8- His Friends

22 2 0
                                    


~His Friends?!~

Rigel's POV

There are 3 boys in the table at pinakilala naman sila ni Jin sakin. Buti nalang at hawak-hawak ako ni Jin kung hindi baka kanina pa ako natumba.

"Guys, please meet Ellys and Ellys meet my friends Zach, Chad, and Geoff." They half-raise their hands, sign ng pagbati nila sa'kin.

Hindi ako sumagot, sa halip binigyan ko lang sila ng angking matamis na ngiti.

"Bakit tatlo lang kayo? Nasa'n si JD?" Tanong ni Jin na nakapagpatigil sa akin.

'JD? Hindi naman siguro siya yon 'diba? Tama. Ang daming JD sa mundo, hindi lang siya ang nag-iisang JD ang pangalan.' Kumbinsi ko sa sarili ko.

Pero bakit bigla akong kinabahan?

Hindi naman ako ganito eh, kasi ako nga 'diba yung taong walang pakielam sa iba. Pero iba kasi ngayon, iba yung feeling ko pero sana mali ako.

Yes, I encountered many guys before na naging ka-fling ko pero never pa akong nagkaroon ng attachment sakanila dahil baka maging kumplikado ang mga bagay-bagay.

Kaya if ever na si JD na kaibigan nila at si JD na fiancé ko ay iisa –na sana ay huwag naman- hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Lumabas lang saglit. Tinawagan yung girlfriend niya."

"Ah, okay."

Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.

Kung yung JD na kaibigan nila ay may girlfriend ibig sabihin hindi siya ang fiancé ko dahil siguro naman walang girlfriend ang JD na kakilala ko o kung meron man baka noon nalang yon pero ngayon wala na sila dahil alam niya lalo na't nasa arrange marriage siya na masasaktan lang niya ang girlfriend niya kung sakali.

Pero bigla din akong napa-isip dahil Posible....Pwedeng mangyari...

Pwedeng may girlfriend pa din siya at handa nilang hintayin ang isa't-isa. Pero may ganon pa bang mga tao ngayon? Yung mga taong kayang maghintay ng matagal na panahon para lang makasama nila yung taong mahal nila habang buhay?

"Kaya pala nagawa mong tanggihan yung dalawang babae kanina na katabi mo. Talaga naman palang mukhang anghel itong si Ellys." –Geoff

I smiled for the compliment...

"Oo nga. Agree ako do'n kasi iba yung awra mo eh, iba yung ganda." Then he winked at me. "Anyway, mag-isa ka lang ba? Wala ka bang ibang kasama?" –Chad

Hindi ako sumagot gaya kanina at tanging iling lang ang ibinigay ko.

"Pero alam mo, you look familiar." –Zach

"Huh? What do you mean?"

"Parang nakita na kita somewhere."

Patagal ng patagal mas lalo lang akong kinakabahan. Padagdag ng padagdag yung kaba and I hate this feeling. I shook away the thought forming into my mind.

Nasabi ko na bang I already met many guys before? Tama, ito na lang ang iisipin ko. This thought is much better as long as hindi niya ako nakikilala. Siguro nga isa lang siya sa mga lalaking na-meet ko noon kaya ako familiar sakanya.

"Baka hindi ako yon."

"Ewan...pero siguro nga kamukha mo lang yon."

Nang matapos ang pag-uusap namin nagkanya-kanya na kami. Them with their girls while me with this man beside me –Jin.

Conquer Ones LoveWhere stories live. Discover now