3- Engagement Party

88 6 0
                                    

~Engagement Party~

Rigel's POV

This is the day when our parents will officially announce about the merger of our companies.

The Monteverde & Montefalco Companies.

In addition to that, they would also announce about the marriage. Our marriage.

Andito kami ngayon sa mansion ng mga Montefalco at ang masasabi ko lang sa mansion nila ay, simple yet elegant. Maganda siya, totoo. Pagkapasok ko pa nga lang ay namangha na ako lalo na dun sa interior design nitong mansion, hindi sobrang magarbo kundi katamtaman lang. Yung mga furnitures kakaiba din at tamang-tama lang sa combination ng mga kulay at design.

At kaya nga kami nandito ay dahil dito gaganapin ang announcement sa harap ng mga kapamilya, kaibigan at katrabaho nila.

Habang pinagmamasadan ko ang mga tao dito bigla akong nilapitan ni tita. "Hi dear, are you okay?"

"Yes, okay lang po ako tita." Saka ako ngumiti.

"If you say so." Sabi niya saka siya umupo sa tabi ko. "Anyway, where's Derrick?"

"Hindi ko po alam. Pero baka andyan lang po yun."

"Ah, okay. Basta huwag kang mahiya ah. Feel at home ka dapat dahil sa susunod magiging kapamilya mo na din kami. Okay?"

Wala akong masabi kaya ngumiti nalang ako ng pilit kay tita. Di na rin naman nagtagal si tita at umalis na. Busy kasi sila ngayon dahil sa mga darating pa nilang mga bisita mamaya.

Habang nililibot ko ang mansyon nila ay napadaan ako sa kitchen at eksaktong nauuhaw na din naman ako kaya kinuha ko na yung wine glass na nasa table dahil yun naman ang una kong nakita. Nakakatamad naman kung maghahanap pa ako ng ibang baso, kukuha na sana ako ng tubig pero di ko naman sinasadyang may mahagip ang mata ko. Di naman kasalan ng mata ko na makita yung red wine sa ibabaw ng table eh.

>_<

Nate-temp tuloy ako. :3

Rigel, stop! Siguro naman ayaw mong mapahiya mamaya pag bigla ka nalang nalasing at ba'ka kung ano-ano pa ang gawin mo.

Umupo na ako sa high stool. Hindi naman ako iinom ng kasing dami ng iniinom ko sa bar eh. Saka kaya ko naman ang sarili ko isa pa di ako madaling malasing noh! Saka one glass lang naman eh. Nauuhaw na kasi talaga ako eh.

Make sure!

"Ahh, ang sarap." Sabi ko pagkatapos kong inumin yung isinalin ko sa wine glass na red wine.

I want more.

Di na ako nakatiis sinalinan ko ulit ng red wine yung baso ko at ininom. Sa bawat pag-inom ko tila gusto ko pa'ng umulit. Nakaka-apat na baso na ako pero parang may kakaiba dito sa red wine na'to.

Dati naman ay hindi agad ako nalalasing pero baki ngayon iba? Hindi kaya.....

"Shit!"

"Ano ba! Nakita mong umiinom pa'ko eh!"

Inagaw kasi ni JD yung wine glass na hawak ko habang umiinom ako. Di ko nga namalayan na nadito siya kung hindi niya pa inagaw sakin yung wine glass.

Teka nga lang, ilang beses ko na ba nabanggit yung word na 'wine glass'?

"Bakit ba kasi ininom mo 'tong wine ha?" Concern lang ang peg? Sapakin ko pa siya sa ginawa niyang pag-agaw ng baso ko eh. "Malalagot pa ako nito eh. Aish!"

"Bakit ka naman malalagot? Saka kanino?"

"Wala. Tara na nga sa labas hinahanap ka na nila. Malapit na ding magsimula ang announcement."

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now