanaw. Pamana niya. Pwede daw yang magamit pag kailangan mong protektahan ang buhay mo." kwento ni Zeus. Malungkot ang mga mata niya pero may ngiti siya sa mukha. "Hindi ko naman inaasahan na mga ganito pala ang makakalaban natin." tumawa siya ng kaunti.
"Your father is a smart man." sabi ni Daniel at tumango naman si Kathryn.
"Look, it's a limited capacity. Basically, this gun is able to hold seven rounds only." paliwanag ni Kathryn.
"Marunong ka sa mga baril ah." sabi ni Daniel.
"My father is a gunsmith." simpleng sagot ng dalaga. At kinalas na ang baril.
"Oh freak !!" napalingon sila kay Champ. Lumapit si Broody at Victoria sa harapan. Tumingin naman sila Kathryn sa katabing bintana.
Nasa gitna na sila ng highway at halos isangdaang abandonadong sasakyan ang bumulaga sa kanila. May mga sira. May mga mukha ayos naman. Ang iba naman ay may bakas ng dugo. Pero ang pinaka ikinakatakot nila ay ang mga bangkay na naiwan sa loob ng mga sasakyan. Mga patay na ito pero hindi rin sila ganun ka siguro.
"Maybe we should go back." sabi ni Champ. "May nakita akong interstate."
"Hindi kakayanin ng gas natin." sabi ni Christopher.
"Makakalagpas ba tayo dito?" tanung ni Victoria ng makita na talagang madami ang naka kalat na mga sasakyan.
Nagulat sila ng may biglang tumunog na kakaiba sa harapan ng RV. Biglang umusok ang makina na dahilan ng pag hinto nila sa gitna.
"Fvck !" hampas ni Christopher sa manubela.
Lumabas sila at binuksan ang harapan. "Sinabi ko na sainyo. Sinabi ko na sainyo na hindi nito makakayanan ang inilagay niyo! Hindi nakinig."
"Anung problema Christopher?" biglang sulpot sila Enrique. Naka park sila sa gilid.
"Well, we're stuck here in the middle of nowhere na walang ---" napahinto si Christopher ng makita na binuksan ni Victoria at Kathryn ang isang trunk ng sasakyan.
May nakuha silang ilang pagkain at damit.
"Okay. That was dumb." sabi ni Christopher ng makita na madami pa silang nakuha.
"If we can't find a radiator hose here, marami tayong iba pang pwedeng makuha." sabi ni Kathryn habang ineexamine ang isang tshirt.
"Pwedeng humigop ng gas." sabi ni Lucas.
"Maybe some water..." dagdag ni Emily.
"Food !!" utas nung dalawang bata.
Napangiti na sila sa mga bagay na pwede nilang makuha pero napawi ito ng nag salita si Julia, "This is a graveyard."
Para silang nakonsensya. Parang gusto nilang bawiin ang mga sinabi. Nakikita nila ang mga bangkay na nasa loob. Naisip nila na pag kinuha nila ang mga gamit na naiwan, ninanakawan nila ang mga ito. Pero kahit na mukha itong graveyard, wala na silang pakialam, lalu na sa mga oras na ganito. Kahit anu nang makita mo, angkinin mo na. Nothing is everything right now.
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanfictionPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...