SHORT NOTE/WARNING : Sa mga hindi updated sa Walking Dead series (mainly season 6) may character akong ipapakilala dito na kalalabas lang din sa S6. So if you guys are okay to be spoiled, then continue to read. PERO, kung ayaw mo makakita(may picture yung character)/makabasa ng spoilers, don't read this, okay? Thank you!
I love you all long time, but I love Norman Reedus more haha! Thank you <3
------------------------------------------
IV.
[ Daniel's POV ]
Good Morning!!"
"Hi Daniel!! "
"Magandang Umaga sa'yo..."
"Oy pogi ! Kamusta na?"
Yaan ang mga bating naririnig ko halos araw-araw. Hindi sila napapagod. Hindi sila nawawalan ng enerhiya. Lahat sila ay masisigla. Lahat sila ay naka ngiti. Di tulad ng mga kasamahan ko, akala mo wala ng bukas kung maka simangot.
Nakaka dalawang buwan pa lang kami dito sa community na ito. Malaki ang pinag bago ng aming mga nararamdaman. Kalahati sa amin ay masaya dahil nandito kami. Ilan sa amin naman ay parang mga takot pa din. At ilan naman kami, hanggang ngayon, na nag dadalawang isip pa rin kung tama ba itong pinasok namin.
"There is nothing wrong with this place..." salita ni Julia. Pinapili kasi nila kami ng bahay na matutuluyan. Sa isang bahay, tatlo hanggang apat na tao ang kasya. Pero hindi kami nag hiwahiwalay. Ang humiwalay lang sa amin ay si Herbert. Masyado na daw kasi siyang matanda para makipag siksikan sa amin. Nasa kabilang bahay lang naman siya.
Tatlo ang kwarto dito. Apat kaming magkakasama sa kwarto. Si Julia, Enrique at Kathryn. Syempre nasa kabilang kama ang mga babae. Medyo awkward na katabi si Enrique, pero okay lang. Si Kathryn naman ang nasa tapat ko pag umiikot ako.
Halos kumpleto na sa gamit ang bahay. Sinusubukan namin kausapin si Lana para alamin kung paano sila nag umpisa, kaso hindi siya makadatikng sa gitna ng kwento ng hindi umiiyak. Kaya ayun, hindi namin siya maintindihan.
"Wag na lang kasi natin pilitin..." sabi sa amin ni Kathryn. Kami kasi ni Enrique ang gusting makipag usap. Gusto namin malaman ang lahat. Imposible kasing yung mga tao dito ang tumulong sa kanila dahil hindi naman sa pag mamayabang, pero mukha silang mahihina. Yung tipo ng tao na hindi makabasag pinggan.
"Gusto lang naman namin malaman eh." sagot ni Enrique. Ayan ang nataggpuan kong senaryo pagka tapos ko mag-ikot sa lugar. Hindi nila ako napansin kaya dumiretso na ako sa kusina. Inilapag ko sa may lababo ang mga pagkain na ibinigay sa amin. Ako kasi ang isa sa taga ayos ng mga rasyon na ibinibigay nila.
Marami kaming nakilala sa lugar na ito. Pero wala pa yung masasabi at matatawag namin na 'kaibigan'.
Nung naka isang buwan na kami dito, nagulat kami ng sabihan nila kami na may hinanda daw silang misa para sa amin. Akala namin nung umpisa, hindi iyon totoo dahil wala naman kaming nakitang simbahan dito. Pero syempre, bilang pasasalamat namin sa kanila, hindi na lang kami ng bigay ng kumento at sumama kami. Isang kubo ang pinasukan namin. Tama ang laki at lawak niya. May altar sa harapan at ilang upuan na kahoy sa gitna. Malinis at maliwanag ang loob. May isang lalaki ang naka tayo sa gitna at mukhang nag bibigay ng speech.
Sinenyasan niya kaming umupo sa gitna at nag patuloy siya sa pag bibigay ng mensahe. Sa tingin namin ay siya yung Pari nila. Tinapos namin ang kaniyang misa at lumapit siya sa amin.
"Ako nga pala si Father Joshua." medyo yumuko siya at nakipag kamay sa bawat isa sa amin. "Ikinagagalak ko kayong makilala. " dagdag niya.
"Kayo rin po Father!" masayang sagot nila Minnie.
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanfictionPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...