III.
Mag kakahawak ang kamay nila habang papunta sa lugar na tinitirhan ni Victoria. Walang umiimik. Iisang ngiti lang ang makikita niyo sa kanilang mga mukha.
"This is it!!" masayang palakpak ni Jensen. Siya ang unang bumasag ng katahimikan ng maaninag nila ang isang mataas na gate na gawa sa mga pinag kabit-kabit na bakal at kahoy.
Nang makalapit na sila ay dun nila napansin na may mga nag babantay sa ibabaw ng pintuan. Sumenyas sila sa likod ng gate at bumukas ito. Protektado mula sa mga roamers ang kanilang lugar dahil bukod sa mataas na pader, may mga nakaharang pa na matutulis na kahoy at barbwire sa gilid. Naka hukay ang mga gilid para kung may dadaan man na roamer ay malalaglag ito ng kaunti at matutusok sa patibong.
Pumasok sila sa loob ng gated community. Dahil gabi na sila nakarating, hindi nila masyadong maaninag yung lugar. Lahat ng ilaw ay naka sara.
Dumiretso sila sa isang malaking gusali. Para itong isang gym na may mga upuan na bato sa gilid. Pero bukod dun, may mga upuan at lamesa din sa gitna. Huminto ang sasakyan sa tapat nito at sabay-sabay silang bumaba.
Sinundan lang nila sila Victoria papasok sa loob. Sinalubong sila ng mabangong amoy ng mga ulam. Kumalam ang kanilang mga tyan. Gusto nilang tumakbo at tirahin ang mga pag kain pero syempre, nahihiya sila.
"You're back!!" bati ng isang medyo matabang babae na halatang may edad na. Niyakap niya isa-isa ang mga nag ligtas kila Enrique. "Akala ko kung napano na kayo..."
Napansin niya sila Daniel na nakatayo sa likod. Sinilip niya sila at bumulong dun sa mga kasamahan ni Victoria. Lahat sila ay tumingin na.
"Sila yung nakwento ko sa inyo Inang!" naka ngiting sabi ni Victoria. Halos maiyak ang matanda na ikinagulat nila Enrique.
Nagulat pa sila ng bigla silang yakapin nito. Napa iling na lang sila Victoria.
"U-upo kayo..." naka ngiting sabi nung babae habang nag pupunas ng luha.
"Okay lang ba siya Vic?" tanung ni Champ.
Tumango si Victoria. "Medyo emotional lang talaga siya."
Umupo sila sa isang mahabang lamesa. Nasa gitna ang mga pagkain. Bigla nilang namiss ang kanilang lumang buhay.
Binigyan sila isa-isa nung babaeng naka ponytail ng mga paper plates at plastic forks. Nag thank you sila. Magkakatabi sila at sa tapat nila ay yung mga kaibigan ni Victoria.
Malaki ang ngiti nung gwapong lalaki kay Daniel habang ngumunguya ng chewing gum. Katabi niya yung matangkad na negro na malaki ang katawan.
"Please, start..." senyas nung negro sa kanila Enrique.
Tumango sila pero walang kumukuha. Kahit gutom na gutom na sila, nangingibabaw pa rin ang kanilang mga hiya.
Pero nagulat sila ng biglang kumuha ng pagkain ang dalawang bata. Puro chicken at kanin ang kinuha nila. Napuno kaagad ang kanilang mga bibig kaya binigyan sila ng juice nung matandang babae.
"Wag na kayong mahiya!" napatalon si Julia at Kathryn ng may humawak sa kanilang likuran. Sabay silang lumingon at nakita ang isang matandang lalaki. Siguro nasa mid-thirties ito. Kita sa kaniya na nung kabataan niya ay may itsura ito.
"Yun nga sabi namin eh. Madami pa naman ito!" halakhak nung lalaking gwapo.
"Help yourselves! " alok sa kanila.
At nag umpisa na silang kumain. Sinabayan na din sila nung mga kasamahan ni Victoria. Hindi mapigilan ni Brook ang pag sulyap kay Victoria.
"Tingin palang ba busog ka?" kalabit ni Enrique sakaniya habang naka ngisi. Nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni Julia.
"Tigilan mo ako dyan!" singhal ni Brook at biglang namula.
"Can we know your names?" tanung ni Kathryn sa mga nasa harapan nila.
"Tsaka, nasaan tayo?" dagdag ni Julia.
Nag tinginan ang mga kasamahan ni Victoria. Nag punas ng bibig yung isang lalaki. Mukhang siya ang leader.
"My name is Tyrone." pakilala nung negro na lalaki. "Ito naman si Lyla." turo niya sa naka ponytail. "At si Michael." yung gwapong lalaki. Kumindat pa ito sa kanila, kay Kathryn.
"Ako naman si Ryan." sabi nung lalaking humawak sa likuran nila Julia.
"He's the owner of this community. " sabi ni Victoria habang umiinom ng kape.
"Pero you help me build it..." dagdag ni Ryan. "Kung hindi dahil sa kanila Tyrone, baka matagal na itong napatumba."
"Tulong-tulong lang naman ito. Ganito na dapat gawin ngayon." paliwanag ni Tyrone.
"Ito ang uso ngayon!" masayang sinabi ni Michael.
"And you are welcome to stay!!" dagdag ni Ryan na ikinagulat nila Enrique. Napa hinto sila sa pagkain. Hindi nila inaasahan na sasabihin ito sa kanila.
"Uhhmm...." hindi nila alam ang sasabihin.
"Oh come on! Pamilya na kayo. Tayo-tayo na nga lang tatanggi pa kayo?" sabi ni Lyla sa kanila.
"Yeah! We heard great things about you guys. Ang saya nga namin at nag kasama na kayo ulit ni Victoria. Seeing that smile in her face is a good sign!" masayang kwento ni Michael.
Medyo nagkatinginan ang grupo ni Julia. Hindi kasi maganda ang pag hihiwalay nila kay Victoria. Hindi nila inaasahan na may sinasabi pala ito tungkol sa kanila. Akala nila ay talagang kinalimutan na sila nito.
"You people are important to her. Kaya napaka saya namin nung nakita kayo. Its like a sign..." umakbay si Tyrone kay Enrique at Daniel, "That after a very strong storm, there will always be a light." paliwanag niya.
"Manonosebleed ata tayo dito..." naka ngising bulong ni Julia kay Kathryn.
Nakatitig ang ibang kasamahan ni Victoria sa mga bata. Naisip nila ang buhay na pinagdaanan nito. Hangga't maaari, ayaw na nila itong mahirapan pa.
"Pero kung ayaw niyo, I mean, kung mas nasanay na kayo sa labas, hindi na namin kayo pipilitin..." salita ni Ryan.
Napakagat sa ibabang labi si Kathryn. Naisip niya na ayaw niya na itong bitawan. Minsan lang sila makahanap ng ganito.
"Thank you for the offer..." panimula ni Enrique na agad na napatigil dahil sa hawak na naramdaman niya. Tumingin siya sa likod niya at nakita si Kathryn na naka hawak sa kaniyang balikat.
Ramdam ng dalaga na tatanggihan ito ng binata. Pagkatapos ng pinag daanan nila, mahirap ng mag tiwala. Pero gusto din ng binata na bumawi sa kasalanang nagawa niya.
"Let's give it a chance..." bulong nito sa kaniya. Mabilis siyang tumango. Nakita din niya ang hirap sa mukha ng mga kasamahan niya. Ayaw niya muna ito ilabas ulit. They deserve to rest, even just for a few time.
"We'll stay for the night. Pag uusapan din namin ang desisyon tungkol dito." maayos na sinabi ni Enrique.
Lumaki ang ngiti ni Ryan. Tumango siya sa kanila. "Thank you for giving us a chance."
Ngumiti lang sila. Sinenyasan sila ni Tyrone na sumunod sa kaniya. Binitbit nila ang kanilang mga bag at sumunod. Lumabas sila sa lugar na pinagkaininan nila.
Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ang lugar na kanilang pinasok. Gusto na naman nilang maiyak. For once, nag pasalamat si Enrique sa kaniyang konsensiya dahil sumunod ito kay Kathryn. Hindi siya nag sisisi sa desisyon na binitawan.
"Welcome to the Cove Community. "
*****
BINABASA MO ANG
Already Gone
FanfictionPag gimik kasama ang mga barkada. Panliligaw sa gustong babae. Pag hahanda sa mahihirap na exam. Pag gising ng maaga para hindi malate sa klase. Pag pasyal sa mall. Ang mga ito ay mga kaunting halimbawa na ginagawa ng mga kabataan ngayon. Masasaya...