| Start of Part two | Chapter One |
"P*tang*na !!! Bilisan mo !!!" sigaw ni Enrique kay Broody habang umaandar ang RV. Pagkatapos kasi ng pagsabog na nangyari, nabulabog na parang mga bubuyog ang mga roamers. Mabilis nakahabol. Kaya nilang iwasan ang sandamakmak na roamers kaso biglang naubusan ng gas ang sasakyan ni Broody.
Malayo na sila ng nagyari iyon. Todo takbo ang ginawa ni Broody. Masakit na ang mga hita niya pero pinilit niya pa rin. Tumutulo na ang pawis sa kaniyang noo. May hawak siyang baril pero hindi sapat ang bala. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya ay parang lalabas na ito sa kaniyang dibdib.
*GRAAAH*
*GROOAN*
*UGHHG*
Rinig na rinig niya ang mga ungol nila sa likuran. Ayaw pa niyang mamatay. Wag muna ngayon. Hindi niya pa nga nakukuha ang puso ni Victoria, ayaw niyang mahiwalay muna dito. Pinahinto na nila ang RV ng mapansing nakaka layo na si Broody. Agad nila siyang hinila papasok at pinaandar kaagad ang sasakyan.
"What the hell happened? Kanina okay ka lang." sabi ni Victoria habang pinupunasan ang pawisan na mukha ni Broody.
"Naubusan ng gas yung sasakyan ko. Bumusina ako pero hindi niyo narinig at saktong dumating ang mga gagong patay na iyon." paliwanag niya habang nag hahabol ng hininga.
Tumango sila. "How's the ammo?" tanung ni Enrique. Binuksan ni Broody ang dala niyang bag.
"Kakaunti na lang..."sabi niya. Napa buntong hininga sila.
"Malapit ng mag gabi. Kailangan natin ng matutuluyan." sabi ni Emily.
"I know a place." sabi ni Champ at itinuro niya kay Christopher ang daan.
Lahat sila ay dahan-dahan maglakad sa gilid ng pader sa isang abandong gusali. Padilim na kaya kailangan nilang mag madali.
"Dito tayo." sabi ni Champ at sinundan siya. Pagka liko nila ay naiba ang mga ekspresyon nila. Bigla silang nandiri. Nakita nila ang ilang roamers na kumakain ng bangkay ng mga tao.
Hindi sila napansin nito pero biglang naiyak ang mga bata. Agad itong napalingon sa kanila at tumayo. Mapuputla ang mga roamers na ito. Maiitim ang gilagid at puno ng sugat.
Tinira ni Enrique ang dalawang roamers na sakto sa gitna ng mata. Binato ni Victoria ang kutsilyo niya. Ginamit ni Julia ang sandata niya. Tinago nila ang mga bata. Hindi sila gumamit ng mga baril para makatipid sa bala at walang ingay na magawa.
"Sa loob tayo." at pumasok sila sa gusali. May harang ang mga bintana nito bukod sa pintuan na dinaanan nila. Agad nila itong hinarangan. Umiiyak si Catherine kaya siya ka agad ang napagbuntungan ni Wade.
"Patahimikin mo siya !!"
"Leave her alone." sabi ni Catherine.
"Patahimikin mo siya o ako ang mag papatahimik." suminghal si Wade at agad tumayo si Kathryn sa gitna.
"Back the hell off, Wade ! Natatakot siya."
Napa iling na lang siya at humarap kila Enrique.
"Dito lang kayo. Iikutin namin ang lugar." sabi ni Broody. Tumango sila. Naiwan ang mga babae pati si Champ at Lucas at Christopher para may kasama ang mga babae.
Dinagdagan nila ng harang ang pintuan. Mga kahoy at lamesa ang iniharang nila. Maya-maya ay may bigla silang narinig na ungol. Ka agad silang nag tago.
"Sshhhh" sabi ni Julia kay Jensen dahil naiiyak na ito pati si Catherine. Nawala din ito. Bumalik na ang mga lalaki.
"Sa taas na lang tayo." sabi ni Enrique. Tumango sila at umakyat. Wala rin naman mapupuntahan dito sa ibaba bukod dun sa tatlong kwarto na walang laman. Yung hagdanan na ang dead end.
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanfictionPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...