4-Confrontation

64 5 0
                                    

A/N: I am so sorry for a very long period of time na hindi ako nakapag-update. Hope you understand knowing that I am a student and we are very busy. Thank you guys. I hope you are all still there to support me. Thank you very much guys. Love you all <3

-secretagent_princess

~Confrontation~

Mark's POV

Tahimik ang paligid. Tanging ang hangin lang na tumatama sa mga dahon sa puno at ang maliliit na alon na humahampas sa mga malalaking bato ang tanging mariririnig mo.

Nakaupo kami ngayon sa hood ng sasakyan, malamig dito pero hindi ko hahayaang malamigan siya kaya binigay ko sakanya yung coat ko. Pareho kaming nakatanaw ngayon sa malayo.

"Naaalala mo ba ang lugar na'to?" tiningnan ko siya saka nagpatuloy. "Ito yung lugar na lagi nating pinupuntahan ng magkasama nung mga bata pa tayo. Dito tayo nagku-kwentuhan about sa school, saka about sa families natin kasi lagi silang wala because of their business trips, tapos mahilig din tayo dito na mag wish kapag may gusto tayong hilingin. Naaalala mo pa ba yung mga panahon na lagi tayong nagpi-picnic dito?

Tapos lagi pa tayong naghahabulan at naglalaro ng tagu-taguan. Natatawa nga ako pag naaalala ko yung noong nadapa ka habang naghahabulan tayo tapos iyak ka ng iyak tapos habang pinatatahan kita saka nung yaya mo mas lalo kang umiiyak tapos hinahanap mo yung mom and dad mo. Do you still remember those happy memories?—"

Tiningnan ko ulit siya pero nakayuko lang siya kaya nagpatuloy pa din ako sa pagku-kwento.

"Pero biglang nagbago lahat yun. Kailan ba tayo tumigil na pumunta dito? Kailan ba tayo tumigil sa paggawa ng mga magagandang ala-ala ng magkasama sa lugar na'to? 3rd year high school ba? O 4th year? Inaaya kita noon na pumunta ulit dito pero ayaw mo ng sumama sakin na pumunta sa lugar na'to, kung ano man ang dahilan hindi ko na tatanungin dahil alam ko na may mabigat na dahilan ka. Pero alam mo? Ako, di ako tumigil sa pagpunta dito. Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag-isa saka pag gusto kong makapagisip-isip. Ang sarap alalahanin nung mga memories natin dati noh? Ikaw ba? Naaalala mo pa ba ang mga 'yon?"

"Yes, pero pwede ba? Stop bringing back the past." Iritado niyang sabi pero alam kong hindi talaga yun ang nararamdaman niya.

"Those childhood memories are not easy to forget. Those bondings. Those laughters. Those smiles. I wish I could make you laugh like that again and make you smile just like your smile back then. The genuine one, yung alam kong galing sa puso mo. I wish I could be the one who can make you do that."

"S-stop. Stop telling me those things just... just tell me why you brought me here." Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam ko sa sarili ko na naiiyak siya. Base na din sa pag garalgal ng boses niya.

"Rigel, hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nitong sasabihin ko sa ating dalawa, sa pagkakaibigan natin, pero ayokong mawala ka sakin ng tuluyan kaya lalakasan ko na ang loob ko para sabihin sayo 'to ngayon at sana hindi pa ako huli. Sana lang hindi pa huli ang lahat."

"S-stop talking."

"No, I won't stop hangga't hindi ko nasasabi sayo 'to. Please listen to me." Hinawakan ko ang mukha niya at pinaharap sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya na ngayon ay may luhang pumatak at pinunasan ko yon gamit ang mga daliri ko na ngayon ay nakahawak sa mukha niya.

"Look at me." Sabi ko sakanya ng umiwas siya sakin ng tingin.

Gusto ko iparamdam at ipakita sakanya na sincere ako sa kung ano man ang sasabihin ko ngayon.

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now